Hindi pa tapos ang beauty queen na si Shaila Rebortera sa kanyang mga rebelasyon kaugnay ng diumano’y naranasang physical abuse mula sa dating partner na si Rob Gomez.
Nitong Linggo, August 13, 2023, sa pamamagitan ng Instagram, nag-post ang Miss Multinational Philippines 2021 ng mabibigat na akusasyon laban sa aktor.
Sinabi ni Shaila na higit isang taon siyang nanahimik sa ginawa umanong pananakit sa kanya ng aktor.
Idinawit din niya sa kanyang post ang ina ng aktor, ang dating aktres na si Kate Gomez.
Sabi ni Shaila, “After over a year of being silent about the abuse, I’m happy I was able to speak my truth.
“Just hours after the photos of the bruises were uploaded, his mother asked for me to say sorry in exchange for being able to stay with them. I decided to leave.”
Bago ito, noong August 7, nag-post si Shaila ng mga larawan niya na puno ng pasa ang mga braso.
Inakusahan niyang si Rob ang may gawa nito.
Nang i-post ni Shaila ang tungkol sa kanyang mga pasa, kaagad din siyang nag-post ng inquiry online na naghahanap siya ng matutuluyan.
NOT AN ISOLATED CASE?
Sabi ni Shaila sa kanyang recent post, may mga nakipag-ugnayan sa kanyang mga babae na pareho umano ang sinapit mula sa aktor.
Ani Shaila, “Since that day, so many girls have reached out to tell me either about the same physical, verbal, and emotional abuse they have experienced from him or about the cheating incidents that happened all the while he was keeping our relationship and our baby ‘private’ for his career.
“I feel sick hearing about all these now.”
Read: Beauty queen Shaila Rebortera tags Rob Gomez in IG posts about physical abuse

Tinapos ni Shaila ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng pagpapasalamat sa mga nangumusta at nakisimpatiya sa kanya.
Aniya pa, “I know I should have spoken sooner, but the next best time is now.”
Makahulugang caption dito ni Shaila: "No more suffering in silence."

SHAILA’S REVELATION
Noong August 3, Huwebes, ay nagkaroon ng interview si Rob sa Fast Talk With Boy Abunda.
Dito sinabi ni Rob na siya ay “single” pero may love life siya. Bakas sa mga salita ni Rob ang agam-agam sa pagsasabi sa tunay na estado ng kanyang love life.
Kinabukasan, August 4, Biyernes, ay nag-post si Shaila tungkol sa eight-month-old baby girl nila ni Rob.
Read: Beauty queen reveals she has daughter with actor Rob Gomez
Pagsapit ng Sabado o Linggo, ipinost ni Shaila ang mga larawan ng mga pasa niya sa braso.
Ang caption dito ni Shaila ay statements na mahihinuhang galing kay Rob na inuuna ang career kesa sa kanyang anak at relasyon kay Shaila.
Tila kinumpirma naman ito ng ina ni Rob na si ni Kate Gomez sa exclusive interview nito sa PEP.ph.
Ayon sa dating aktres, hindi nagustuhan ni Shaila ang sinabi ni Rob sa Fast Talk na single ito.
Kinumpirma ni Kate na live-in partners na sina Rob at Shaila.
Read: Former actress Kate Gomez speaks up about issue of son Rob Gomez with Shaila Rebortera
Ayon kay Kate, nais din daw ng beauty queen na mag-post si Rob tungkol sa kanilang dalawa at kanilang anak.
Itinanggi naman ni Kate na itinatago ni Rob ang pagkakaroon ng anak at ang relasyon nila ni Shaila, kundi ginagawa raw lang itong low-key ng aktor.
Sinabi rin ni Kate na nakipaghiwalay na si Shaila kay Rob noong August 7, at umalis na ito sa kanilang bahay sa Parañaque.
Sa recent Instagram post ni Shaila ay bumuhos ang suporta mula sa kanyang fellow beauty queens at titleholders, tulad nina Bea Luigi Gomez, Steffi Aberasturi, Thia Thomalla, Ganiel Krishnan, Tracy Maureen Perez, Gwendolyne Fourniol, Eva Patalinjug, Dindi Pajares, at marami pang iba.



Bukas ang PEP.ph sa pamig ng lahat ng nabanggit sa artikulong ito.
