PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manilyn, Michael V surprise Ogie on 'Showtime'

Ogie Alcasid will celebrate his 56th birthday on August 27, 2023.
by Nikko Tuazon
Published Aug 19, 2023
Ogie Alcasid
On August 19, 2023, GMA-7 stars Manilyn Reynes (middle) and Michael V. (right) made a special appearance on 'It's Showtime' for Ogie Alcasid's (left) special birthday production number.
PHOTO/S: Courtesy of It's Showtime / ABS-CBN / GTV

Ikinagulat at ikinatuwa ng viewers ng It's Showtime ang surprise guest appearance ng GMA-7 talents at Pepito Manaloto stars na sina Manilyn Reynes at Michael V. para sa kanilang episode ngayong araw, August 19, 2023.

Kabilang ang dalawa sa special birthday production number ng matalik nilang kaibigan na si Ogie Alcasid, na magdiriwang ng kanyang 56th birthday sa darating na August 27, 2023.

Kinanta nina Ogie at Manilyn ang "Pangako" na isinulat nilang dalawa.

Ogie Alcasid, Manilyn Reynes

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, ang awiting "Bakit Ngayon Ka Lang?" ang ibinirit ni Bitoy kasama si Ogie.

Ogie Alcasid, Manilyn Reynes, Michael V

Ito ang kauna-unahang beses na lumabas sa It's Showtime sina Manilyn at Bitoy simula nang umere ang nasabing noon time show sa GTV, ang sister channel ng GMA-7, noong July 1, 2023.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

LONGTIME FRIENDS

Very special ang moment na ito para kay Ogie lalo't sina Bitoy at Manilyn ay dalawa sa pinakamatalik nitong kaibigan sa showbiz. Sa katunayan, umabot na sa mahigit tatlong dekada ang kanilang pagkakaibigan.

Ayon kay Bitoy, "Mula na pumasok ko sa industriya, parang kami na yung magkasama ni Ogie sa OctoArts."

Dagdag pa nito, "Kaming tatlo, actually."

Si Manilyn naman at nakatambal din noon ni Ogie bilang love team sa Regal Films, bago pa man nito nakilala si Bitoy.

Pagbalik-tanaw ni Ogie, "Si Manilyn, ka-love team ko naman sa Regal noong araw."

Biro naman ni Bitoy, "Hanggang ngayon, kinikilig pa rin sila, 'no?"

Nagpasalamat din si Ogie sa mga asawa nina Manilyn at Bitoy na kanyang nakakuntsaba para sa guest apperance ng dalawa at maging sa GMA-7 executives sa pagpayag ng mga ito sa kanilang paglabas sa It's Showtime.

Sabi ni Ogie, "Salamat din sa mga asawa niyo, ha? Kay Carol [Bunagan], at siyempre kay Aljonz [Jimenez].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi sila yung partners in crime, 'Uy, payagan nyo naman.' At saka siyempre sa mga bossing natin sa GMA."

FONDEST MEMORY WITH BITOY

Tinanong naman ng It's Showtime host na si Vice Ganda kung ano ang fondest memory ng mga ito kasama si Ogie.

Binalikan ni Bitoy ang mga panahon na sumasubok pa lang itong pumasok sa showbiz, nang sumali siya sa "Check 2000" rapping competition na Eat Bulaga!, noong nasa ABS-CBN pa ito noong early 1990s.

Kuwento ni Bitoy, si Ogie ang dahilan kung bakit natalo ito sa nasabing kompetisyon.

Aniya, "Ever since kasi nung... Alam ko dito rin sa [ABS-CBN] nangyari yun, e. Noong time na sumali ako sa Eat Bulaga at siya yung judge.

"Marami na siguro nakakaalala nito. Pero sumali ako sa contest sa ano dati. Dito rin sa ABS-CBN. Tapos, siya yung judge. Pinatalo niya ako."

Patuloy nito, "Pinatalo niya ako. Rap contest ha? Rap contest. Hindi rapper to ha. Pero... siya nagpatalo sa akin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahit na natalo, ito naman ang naging dahilan kung bakit nagsumikap si Bitoy at kalauna'y nakatrabaho si Ogie.

Bahagi nito, "Pero ang nangyari, dahil dun, nagsumikap ako at naging magkasama kami sa trabaho."

LOVE TEAM WITH MANILYN

Memorable naman para kay Manilyn ang panahon na sinisulat nila ni Ogie ang kanyang awiting "Pangako."

Bahagi nito, "Ako, si Ogie, of course, isang memorable sa akin, yung pagsulat ng 'Pangako' with him."

Pero pinaka-memorable pa rin para sa kanya ang naging blooper ni Ogie nang maging guest performer niya ito sa kanyang first major concert.

Pag-alala ni Manilyn, "Ito, nakakatawa ito. Minsan nakakaiyak din kapag naiisip ko.

"First major concert ko, tapos guest ko siya, tapos kumanta kami, unang pasok pa lang, yung line niya...

"Kunyari, kakantahin niya, 'Love after all, that's... [mumbles],' ganun. Nakalimutan na!"

Medyo na-caught off-guard naman sina Manilyn at Ogie nang tanungin sila ni Vice Ganda tungkol sa kanilang nakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tanong ni Vice Ganda, "Naging kayo ba?"

Mahinahon na sagot ni Ogie, "Hindi, hindi!"

Sa follow-up question ni Vice Ganda, tinanong nito si Ogie kung nanligaw din ba siya kay Manilyn nang mga panahon na iyon.

Hindi naman agad ito nakasagot at hinayaan si Manilyn na magkuwento.

Nahihiya pang pagkumpirma ni Manilyn, "Oo naman, ang tagal na nun."

BIRTHDAY MESSAGE

Binigyan din ng pagkakataon sina Manilyn at Bitoy na ipahayag ang kanilang mensahe at birthday wish para kay Ogie.

Unang nagbigay ng mensahe si Manilyn.

Sabi nito, "Sana i-bless pa ni God yung kind heart mo. Kasi... hindi lang naman yung mga taong katrabaho mo ang natutulungan mo.

"Alam kong marami pang tao kayong natutulungan ng mag-asawa. So, tuluy-tuloy nyo lang po yun. At God bless you and your kind heart. Always."

Wish naman ni Bitoy para sa matalik na kaibigan, "Ako ang wish ko para kay Ogie, better health. Para mas tumagal pa yung... yung career niya dito sa industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos, better relationship with his wife, Regine. And, of course, inner peace."

READ MORE:

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On August 19, 2023, GMA-7 stars Manilyn Reynes (middle) and Michael V. (right) made a special appearance on 'It's Showtime' for Ogie Alcasid's (left) special birthday production number.
PHOTO/S: Courtesy of It's Showtime / ABS-CBN / GTV
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results