PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vice Ganda in road accident, lauded for kindness to victims

“Naararo kami, apat kaming sasakyan, parang nakatulog yung driver, so wasak na wasak."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Aug 22, 2023
Vice Ganda involved in a vehicular accident
Vice Ganda on figuring in a vehicular accident: “Naararo kami, apat kaming sasakyan, parang nakatulog yung driver, so wasak na wasak."

Nasangkot sa karambola ng mga sasakyan ang TV host-comedian na si Vice Ganda noong Sabado ng gabi, August, 19, 2023.

Base sa kumakalat ngayong video at pictures sa social media, nangyari ang aksidente sa may Katipunan, Quezon City.

Isang delivery truck ang makikitang umararo sa ilang sasakyan, kabilang ang sasakyan kung saan lulan si Vice.

Sa It’s Showtime nitong Lunes, August 21, ikinuwento ni Vice ang nangyari sa kanila matapos umanong makaidlip habang nagmamaneho ang driver ng delivery truck na naging sanhi ng aksidente.

Kalakip nito ang panawagan niyang tulungan ang iba pang biktima ng naganap na aksidente, maging ang driver na nakabangga sa kanila.

Ani Vice, “Nanawagan po ako sa Lalamove, kasi naaksidente ako nung Saturday. Sana po tulungan niyo po yung driver na nakabangga sa amin.

“Naararo kami, apat kaming sasakyan, parang nakatulog yung driver, so wasak na wasak [yung sasakyan].

"Sana po tulungan niyo yung driver kasi balita namin... At saka sa contractor, yung may-ari ng truck, sana tulungan niyo yung driver, kasi naawa rin naman ako sa driver kasi ang daming sasakyan yun, e—apat.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang co-host niyang si Kim Chiu ay agad na nagpaabot ng tulong bilang siya ang ambassador ng Lalamove.

“Meme, ambassador ako ng Lalamove. Sige, pwede kong i-text…” sabi ni Kim.

Pakiusap ni Vice, “Paki, oo.

“Assist niyo rin yung driver, although sa contractor yun. Pero i-assist sana kasi kawawa yung driver.”

Sa huli, laking pasasalamat ni Vice sa Diyos na napinsala man ang kanyang sasakyan ay ligtas naman sila.

Aniya, “We’re still alive! Yes!”

Hirit pa niya, “Yun nga lang, namatay yung—kasi number one na ako sa Candy Crush noong mga panahon na yun.

“Oo! Number one ako ilang weeks na, number four na [lang] ako ngayon.”

NETIZENS REACT

Sa X (dating Twitter), agad na nag-trending ang video kung saan makikita ang pagtulong ni Vice sa mga kapwa niya biktima sa nangyaring aksidente.

Kita sa video ang pagbaba ni Vice sa sasakyan para kumustahin ang iba pang biktima.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang anggulo, makikita ang It’s Showtime host na binibigyan ng tubig at pinapakalma ang isang babae at kasama nitong lalaking driver na tila naipit sa karambola.

Dahil dito, maraming netizens ang humanga sa inasal na ito ni Vice.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vice Ganda on figuring in a vehicular accident: “Naararo kami, apat kaming sasakyan, parang nakatulog yung driver, so wasak na wasak."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results