Nagpakatotoo sina Francine Diaz at Seth Fedelin na walang espesyal na relasyon na namamagitan sa kanila liban sa pagiging magkaibigan.
Sina Seth at Francine, na may uniname na FranSeth, ay magkatambal sa ongoing Kapamilya primetime series na Dirty Linen.
"Yes, lumalim yung friendship namin the way na naging mas open kami," panimulang pahayag ni Francine.
Sang-ayon ni Seth, "Pero romantically, hindi pa naman. Pero masasabi ko na mas stronger na yung friendship na mayroon na kami ngayon.
"Mas lumalim yung samahan namin, pero romantically, hindi pa namin nakikita yun."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Francine at Seth sa media conference ng Dirty Linen, na ginanap sa Studio 10 ng ABS-CBN noong August 16, 2023.
May paliwanag ang dalawa kung bakit hindi nila prayoridad ang love life sa ngayon.
Sabi ni Francine, "Gusto muna namin [ibigay ang] best sa ginagawa namin. Etong Dirty Linen ang first project namin together on screen na nakikita kami ng.mga tao on screen.
Dugtong ni Seth, "Parang this is the first show na somehow na nai-prove na kaya namin together.
"Saka ano, tumatanda na kami. Wala sa isip namin, 'O, tayo ang magka-partner, dapat mag-dyowa tayo.'"
Sabay lingon ni Seth kay Francine, "Di namin naiisip, pero ikaw, bukas ka ba o sarado sa ganun?"
Pero hindi naman daw nila isinasara ang posibilidad sa tawag ng pag-ibig.
"Yun naman, pag kumatok naman ang pag-ibig, di naman tayo madamot, pero siyempre trabaho muna," sabi ni Francine.
Sabay hirit ni Seth, "Mangangatok ako."
Read: Francine Diaz on Seth Fedelin: "We're getting to know each other"
ON FINALE OF DIRTY LINEN
Magtatapos na ang Dirty Linen sa Biyernes, August 25, pagkatapos ng pitong buwan sa ere.
Ayon kina Seth at Francine, memorable sa kanila ang serye lalo't naging pamilya na ang turing ng cast sa bawat isa.
Pahayag ni Francine, "Para sa akin, bittersweet nga gaya ng sinabi ko kanina. Nakakalungkot na magba-bye na kami sa characters namin sa isa't isa.
"But at the same time, pareho kaming grateful kasi nabigyan kami ng ganito kalaki at kagandang opportunity para maipakita namin sa lahat at i-prove na kaya namin.
"Na mas maibibigay na mas malaki pang role sa amin in the future."
Dagdag ni Seth, "Nakaka-sepanx, siyempre yung samahan namin, yung bonding namin na nakasanayan namin.
"Eight months naming ginagawa, nakasanayan naming ginagawa tapos wala na.
"May kanya-kanyang shows na yung iba, yung iba nagbakasyon na, yun ang mami-miss ko.
"Pero yung mga natutunan ko naman, baon ko palagi. Sigurado ako na lahat sila, nandiyan lang."
