PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rainier Castillo breaks silence on 10-year showbiz absence:

Rainier admits he once had two girlfriends at the same time.
by Bernie V. Franco
Published Aug 23, 2023
rainier castillo
Rainier Castillo, 'StarStruck' Season 1 First Prince, on learning from past mistakes: "Siguro ang nire-regret ko sa mga nangyari, siguro nagkaroon ako ng mga maling mga nakilalang mga tao. Mga maling napagkatiwalaan ko na, ngayon, yun na yung nabago ko na."
PHOTO/S: YouTube (GMA Network)

Nagbabalik-showbiz si Rainier Castillo, 37, matapos ng tinatayang isang dekadang pagkawala sa showbiz.

Sabi ni Rainier, itinuturing niyang “calling” ang showbiz comeback niya sa pamamagitan ng upcoming GMA-7 teleseryeng Black Rider.

Pero bakit nga ba nawala si Rainier sa limelight?

RAINIER SPEAKS UP ON HIS ABSENCE IN SHOWBIZ

Unang nakilala si Rainier nang hiranging First Prince sa StarStruck Season 1 (2003-2004), ang Kapuso reality-based artista search.

Ang kanilang batch ang maituturing na pinaka-successful dahil sa dami ng sumikat sa showbiz, tulad nina Jennylyn Mercado, Mark Herras, Yasmier Kurdi, Katrina Halili, Nadine Samonte, Dion Ignacio, Cristine Reyes, at marami pang iba.

Isa si Rainier sa mga pinalad na mabigyan ng lead roles at makagawa ng maraming teleserye at acting projects sa GMA-7.

Sabi ng StarStruck alumnus, nawala siya sa showbiz dahil naligaw siya ng landas.

Nagsalita si Rainier sa guest appearance nila ni Mark Herras sa Fast Talk With Boy Abunda noong August 15, 2023.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una muna siyang tinanong kung gaano siya katagal nawala sa showbiz.

“Sa tingin ko po nasa mga 10 years, mga ganun po, e," sagot niya.

Sinundot ito ng tanong kung bakit umabot ng ganoon katagal.

Pag-amin ng aktor, “Siguro po medyo nalihis, namali ng landas, parang ganon, ewan…”

Malaki raw ang kinalaman dito ng mga maling taong kanyang pinagkatiwalaan.

Sabi ni Rainier, “Siguro ang nire-regret ko sa mga nangyari, siguro nagkaroon ako ng mga maling mga nakilalang mga tao.

“Mga maling napagkatiwalaan ko na, ngayon, yun na yung nabago ko na.”

Hindi na nagdagdag pa ng detalye si Rainier.

Sa tanong naman kung bakit siya nagbabalik, sagot niya, “Naramdaman ko po na siguro ito na yung time…

“Siguro calling ulit ni God. Siguro binigay sa akin ulit ito na, ‘O, Rainier, kailangan mo nang mag-work ulit sa showbiz,’” pagtukoy sa offer na maging bahagi ng upcoming Kapuso teleserye.

boy abunda, mark herras, and rainier castillo

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON PAST LOVE

Naging makahulugan din ang mga tanong kay Rainier pagdating sa pag-ibig.

Sa “Fast Talk” segment, tinanong siya na mamili sa pagitan ng batchmates na sina Sheena at Yasmien.

“Pareho,” pa-safe na sagot ni Rainier.

Hindi rin siya nangiming aminin na may dalawang babae siyang pinagsabay noon.

Sinubukan pa niyang umiwas nang usisain sa kanyang pag-two-time noon.

“Matagal na matagal na po iyon,” ani Rainier.

ero inurirat siya kung bakit pinagsabay niya ang dalawang babae.

Paliwanag niya, “Kapusukan. Gusto ko lang po siguro masubukan noong mga panahon na iyon.

“Siguro curious ako kung ano ba pakiramdam. Pero mahirap din pala. Hindi rin talaga tumagal yung ganoon.

“Mahirap yung time management, balance…

“Hindi puwedeng isa lang yung cellphone mo. Dapat magkaiba yan.

“Mga one month lang din. Hindi po talaga tama,” sundot niya.

Ang payo naman niya pagdating sa usaping pag-ibig, “Palaging irespeto ang mga babae, and irespeto rin yung sarili.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang Black Rider ay pagbibidahan nina Ruru Madrid, Kylie Padilla, Matteo Guidicelli, Yassi Pressman, Jon Lucas, Katrina Halili, Zoren Legaspi, Gladys Reyes, Empoy, Jayson Gainza, Janus del Prado, at marami pang iba.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rainier Castillo, 'StarStruck' Season 1 First Prince, on learning from past mistakes: "Siguro ang nire-regret ko sa mga nangyari, siguro nagkaroon ako ng mga maling mga nakilalang mga tao. Mga maling napagkatiwalaan ko na, ngayon, yun na yung nabago ko na."
PHOTO/S: YouTube (GMA Network)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results