May switching na naganap!
Ito ang kinumpirma ng arsobispo ng Archdiocese of Lingayen sa Dagupan, Pangasinan, patungkol sa rebulto ni San Jacinto de Polonia na nasa simbahan.
Isa palang replica ang istatwa ni San Jacinto na naka-display sa simbahan, at pitong taon na palang nawawala ang original statue.
Kinumpirma ito ni Archbishop Socrates Villegas sa pamamagitan ng isang official statement.
Ipinost ang pahayag sa Facebook account ng Facebook page ng Archdiocese of Lingayen-Dagupan noong August 17, 2023.
Read:
- "Nag-iisa!" Giraffe na walang batik sa isang US zoo, itinuturing na “world’s rarest giraffe”
- OFW naka-Facebook Live nang saktan ng amo sa Hong Kong
SWITCHING happened 7 years ago
Sa inilabas na memo, sinabi ni Archbishop Villegas na bumuo siya ng “ad hoc team of ecclesiastics” para siyasatin ang alegasyong napalitan ang imahe sa simbahan.
At lumabas na tama ang usap-usapan dahil “based on empirical data” ang itsura ng naka-display na imahen ni San Jacinto de Polonia sa retablo ay iba sa itsura ng rebulto sa mga larawan ng parish archives, “particularly the slant of the head.”
Sabi pa sa pahayag, marahil ang pag-switch sa imahe ay naganap mula August 15 hanggang September 23, 2016, o tinatayang pitong taon na ang nakakaraan.
Sabi ng arsobispo, “I have mandated the parish priest to explore all means to recover the missing image of San Jacinto de Polonia in the parish church.”
Pinasalamatan din niya ang mga debotong nakapansin at nagsabi sa kanya tungkol sa switching.
Apela naman niya sa mga nagpalit ng imahe: “[L]isten to the voice of conscience and restore the image to its rightful owner, the Catholic Church.”
Read: Bakit maliit ang pagkalalaki ng ancient Greek statues?

ARCHBISHOP has CLARIFICATIONS FOR DEVOTEES
Inisa-isa rin ni Archbishop Villegas ang paalala sa mga deboto ng santo at mga turo ng simbahan pagdating sa mga rebulto.
Hindi raw dapat nagdadasal sa mga imahen kundi sa mga santo upang sila ay tularan.
“More important than having images of saints is the imitation of their virtues,” anang arsobispo.
Ang simbahan ay tagapangalaga rin daw ng “arts and a custodian of history.”
Sunod pa niya, “One of the Ten Commandments is ‘Thou shall not steal.’”
Ipagpapatuloy raw ng simbahan ang pag-recover ng nawawalang original statue ni San Jacinto de Polonia.
“It is indeed a demand of Catholic morality that the image be returned.”
Dagdag niya: “But let us not get distracted by the missing image.
“Let us focus more on the missing life of virtue in our society and in the family which is but a symptom of the missing life of virtue in each one.”
