Maging si KC Concepcion ay overwhelmed sa upcoming concert ng kanyang mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Sabi pa ni KC, umaasa siyang maging parte ng upcoming concert ng mga magulang sa darating na October.
Kinunan ng pahayag si KC sa presscon ng kanyang upcoming international movie na Asian Persuasion, na binubuo ng maraming Filipino cast and crew, ngayong Miyerkules, August 23, 2023.
Tanong kay KC, magkakaroon ba siya ng special appearance sa concert ng mga magulang niya?
“Sana naman po, 'no? Kasi, mali-left out ako kung hindi. Mapo-FOMO ako,” sagot ng aktres.
FOMO o “fear of missing out” ang phrase kapag nakakaramdam ng pagka-left out ang isang tao.
Dugtong ni KC, mas matindi ang nararamdaman niya kumpara sa iba sa pagsasama ng kanyang mga magulang sa concert.
“Guys, alam niyo, ako lang ang anak nila. So, I don't think na nararamdaman ng iba yung nararamdaman ko about this reunion kasi mixed emotions siya.
“But, of course, nananaig yung happiness ko.”
Sana raw ay simula ito ng mas magandang pakikitungo ng kanyang mga magulang sa isa’t isa.
“Alam niyo, pangarap ko kasing makita yung parents ko na masaya na nag-uusap, nagtatawanan, magkasundo, magkaibigan.
“So hopefully, guys, pag-pray natin lahat na ito na yung start talaga ng friendship nila.
“Hindi dahil gusto ko silang magkabalikan, don't get me wrong. Hindi na.
“Pero, just… para happy, yung light lang, ma-feel ko lang na… kasi parents ko iyan, e.
“I always say, para sa lahat, it's a show [referring to concert]. Pero para sa akin, guys, totoong buhay ko to!”
Napansing maluha-luha si KC ukol sa paksang ito.
“Tears of joy. It's a dream come true. Not just for me, but for Sharon-Gabby fans who, you know, hope and dream and enjoyed their love team.
“Siyempre, kung may isang nag-enjoy ng love team nila, ako yun. Kaya nga ako nandito,” ani KC ukol sa dating relasyon ng mga magulang.
Dagdag niya, “Kaya I have all of our supporters to thank for being with us sa aming journey, not just as a should-have-been family, but as a blended family, or as individuals who learned to forgive each other and enjoy each other.”
