PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

VIRAL: Suspects sa Cavite holdap

Mga pulis, nagpanggap na vloggerS para mahuli ang isa sa mga suspek.
Published Aug 24, 2023
robbery restaurant cavite
"SOBRANG CASUAL." Nag-viral ang panghoholdap ng anim na kalalakihan sa isang kainan sa Imus, Cavite dahil lantaran nila itong ginawa at walang bahid ng anumang takot.
PHOTO/S: Imus, Cavite Police

Viral kamakailan ang nangyaring panghoholdap sa isang kainan sa Imus, Cavite.

Sapul sa CCTV kung paano kinuha ng anim na kalalakihan ang mga gamit ng customers.

Pero ang nakaagaw sa atensiyon ng netizens ay ang paraan ng pagnanakaw ng mga kawatan: sobrang kaswal kasi na walang anumang kaba o takot na mababanaag sa kanilang kilos.

Sabi nga ng maraming netizens, “ang lalakas ng loob.”

Kita ring halos di makapalag ang mga nabiktimang kumakain dahil may mga hawak na baril ang mga salarin.

Narito ang ilang komento ng netizens ukol sa mga salarin:

Read: OFW naka-Facebook Live nang saktan ng amo sa Hong Kong

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

comment

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

comment

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

comment

comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nangyari ang insidente sa isang samgyupsal restaurant sa Imus noong gabi ng August 21, 2023.

Base sa CCTV, kaswal na lumapit ang dalawang naka-helmet na lalaki, at bigla na lang dinampot ang mga importanteng gamit ng dalawang kumakain.

Sumunod ang isa pang salarin na dinampot naman ang body bag ng babae.

Walang nagawa ang dalawang biktima na nakaupo lang sa table.

Maririnig ding binantaan na babarilin nila ang babaeng biktima nang subukang umalma nito.

Habang ang iba pang mga suspek ay pinuntirya ang iba pang kumakain sa kabilang table.

Saka umalis ang mga kawatan gamit ang mga motorsiklo.

Ayon kay Col. Jean Fajardo, PNP spokesperson, kasama ring na-holdap ang establishment. Umabot umano sa PHP18,000 ang halagang tinangay ng mga holdaper mula sa mga biktima.

Read: Archdiocese in Pangasinan discovers saint's statue has been switched; original missing 7 years now

POLICE pretended to be vloggers

At press time, nahuli na ang isa sa suspek at meron na rin silang person of interest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon sa ulat ng GMA News, ang mga undercover cops ay nagpanggap na vloggers na bumibili ng street food sa isa sa mga suspek, na isang tindero.

Nang makumpirma ang identity ng tindero, saka siya inaresto ng mga undercover cops.

Read: Rowdy customers in Laguna resort apologize: “Tinamaan po kami ng alak.”

screenshot

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang bahagi ng video kung sana kunwari ay vlogger ang pulis (in green shirt), at tinanong ang pangalan ng tindero na isa pala sa suspects.

Paano na-identify ang tindero?

Dahil sa CCTV, nahagip ng camera ang plate number ng isa sa mga motor, na nakatulong para ma-trace ang pagkakakilanlan ng suspect sa pamamagitan ng rehistro na nasa record ng Land Transportation Office.

Kinilala rin siya ng mga biktima.

Sa tulong din ng CCTV, nakilala ng mga pulis ang isang person of interest na sinabing lider ng grupo.

Ayon sa kapulisan, nasangkot na rin sa iba pang kaso sa Maynila ang person of interest.

Nagsabi naman ang mga awtoridad na tututukan nila ang kaso hanggang mahuli ang lahat ng suspek.

Samantala, nagbigay ng payo si Col. Jean Fajardo tungkol sa dapat gawin kapag naharap sa ganitong sitwasyon.

Sabi niya, “Ang lagi po nating paalala niyan ay wag po nating mag-attempt na lumaban po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At kung pera lamang po at mga cellphone ang kailangan po ay kusa po nating ibigay po doon. Wag po tayong maglaban.

“Pero kung makaka-identify po kayo ng mga possible na mapagkakakilanlan po ng mga suspek, tingnan niyo po yung mga suot, yung mga height.

“Wag po tayong lumaban. Mas importante po na maisalba po natin yung buhay natin.”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"SOBRANG CASUAL." Nag-viral ang panghoholdap ng anim na kalalakihan sa isang kainan sa Imus, Cavite dahil lantaran nila itong ginawa at walang bahid ng anumang takot.
PHOTO/S: Imus, Cavite Police
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results