Muli na namang nagparamdam si Diego Loyzaga kaugnay ng kanyang pagiging tatay.
Ipinost ni Diego ang kanyang larawan bitbit ang isang sanggol ngayong gabi ng Huwebes, August 24, 2023.
“Somebody liked the beach,” caption ni Diego, na mahihinuhang nagustuhan ng kanyang anak ang view ng beach na kanilang kinaroroonan.
Ang check-in location ng post ni Diego ay Busselton Jetty, isang tourist attraction sa Western Australia.
lang buwan nang nasa Australia si Diego.
Pinusuan naman ng mga kamag-anak ni Diego ang kanyang post, tulad ng kanyang stepmom na si Sunshine Cruz at mga anak ng aktres na sina Chesca Montano at Samantha Cruz.
Noong June, unang ipinost ni Diego ang larawan niya karga-karga ang isang baby girl.
Walang binanggit si Diego tungkol sa pagiging tatay o pagkakaroon ng anak, pero makahulugan ang kanyang caption.
"Best birthday gift ever," aniya sa post
May makahulugang komento rin ang ina niyang si Teresa Loyzaga tungkol sa pagiging lola sa post na iyon ni Diego.
Komento ni Teresa: "You made me a Mother. Now u made me a Glam-Ma!
"I couldn't be more proud! I love you anak! Diego Loyzaga and I love my little 'Pochola'!"
"I wish your new chapter all the happiness and blessings! Mwah!! Cheers to the three of you!! Yay!!!"
Read: Diego Loyzaga hints at being dad to baby girl; netizens ask: "Who's the mother?"
Sa recent post ni Diego, muling nagkomento si Teresa na halatang masaya.
Sabi ng seasoned actress: “Pochola! My heart is full [red heart emoji].”
NETIZEN IDENTIFIES DIEGO'S "GIRLFRIEND"
Gaya ng previous post ni Diego na kasama ang baby, patuloy ang pag-uusisa ng netizens na mag-mom reveal na ang aktor.
Yung ibang netizens, nagpakuwela at nagkomento na kunwari ay sila ang nanay ng baby at karelasyon si Diego.
Naiinip na raw kasi sila dahil ang tagal pangalanan ni Diego kung sino ang ina ng kanyang baby.
Pero may isang netizen na tinukoy ang umano’y “girlfriend” ni Diego at ina ng bata.
Claim ng netizen, lumipad si Diego sa Sydney kasama ang diumano’y girlfriend nito ilang buwan na ang nakalilipas para roon manganak.
Sa pagsasaliksik ng PEP.ph, ang tinukoy na diumano'y girlfriend ni Diego ay isang yoga instructor at pre-school teacher.
May post din ang babae noong July na short video clip na nasa Australia ito at may caption na, “Life lately.”
Naka-like din sa post na ito si Diego.
Pero ang malinaw ay hindi pa tinutukoy ni Diego ang pagkakakilanlan ng ina ng bata.
Bukas ang PEP.ph sa panig mga taong sangkot sa isyu.
