PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion wants to know intentions.

KC: “Gusto ko rin kasi yung lalaki makilala ako bilang ako."
by Bernie V. Franco
Published Aug 25, 2023
KC Concepcion and michael wuethrich
Actress KC Concepcion explains why she is reserved to talk about boyfriend Michael Wuethrich: “The more the private, the more na makikilala mo yung tao."
PHOTO/S: Bernie Franco / @kristinaconcepcion on Instagram

Halatang hindi makapag-all out si KC Concepcion kapag napag-uusapan ang kanyang buhay pag-ibig.

Natukoy na rito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reported boyfriend ni KC—ang Filipino-Swiss businessman na si Michael Wuethrich.

Sa kanyang recent Instagram post, isinama ni KC ang sweet photo nila ni Michael sa kanilang European trip, indikasyong ibinabahagi na ng aktres ang love life nito sa publiko.

Read: KC Concepcion flexes BF Michael Wuethrich in European trip

Pero sa presscon ng kanyang upcoming movie na Asian Persuasion, bakas ang agam-agam ni KC tungkol sa aspetong ito.

Diretsong tinanong si KC tungkol sa status nila ni Michael.

“Getting to know,” maiksi niyang sagot.

Sinundot ito ng tanong kung hindi na ba siya single. Isang tawa lang ang isinagot niya.

Hindi rin nakaligtas si KC sa interview sa kanya nina Julius Babao at Christine Bersola para sa One PH ngayong August 25, 2023.

Kinumusta ang love life ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Okay naman ang love life. It’s not really something na gusto kong ilabas nang todo-todo, kasi ever since yung first relationship ko, parang masyadong open book lahat,” sagot ni KC.

Mas binigyang-linaw ni KC kung bakit ayaw niyang masyadong maging public ang kanyang kasalukuyang love life.

Pahayag niya, “Gusto ko rin kasi yung lalaki makilala ako bilang ako.

“Pag masyadong nae-expose agad sa scene o sa buhay showbiz, or yung public life, siyempre, parang gusto ko lang malaman kung ano talaga yung intention sa akin kung sino man yung dine-date ko.

“The more the private, the more na makikilala mo yung tao."

Kapag mas sigurado na raw siya ay hindi naman niya ito ipagkakait sa kanyang supporters.

“Eventually, sana maging ready na to share a lot more sa mga nagsu-support sa akin.

“Pero for now, I’d like to… minsan nga pasulput-sulpot sa Instagram, di ba?” sabi ng actress-businesswoman.

Read: Magkasintahan, kapareho ng birthday ang kanilang newborn twins

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

KC TALKS MORE ABOUT THE GUY SHE IS INVOLVED WITH

Sa presscon ng kanyang pelikula, inamin naman ni KC sa media na masaya siya dahil hindi siya nag-iisa ngayon.

Paliwanag niya, “Siyempre, ang hirap naman pag nag-iisa ka. Siyempre, maganda yung feeling na may kasama, meron kang kasama, ganon.

“Pero for now, ganon pa lang po. Wala pa po talaga akong big next step or anything pagdating sa personal life ko.”

Tanggap din daw ni KC ang katotohanang mahirap itago ang kanyang buhay pag-ibig lalo pa't isa siyang celebrity.

“Pilit kong pina-private yung life ko, pero nakakalusot, e. Kasi parang hindi ko kayang i-private lahat.”

Inusisa si KC kung supportive naman ba ang lalaking nagpapatibok ngayon sa kanyang puso.

“Yes. I mean, I think I need someone who is supportive, who will understand na, syempre nagta-travel na ako ngayon for my work, kasi nga international na rin yung nangyayari sa akin,” ani KC.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Supportive din daw si Michael maging sa business venture ni KC, na isang jewelry line.

“So, I need someone very supportive and outgoing and respectful of my time, of me as a woman, who I can also see will be a good partner for life,” saad niya.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actress KC Concepcion explains why she is reserved to talk about boyfriend Michael Wuethrich: “The more the private, the more na makikilala mo yung tao."
PHOTO/S: Bernie Franco / @kristinaconcepcion on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results