PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Albie Casiño's performance at Mutya ng Cotabato 2023 goes viral

“Bakit parang lasing ang beshy ko?”
by KC Cordero
Published Aug 26, 2023
albie casino mutya ng cotabato 2023
Kahit parang lasing at tila nagbi-videoke lang ang pagkanta ni Albie Casiño sa isang local pageant, cute pa rin naman daw sabi ng netizens.
PHOTO/S: YouTube

Nag-trending ang aktor na si Albie Casiño matapos mag-perform sa ginanap na grand coronation ng Mutya ng Cotabato 2023, kagabi, August 25, 2023.

Isa si Albie sa mga humarana sa mga kandidata. Ang isa pang performer ay si Wilbert Ross.

Read: KC Concepcion on love life: “Gusto kong malaman kung ano talaga ang intention sa akin.”

Sa mga nagsulputang video sa social media matapos ang performance ni Albie, kung saan inawit niya sa harap ng mga kandidata ang “Habang Buhay” ni Zack Tabudlo, nagkomento ang ilang netizens na tila nilasing daw muna sa backstage ang aktor bagong isinalang sa entablado.

Komento ng isang TikTok user, “Bakit parang lasing ang beshy ko?”

May nagtanong din kung sinadya ba ni Albie na ganoon ang gawing performance.

Read: Loisa Andalio on forgiving Ronnie Alonte for cheating: "Inamin niya yung pagkakamali niya."

Albie Casiño performing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: DonBelle's 'An Inconvenient Love' wins Best Asian Feature Film at Content Asia Awards

Mapapansin sa video na parang lasing ang aktor, bagamat may pagka-hyper naman talaga ito sa totoong buhay.

Bumaba rin si Albie sa audience na para talagang nagko-concert.

Pero hindi naman talaga singer si Albie kaya hindi puwedeng husgahan kung paano ba siya mag-perform.

Read: Lie Reposposa reunites with boyfriend Paul Joshua Marsden

Albie Casiño performing

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda draws inspiration from Asia Content Awards victory amidst latest controversy

Puwedeng ganito ang kanyang ginawang style para pasayahin ang mga nanonood.

Sabi nga ng ibang netizens, kahit videoke level o kantang lasing ang ginawa ng aktor ay cute pa rin ito at ang kanyang performance.

Albie Casiño performing

Read: JC Santos, may "Jaclyn Jose moment" sa 'Wish You Were The One'

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naging host sa event si Miss Supranational 2023 1st runner-up Pauline Amelinckx at ang Italian-Canadian model-actor na si Nico Locco.

Read: Judy Ann Santos, gusto pa ring ituloy ang naudlot nilang pelikula ni Sam Milby

Kabilang sa mga naging hurado sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee, Miss International 2018 1st runner-up Ma. Ahtisa Manalo, Miss International Queen 2023 semifinalist Lars Pacheco, Mr. Supranational Philippines 2023 Johannes Rissler, Global Asian Model 2019 3rd runner-up Vince Marcelo, international shoe designer Jojo Bragais, at Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup-Lee.

Read: Jeric Raval, 62, hindi kabisado ang pangalan ng 18 anak

Si Albie ang bagong dagdag sa listahan ng mga aktor na nag-trending dahil sa pag-perform nila sa beauty pageant.

Nauna sa kanya si Luis Hontiveros na nabatikos dahil sa kanyang pagkanta ng "Jopay" sa grand coronation ng Miss Pagadian 2023 noong June 19, 2023.

Read: Luis Hontiveros, deadma sa mga batikos sa pagkanta niya ng "Jopay"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sumunod ang Kapuso actor na si David Licauco na nag-trending din sa song number niya sa grand coronation ng Miss Grand Philippines noong July 13, 2023.

Read: David Licauco, sumablay sa song number niya sa Miss Grand Philippines 2023

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit parang lasing at tila nagbi-videoke lang ang pagkanta ni Albie Casiño sa isang local pageant, cute pa rin naman daw sabi ng netizens.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results