Aminado si Derrick Monasterio na malaking factor sa maraming pagbabago sa buhay niya ngayon ang kanyang girlfiend na si Elle Villanueva.
Read: Derrick Monasterio, Elle Villanueva now officially a couple: "Siguro mga three months ago."
Maging sa aspetong pinansiyal ay malaki ang naitulong ni Elle kay Derrick upang mailagay sa tama ang mga kinikita niya sa showbiz, at sa iba pang pinagkakakitaan niya.
Pagbubunyag ng Kapuso actor, "Recently lang, nang dumating sa buhay ko si Elle.
"Siya ang nagpa-realize sa akin na hindi importante ang mga luxury car, mga mamahaling kung anu-ano na pangporma.
"So, ano muna ako ngayon, low-key muna ako. Pero in the future siyempre, meron tayong aanihin."
Read: Derrick Monasterio reveals what made him fall for Elle Villanueva
Sa puntong ito ay ibinahagi ni Derrick ang kanyang mga naipundar.
"Busy nga ako sa mga business. Kaka-open ng gym ko, one month ago. Marikina ito.
"Matagal ko nang pinapangarap yun ever since na bata ako. Happy ako na natupad.
"And what else? Yun, mga investment lang.
"Nagku-collect lang ako ng assets as of now—jewelry, paintings, stocks, and real estate.
"What else? Ayun, mga bagay na nag-a-appreciate."
Personal ba niya itong naaasikaso o may ibang taong namamahala sa mga ito?
Saad ng 28-year-old actor, "Yes [personal], pero maraming... marami akong advisers.
"Yung gym, nakakatuwa kasi maganda ang pagtanggap sa amin.
"Meron kaming projected sales sa first three months namin, 'tapos nakuha namin yung projected sales namin na yun in one month lang.
"So, maganda. Kasi, hindi lang siya basta-basta gym, e. Ano rin, strengthen conditioning facility.
"So, mga atleta ang pumupunta—mga PBA players, mga professional volleyball players.
"Malapit ito sa may Riverbanks, sa may Redwood Street. Dalawa kami ng high school friend ang magkasosyo."
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Derrick sa Lucena City, Quezon Province, noong Sabado, August 19, kung saan naimbitahan siya para sa "Niyogyugan Festival 2023."
AN INSPIRATION
Katulad ng sinabi ni Derrick, isang malaking inspirasyon sa kanya ang positive outlook ni Elle sa buhay.
Pagmamalaki ng hunky actor, "Kahit sa craft ko, nai-inspire niya ako.
"Parang biglang gusto kong mag-workshop, gusto kong pagandahin kasi nakikita ko kung gaano siya ka-dedicated at saka ka-passionate.
"So, parang gusto kong sabayan yun. Pero, I'm doing it also para sa ikagaganda ng...'
Malaki rin ang impluwensiya sa kanya ng girlfriend.
"Parang bigla akong nag-mature nang sobra.
"Dati siyempre, single ako, medyo landi-landi nang konti. So ngayon, kinalimutan ko na lahat ng yun.
"Finocus ko na ang sarili ko sa... number one, pagpapagaling. And number two, sa pagpaparami nang pera."
Dagdag pa niyang kuwento, "Kasi, meron siyang system sa pagsi-save ng money, e.
"So, lagi niyang sinasabi sa akin na gayahin ko raw yun. Kasi dati maano ako sa pera, tapon. Ngayon, sobrang tipid.
"Yung kinikita ko, ninety percent nun, tinatabi ko. Yung ten percent, yun yung puwede kong gastusin. Ganun na ang sistema.
"Para meron pa rin in the future kasi di natin alam kung gaano ako tatagal sa showbiz."
Sa parteng ito, ibinahagi ni Derrick ang iba pa niyang plano sa hinaharap.
Aniya, "Hopefully, pag thirty na ako, makapagpatayo na ako ng sarili kong house. Kasi, of now, nakatira pa rin ako sa house ng mom ko, e.
"Kung tutuusin, kaya naman na, pero siyempre mas maganda na libre pa ito, e, puwedeng ipon muna nang ipon.
"Nag-uusap na rin kami [ni Elle] ng mga plano. Gusto ko, pag 30 or 31, may anak na ako."
Read: Derrick Monasterio finally introduces Elle Villanueva to mom Tina Monasterio
Muli ring sinabi ni Derrick na ramdam niyang ang kapwa Kapuso na ang magiging future wife niya.
"Ramdam ko, 100 percent na siya na. Naramdaman ko na.
"Yung mga sinasabi nila na mga dati pa na mapi-feel mo pag siya na, yun, napi-feel ko na siya ngayon.
"Yung dating parang mababaw ang mga sagot ko kapag may girlfriend ako na, 'Wala, love ko kasi siya,' yung mga ganun.
"Pero darating talaga sa point na mararamdaman mo siya, tapos ready ka na."
Hindi naman daw nila mamadaliin si Elle na lumagay na sila sa tahimik, lalo na't kakaumpisa pa rin ng aktres ng kanyang karera.
Pero kapag handa na raw si Elle ay maaari na niya itong yayaing pakasal.
