PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jerald Napoles: FIBA WC Record Debut

Philippines breaks the attendance record set by Canada in 1994.
by Jojo Gabinete
Published Aug 26, 2023
jerald napoles fiba world cup
Jerald Napoles on being part of the 38,115 attendees on the opening day of FIBA World Cup at Philippine Arena: “All in all, the experience was definitely one for the books. Masaya na inabutan ko ang era na tayo ang host ng FIBA Word Cup, lalo na dahil sa social media na mas kilala na natin ngayon ang basketball players, not just PBA at NBA, pati na rin ang FIBA stars."
PHOTO/S: Courtesy of Jerald Napoles

Gumawa ng kasaysayan ang mga Pilipinong tagahanga ng basketball dahil 38,115 ang bilang ng mga nanood ng laban sa pagitan ng Gilas Pilipinas at Dominican Republic sa pag-uumpisa ng 2023 FIBA Basketball World Cup sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan, kahapon, August 25, 2023.

Ang Pilipinas ang host country ng preliminary rounds ng 2023 Basketball World Cup ng International Basketball Federation.

Mismong ang FIBA ang nag-anunsiyo na nilampasan ng Pinoy basketball fans ang 32,616 attendance record ng Canada sa FIBA World Championship sa pagitan ng USA at Russia noong August 1994.

Read: FIBA World Cup attendance record now belongs to the Philippines

Itinuturing ni Jerald Napoles na mapalad ang sarili dahil kabilang siya sa 38,115 Pinoy basketball fans na gumawa ng kasaysayan noong Biyernes nang suportahan niya ang Team Gilas Pilipinas.

“It felt really good as a basketball fan to be part of the more than 38,000 attendees sa FIBA World Cup na ginanap sa Pilipinas. Iba ang kapag 38,000 kayo, e,” natutuwang sabi ni Jerald nang makausap siya ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ngayong Sabado, August 26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“All in all, the experience was definitely one for the books. Masaya na inabutan ko ang era na tayo ang host ng FIBA Word Cup, lalo na dahil sa social media na mas kilala na natin ngayon ang basketball players, not just PBA at NBA, pati na rin ang FIBA stars.

“Ang saya rin na bawat NBA stars, piniling lumaro para sa kani-kanilang bansa,”

jerald napoles fiba 2023 opening

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Isang certified basketball fan si Jerald kaya natutuwa siyang napanood niya ang opisyal na pag-uumpisa ng 2023 FIBA World Cup kahapon.

Kuwento niya, “Hindi ko naman pinaghandaang manood. Nagkataon lang na wala kaming taping para sa Team A, ang funserye namin ni Kim [Molina, his girlfriend] sa TV5 kaya nag-abala akong makahanap ng ticket para makapanood ng FIBA World Cup.

"Pero kung may work kami, tiyak na wala ako sa Philippine Arena.

“Bata pa lang ako, Ginebra fan na ako. Nagsasabit ako ng maliit na basketball ring sa bintana ng bahay namin at mag-isa akong naglalaro ng basketball, gamit ang maliit na bola.

“Nang matuto ako ng basketball sa regular-size basketball ring, nagbabad na ako sa initan, makapaglaro lang sa court, dahil hindi pa naman uso noon ang covered court.”

Lumitaw ang pagiging basketball fan ni Jerald nang makita niya nang personal ang mga hinahangaang basketball players.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“It felt amazing na part ako ng FIBA World Cup experience, lalo na nang makita ko sa Naismith lounge ng Philippine Arena ang FIBA legends from other countries, plus ang ganda ng energy ng crowd sa mismong ball game.

“World class din ang performances nina Sarah Geronimo and John Roa, Alamat, AC Bonifacio, Ben and Ben, The Dawn… it’s a good entertainment experience.

sarah geronimo fiba opening

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sarah Geronimo

“Habang nakatambay kami sa Naismith lounge, nakakuwentuhan ko ang ilang celebrity friends like Maja Salvador and her husband Rambo, si Kuya Jose Manalo, Loyzaga family, at Bulacan Vice Governor Alex Castro.

jose manalo fiba opening

Jose Manalo

“Nandoon din ang ilang senators at government officials, though hindi na kami nagkausap nina Gerald Anderson, Sam Milby, at Catriona Gray. Nakita ko sila sa courtside.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Intense at talagang hindi maiiwasan na magsisigaw as support to support Gilas Pilipinas, lalo na nung dikit ang laban natin sa Team Dominican Republic.

“Maganda ang laro ng local players natin, especially may NBA star tayo, si Jordan Clarkson. May excitement at kaba. Parang part din ako ng Team Gilas Pilipinas,” ang natatawa at mahabang kuwento ni Jerald tungkol sa kanyang karanasan nang manood siya ng laban ng Team Gilas Pilipinas at Dominican Republic sa 2023 FIBA Basketball World Cup.

Nanano ang Dominican Republic kontra sa Gilas Pilipinas, 87-81.

Read: Gilas' brave stand against Dominican Republic falls just short

alex castro fiba 2023 opening

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOW WAS THE TRAFFIC SITUATION?

Ang matinding traffic situation papunta at paalis sa Philippine Arena ang madalas inirereklamo ng publiko sa tuwing nagdaraos ng concert sa naturang lugar ang mga sikat na international singer.

Read: Why all that hassle won't stop me from watching my favorite acts at Philippine Arena

Tila nalutas ng mga organizer ng 2023 FIBA Basketball World Cup ang problema dahil ayon kay Jerald, maayos ang daloy ng trapiko nang magpunta siya sa Philippine Arena noong Biyernes.

Saad niya, “The traffic was okay. Hindi hassle papunta kasi inagahan namin.

"The first game started at 4 p.m. pero 2:30 p.m., nasa venue na kami.

“Pauwi naman, since may exclusive access na daan papunta sa car at nasa parking C kami, sakto lang ang paghihintay namin.

“Siguro good 20 to 30 minutes lang ang traffic bago makalabas sa NLEX. Malaki ang volume ng mga tao na lumalabas at naglalakad to commute kaya hindi talaga maiiwasang matagalan ang paglabas mula sa Philippine Arena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“At first, alam na namin mahigit sa 40,000 ang tickets sold for that day so in-expect na namin na maraming tao talaga ang manonood kaya hindi maiiwasan ang traffic.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerald Napoles on being part of the 38,115 attendees on the opening day of FIBA World Cup at Philippine Arena: “All in all, the experience was definitely one for the books. Masaya na inabutan ko ang era na tayo ang host ng FIBA Word Cup, lalo na dahil sa social media na mas kilala na natin ngayon ang basketball players, not just PBA at NBA, pati na rin ang FIBA stars."
PHOTO/S: Courtesy of Jerald Napoles
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results