PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elisse Joson on dream wedding with McCoy de Leon

Elisse Joson on dream wedding with McCoy de Leon: "Basta simple lang po..."
by Julie E. Bonifacio
Published Aug 28, 2023
Elisse Joson and McCoy de Leon
Elisse Joson on her dream wedding: "Ako po gusto ko simple lang. It doesn’t matter where or kung anong nandiyan, ano’ng decorations. Basta simple lang po at yung mga mahal namin sa buhay [ay] payapa."
PHOTO/S: Instagram

Hindi pa raw prayoridad ni Elisse Joson at partner na si McCoy de Leon ang pagpapakasal.

Ang anak nilang si Felize ay nagdiwang ng second birthday noong April 2023.

Read: McLisse: The Love Story of Elisse Joson and McCoy de Leon

"Parang ngayon po we want to take advantage of the fact na nabibigyan kami ng trabaho to save up for the family," paliwanag ni Elisse.

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elisse sa finale presscon ng Dirty Linen noong August 16, 2023.

Kinakikiligan ang relasyon ng dalawa mula nang magsimula ang kanilang pag-iibigan sa Pinoy Big Brother Lucky 7 (2016-2017).

Kaya marami sa kanilang tagasubaybay ang atat malaman kung kailan sila magpapakasal.

"Siguro nasa tamang panahon po," dagdag ni Elisse. "Napapag-usapan naman po. Pero yung definite kung kailan, wala pa po yun."

Inamin naman ni Elisse na may mga pangarap sila ni McCoy pagdating sa kanilang wedding balang araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Meron po, siyempre," saad ni Elisse with matching pagkatamis-tamis na ngiti.

"Beach wedding? Ako po gusto ko simple lang. It doesn’t matter where or kung anong nandiyan, ano’ng decorations.

"Basta simple lang po at yung mga mahal namin sa buhay [ay] payapa."

Mangyayari kaya ito sa nalalapit na panahon?

Sagot ni Elisse, "Sana po. Sana. I think it matters sa tamang panahon din talaga."

But before the wedding, kailangan may proposal daw muna si McCoy sa kanya.

"Oo, siyempre po,” diin ni Elisse. "Yan naman po ang dream ng mga babae. Hindi naman kailangan engrande. Basta, meron po."

Ano kaya ang mapi-feel niya kapaag nag-propose na ng kasal si McCoy sa kanya?

"Siguro isang achievement yun sa lahat ng pinagdaanan namin," ani Elisse.

Umusbong ang tambalang McLisse sa PBB, at doon din sila nagkahulugan ng loob.

March 2018 nang maiulat na nagkalabuan ang dalawa, pero inamin lang nila ito noong 2019 na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang sa noong August 2020, isinapubliko nina McCoy at Elisse na nagkabalikan sila.

Read more PEP Hot Stories about McLisse:

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elisse Joson on her dream wedding: "Ako po gusto ko simple lang. It doesn’t matter where or kung anong nandiyan, ano’ng decorations. Basta simple lang po at yung mga mahal namin sa buhay [ay] payapa."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results