Mas tumatapang na ang mga role na ginagawa ni Elisse Joson ngayon.
Read: McLisse: The Love Story of Elisse Joson and McCoy de Leon
Posible kayang tumanggap na rin si Elisse ng mas sexy roles sa pelikula?
Tugon ni Elisse, “Parang hindi naman. Hahaha! Siguro po dadating tayo diyan kapag... kung ano yung ibigay din. Kung babagay naman, why not?"
Open naman daw siya sakaling mabigyan ng magandang script.
"Puwede naman po. Pero depende po sa materyal kung ano ang kailangan sa pagiging daring.
"Siyempre, hindi naman yung basta magpakita lang ng katawan, or kissing scene. Hindi naman ganoon yun.
"Kissing scene? Basta po kailangan sa eksena gagawin po natin yun," sabi pa ng 27-year-old actress.
What about love scenes?
"Ay! Pag-usapan po natin yan pag andoon na tayo," napatili at natatawang sagot ni Elisse.
Ipagpapaalam kaya niya muna ito sa partner na si McCoy de Leon o puwedeng kahit siya na lang ang magdesisyon?
"Siyempre po ngayon dapat pinag-uusapan yan between us. Pero hindi naman kami yung tipong pipigilan namin ang isa’t isa sa mga bagay-bagay," paliwanag niya.
Kung maganda ang mga proyektong ginagawa ni Elisse ngayon, di naman nagpapahuli si McCoy sa kanya.
Markado ng role ni McCoy bilang kapatid ng bidang si Coco Martin sa Kapamilya prime-time series na Batang Quiapo.
"Pinagkuwekuwentuhan namin kapag magkasama kami. Kumbaga, paano namin gagawin yung eksena.
"Nakaka-proud lang din po kasi sa tingin namin ang layo na rin namin. I mean, kami coming from na magka-love team kami, sweet-sweet lang. Tapos eto na kami ngayon," ani ni Elisse.
Ang anak nila na si Felize ay dalawang taong gulang na.
Napapanood kaya ng anak nila na si Felize ang kani-kanya nilang palabas sa telebisyon?
"Yung sa akin napapanood niya. Pero yung kay McCoy parang hindi namin pinapapanood masyado, kasi nga, baka matakot siya sa daddy niya,” paliwanag ni Elisse.
Natutuwa raw ang anak kapag nakikita si Elisse sa telebisyon.
"Kilala niya ako. Sinasabi niya, 'Mommy,'" nakangiting dagdag ng aktres.
Bukas si Elisse sa posibilidad na pasukin din ni Felize ang pag-aartista balang araw.
"Parang mahilig siya sa harap ng kamera. So, tingnan po natin. Kung ano po yung gusto nila.”
Read: Heart Evangelista on breaking up with friends: "Mas nasasaktan ako..."
JEWELRY WORTH PHP1M
Umawra ng todo si Elisse Joson sa finale mediacon ng Kapamilya teleserye na Dirty Linen, na ginanap sa ABS-CBN Studio 10 sa ELJ Building, Mother Ignacia, Quezon City noong August 16, 2023, Miyerkules.
Nag-viral sa social media ang kanyang OOTD na nagkakahalaga ng mahigit-kumulang sa PHP1M.
Accessories pa lang ni Elisse na bag and jewelry ay halos one million pesos na ang halaga.
Ang powder blue Lady Dior bag ni Elisse ay nagkakahalaga ng PHP340,000.
May suot siyang makikislap na diamond-studded tennis necklace and bracelet na di bababa sa PHP300,000 ang halaga bawat isa.
Tinernuhan niya ng blue-gray strapless column dress na gawa sa telang gornsire.
Read: Celebrity guests at Lovi Poe and Monty Blencowe's wedding in England
ON HER KAPAMILYA SHOWS
Inamin ni Elisse na excited siya sa muling pagkikita-kita nila ng iba pang cast members ng Dirty Linen noong August 16.
Ilang buwan na raw kasi ang lumipas mula nung gawin niya ang huling mga eksena sa Dirty Linen, kung saan ginampanan niya ang karakter ni Sophie bilang dating karelasyon ni Zanjoe Marudo.
Paglalahad ni Elisse, "Ngayong nagkita-kita po lahat ng cast members, parang nakaka-miss po talaga ang taping namin for Dirty Linen.
"Kasi, iba rin po talaga yung energy na mabibigay ng lahat kapag sama-sama. Yung professionalism, yung dedication sa work. Nakaka-miss po yung cast.”
Isa si Elisse sa mga "pinagpala" among Kapamilya stars na sunud-sunod ang proyekto.
Bago pa natapos ang Dirty Linen noong August 25 ay umeere na ang kasunod na teleseryeng kinabibilangan ni Elisse sa ABS-CBN, ang Pira-Pirasong Paraiso, na iprinodyus ng Dreamscape Entertainment.
"Yes po. Yun naman ang bagong yugto sa aking career," sabi ni Elisse.
