PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Chie Filomeno confident that she is not Jake Cuenca's rebound girl

Chie on real score with Jake: "We are taking our time."
by Melba R. Llanera
Published Aug 30, 2023
Chie Filomeno and Jake Cuenca
Chie Filomeno on Jake Cuenca: "I think ang mga tao ang bilis nilang mag-judge na ganitong tao si Jake kasi sa mga nakikita nila, nababalitaan. But alam ko at alam natin kung gaano kabait na tao si Jake, kung gaano siya kamaalaga. Hindi siya red flag, hindi siya ganun."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Instagram

Hindi pa man sila magkarelasyon, bukas sina Jake Cuenca, 35, at Chie Filomeno, 27, sa pagsasabing inspirasyon nila ang isa't isa.

Ayon kay Chie, may unawaan na sila ni Jake pero hindi pa talaga sila magkasintahan.

"May understanding? I think in a relationship, in any kind of relationship, yun ang pinakaimportante.

"Formality? Wala pa naman," saad ni Chie sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters.

Natawa si Chie nang usisain kung exclusively dating sila ni Jake.

Safe na sagot niya, "We're talking, we're taking our time. You can say dating, of course, nag-uusap kami.

"Ang maganda kasi kay Jake is alam niya kasi where my heart is, yung priority ko, and hindi niya minamadali.

"Very gentleman siya and he respects my decision and he's willing to wait."

Tinanong si Chie kung nakakaramdam siya ng pangambang baka maging love on a rebound siya ni Jake.

Huling nakarelasyon ni Jake ang beauty queen na si Kylie Verzosa, at inihayag noon ng aktor kung gaano siya nasaktan sa hiwalayan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

April 2022 nang mag-break sina Jake at Kylie.

"I think he's mature enough na hindi siya papasok sa isang bagay na hindi pa siya ready, hindi pa fully committed," sagot ni Chie.

Patuloy niya, "I think yun nga, kaya we are taking our time, I am taking my time also.

"Me, I am also private with my relationships before, and right now kasi first time kong may maka-date from this industry na naging public.

"Yeah, we're taking our time."

May ilang netizens ang nagsasabing may "red flag" daw si Jake bilang boyfriend.

Depensa ni Chie: "I think ang mga tao, ang bilis nilang mag-judge na ganitong tao si Jake kasi sa mga nakikita nila, nababalitaan.

"But alam ko at alam natin kung gaano kabait na tao si Jake, kung gaano siya kamaalaga.

"Hindi siya red flag, hindi siya ganun."

Ayon kay Chie, ang pagiging "misunderstood" nila ni Jake ang isa sa rason kung bakit sila naging malapit sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro we're both misunderstood sa industry [and] also by the people around us. Pero kasi magsa-shine talaga yung totoong intention mo.

"May mga sasabihin ang mga tao, pero ikaw sa sarili mo, alam mong you're in a good place, your heart is in the good place, makikita ng tao yan.

"Alam niyo kung gaano rin kabait si Jake, alam natin kung gaano niya kamahal yung ginagawa niya."

Read: Chie Filomeno gets kilig over Jake Cuenca's recent interview about her

WHAT CHIE AND JAKE LIKE ABOUT EACH OTHER

Malaking bagay rin para kay Chie ang makitang vocal si Jake sa pagsasabi ng pagtatangi para sa kanya.

Sa isang TV interview, sinabi ni Jake na hinahangaan niya ang kabaitan ni Chie.

Reaksiyon ni Chie tungkol dito, "Actually, napanood ko yun, and my parents saw that also.

"I'm happy kasi hindi lahat ng lalake vocal about their feelings for someone, especially in this industry.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang tapang niya. Ang tapang niya to show his admiration also. I'm really happy sa mga sinabi niya sa akin, nakakakilig talaga, and I do admire him."

Ano naman ang nagustuhan ni Chie kay Jake?

Sagot ng dalaga, "What I like about him, grabe siya magmahal. He's really passionate with his craft.

"Love na love niya ang family niya. He's family-oriented. Yun ang ina-admire ko sa kanya."

Nagkakasundo raw talaga sila.

"Yes, marami akong natutunan sa kanya, at marami din siyang natutunan sa akin.

"Very progressive na very progressive na tayo ngayon. Marami akong advice na nakukuha sa kanya. He's not afraid to tell me also na on what should I do in terms of acting.

"Nakakataba ng puso kasi he's not madamot. He's very generous sa lahat ng bagay."

Read: Jake Cuenca on blossoming romance with Chie Filomeno: "I'm happy, super."

APPROVAL FROM CHIE'S PARENTS

Naipakilala na ni Chie si Jake sa mga magulang niya, at wala raw pagtutol ang mga ito sa unawaan nila ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Na-meet ng parents ko si Jake nung premiere nung Cattleya Killer.

"Sabi naman nila Mommy and Daddy, twenty-seven na naman ako, I can make my own decision, pero nandiyan pa rin naman sila to guide me."

Kung tutuusin, wala nang hadlang sakaling maging magkasintahan ang dalawa.

Ayon kay Chie, o-oo naman siya na maging nobya ni Jake. Pero sa ngayon ay nirerespeto ni Jake ang mga prayoridad niya muna sa buhay.

"Oo, I would say yes. But alam niya kung ano ang priority ko, and he knows how much I love my family also. Ayaw niya ng any distractions for me.

"Kaya nga sinasabi ko, sobrang understanding niya kasi alam niya where my heart is right now."

Read: Is Chie Filomeno open to dating Jake Cuenca?

Jake and chie's dating history

Binalikan din ni Chie ang dating history na sila ni Jake.

"Kasi prior kasi to having a relationship, dun sa interview he said kasi na we dated before a couple of times.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero kasi, understandable, yun yung phase niya na medyo marami pang nangyayari sa kanya and ako, I was young back then.

"In-accept namin yung fact na nawala yun.

"Then, I think naging destiny na lang din na nagkita kami sa [Star Magic] Christmas Ball and then naging persistent siya. Naging patient siya kasi medyo ilag pa ako sa kanya nun, e.

"Di ko siya sinasagot. Parang snob pa ako nun. Dine-deadma ko yung mga DMs niya before, but nakita ko naman yung change niya," kuwento ni Chie.

Aminado ang Kapamilya actress na bukod sa kanyang mga mahal sa buhay ay isa si Jake sa nagbibigay ng inspirasyon sa kanya.

"In order for us na nandiyan yung drive, kailangan mas madagdagan pa yung inspiration mo. You have your family, you have your friends.

"So, it's good din na there's someone to guide you, give advice, and to push you.

"Minsan you doubt yourself kung kaya mo. Pero ayan, nandiyan yung mga taong nakapaligid sa iyo, yung foundation nandiyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I am just really happy that I am surrrounded by people I can trust."

Read: '24 Oras' pays tribute to Mike Enriquez's 54-year broadcasting career

ON SIGNING A CONTRACT WITH ABS-CBN

Samantala, lubos ang saya ni Chie dahil makalipas ang higit isang dekada sa showbiz ay pumirma siya ng exclusive contract sa ABS-CBN.

Nangako siyang hindi sisirain ang tiwalang binigay sa kanya ng Kapamilya Network, lalo na't ngayon lang siya nabigyan ng ganitong oportunidad.

"Ang saya ko kasi tumaya sila sa akin. Hindi madali yung decision na yun, and for them to give me that contract, I'm just really happy.

"I'm really grateful, yung pagtaya nila sa akin. I will make sure it's worth it.

"Like ngayon, talagang nag-sink in siya. But in a sense na, 'Wow, thank you po Kapamilya. Thank you ABS-CBN."

Read: Jake Cuenca on failed relationship with Kylie Verzosa: "I know I gave my best."

CHIE'S ROLE IN A VERY GOOD GIRL

Naisip ba niyang sumuko noong panahong matagal siyang naghintay ng break sa showbiz?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"No, kasi yung personality ko talaga na ayokong gumive up. Kasi what if you're an inch close to success?

"Sayang lahat ng pagod mo. Hindi lang pagod ko kundi pagod na parents ko, ng handler ko, ng Star Magic sa akin.

"I'm just really happy that I waited. I was patient and I worked hard. As I worked hard, I clapped for everyone around me na nagkaroon din ng success.

"Now that my time is here, hindi ko kayo ile-let down."

Nakapanayam si Chie sa mediacon ng A Very Good Girl, ang pelikulang pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Dolly de Leon.

Produced by Star Cinema, ipapalabas ito sa mga sinehan sa September 27.

Paglalarawan ni Chie sa role niya sa pelikula, "We're both feisty and full of energy.

"But with the values nga, yun ang pinagkaiba namin sa characters namin. Iba ang values ko, iba ang principles ko, iba ang morals ko kay Saab.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But di ko siya dyina-judge kasi I won't be able to play Saab kung idya-judge ko siya. I try to understand Saab in a different perspective."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chie Filomeno on Jake Cuenca: "I think ang mga tao ang bilis nilang mag-judge na ganitong tao si Jake kasi sa mga nakikita nila, nababalitaan. But alam ko at alam natin kung gaano kabait na tao si Jake, kung gaano siya kamaalaga. Hindi siya red flag, hindi siya ganun."
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results