PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sef Cadayona engaged to non-showbiz girlfriend Nelan Vivero

Sef Cadayona proposes to girlfriend after less than a year of being together.
by Rachelle Siazon
Published Aug 31, 2023
Sef Cadayona engaged to non-showbiz girlfriend Nelan Vivero
Sef Cadayona proposes to girlfriend Nelan Vivero less than a year after he first posted a couple photo with her on Instagram.
PHOTO/S: @sefcadayona Instagram

Inanunsiyo ng Kapuso actor na si Sef Cadayona na engaged na sila ng kanyang non-showbiz girlfriend na si Nelan Vivero.

Miyerkules ng gabi, August 30, 2023, nang i-post ni Sef sa Instagram ang ilang mga litrato na kuha sa simple pero madamdaming proposal niya kay Nelan.

Noong Araw Ng Mga Puso, February 14, una raw nag-propose si Sef sa kanyang nobya kahit wala pa siyang nabiling engagement ring.

Bigla na lang daw niya naisip na ialay kay Nelan ang isang papel na singsing.

Naalala pa ni Sef ang kanta ni Taylor Swift na "Paper Rings" na may lyrics na nagsasabing, "I like shiny things, but I'd marry you with paper rings."

Kuwento ni Sef (published as is) "Hindi ako makapaniwala na nakuha ko ang matamis mong OO!

"Biruin mo.. sa hindi inaasahang pangyayari nag propose ako gamit ang gawa kong papel na singsing.

"May iba doon eh.. lahat tama parang lahat ng nararamdaman ko eh inuudyok nako itanong sayo kung pwede ba kitang makasama habang buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kahit hindi magarbo o engrande.. umoo ka.

"Napaka swerte at saya ko nung gabing yun..."

Read: Sef at Mikee kabadong makumpara kina Bitoy at Mane? Beauty itatambal sa "young man" na si Kelvin?

SEF PROPOSES WITH A REAL RING

Dumaan pa ang ilang buwan, nakaplano na raw sa isip ni Sef na gusto pa rin niyang mag-propose uli kay Nelan at saka bigyan ito ng totoong engagement ring.

Nangyari raw iyon noong August 13 nang bumisita siya sa bahay ni Nelan.

Sef Cadayona and Nelan Vivero

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Lahad pa ng 34-year-old Kapuso actor (published as is): "Kabang kaba ako! Panay memorya ng linya na sasabihin ko pag nasa harap na kita.

"Pumunta sa bahay niyo para magpaalam sa magulang mo… masabi ko sa kanila na masaya tayo at gusto ko sana ganun tayo hanggang sa tumanda na tayong dalawa. Na magkasama.

"Mapalad ako na pumayag sila! Humingi ako ng tulong kay Ate A paano diskarte sa pag dating mo.

"Kaya pag pasok mo sa bahay niyo.. nakahintay nako… Para itanong ulit sayo 'Will you marry me?'"

"Mahal kita, Nelan! My Lemoine [laughing with tears emoji] wag moko papuntahin sa malayo."

Sef Cadayona and Nelan Vivero

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

August 2022 nang unang mag-post si Sef ng couple photo nila ni Nelan. "Baby" ang term of endearment niya para rito.

Ilan sa mga nagpaabot ng congratulatory messages kina Sef at Nelan ay sina Mikael Daez, Marian Rivera, Ryan Agoncillo, Iza Calzado, Rodjun Cruz, Valeen Montenegro, Ruby Rodriguez, at Archie Alemania.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dating naging nobya ni Sef sa showbiz sina Andrea Torres at Yassi Pressman.

Read: Andrea Torres reacts to ex-boyfriend Sef Cadayona’s “ligawan, reconnect” statement

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sef Cadayona proposes to girlfriend Nelan Vivero less than a year after he first posted a couple photo with her on Instagram.
PHOTO/S: @sefcadayona Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results