Kapag sinabing Person With Disability o PWD, karaniwang ang nasa isip natin ay taong may kapansanang pisikal.
Pero alam niyo bang saklaw din ng kategoryang ito ang mga taong may non-apparent disabilities?
Unfortunately, dahil sa kakulangan ng kaalaman tungkol sa Republic Act 10754, hindi lahat ay nakaka-enjoy ng benefits at priviledges—halimbawa na lang ay ang 20 percent discount at exemption sa value added tax —para sa mga PWDs.
Ang iba pa nga nga ay nabu-bully o nami-misjudge.
Halimbawa na lang sa mga special lanes or lines sa mga public places, gaya ng Metro Rail Transit (MRT), ang mga may non-apparent disabilities ay pinaparinggan na sumisingit sa pila.
Mas malala ang naging karanasan ni Fatima (hindi niya tunay na pangalan) sa isang ride-hailing service o Transport Network Vehicle Service (TNVS).
Batay sa kanyang Facebook post, hindi naintindihan ng driver kung ano ang mga kategorya ng PWDs, maging ang mga karapatan nila.
Ang siste, nagduda ang driver dahil hindi niya nakita na physically handicapped si Fatima.
PWD's VIRAL POST
Nag-viral ang Facebook post ni Fatima, at naiulat sa news programs.
Narito ang kanyang kuwento (published as is): “Bipolar ako, so mentally ill ako. Diagnosed ako ng doctor since 2019.
“Tas, sabi niyang ganoon (driver), bipolar? ‘Yun ‘yung ano di ba, ‘yung nagmu-mood swings. Kasi ma’am ang alam kong mga PWD, ‘yung mga nasa wheel chair, ‘yung bulag. Kaya mainitin ang ulo mo. PWD ka?” sabi pa ng driver kay Fatima.
Tila may panunuya sa tono ng driver, kaya nasaktan si Fatima.
Nagdulot ng trauma ang insidente sa kanya kaya hindi na niya muli pang ginamit ang kanyang PWD ID.
Read: Gintong inodoro worth PHP340M ninakaw noong 2019, nawawala pa rin; mga nagnakaw, kakasuhan na
GRAB PHILIPPINES TAKES ACTION
Ang TNVS na tinutukoy ay ang Grab Philippines, na noong nalaman ang insidente ay agad itong nagpa-imbestiga.
Humingi rin daw ng paumanhin ang driver, na may kamag-anak ding PWD kaya raw ito nagtaka.
Dahil sa untoward driver-passenger incident, binigyan na ng warning ang driver.
Nagbigay na rin ng statement ang Grab Philippines tungkol sa isyung ito.
“Grab is deeply committed to offering safe, accessible and inclusive service to all our kababayans including persons with disabilities (PWDs).”
Bago pumasok at maging legit na Grab car driver, sasailalim ito sa rigid training, kung saan ini-educate siya tungkol sa pag-handle ng mga PWDs.
“We have education and training programs that ensure our driver-partners are well equipped with the know-how and skills in offering our service to PWDs, as aligned with government mandates and our own company values,” sabi pa ng Grab Philippines.
NO JUDGMENT
Marami ang nag-react dahil sa simpatya at kagustuhang makatulong.
Ayon sa isang eksperto, kailangan daw ipaliwanag sa publiko na ang pagiging PWD ay hindi lamang nakikita sa pisikal na kaanyuan ng isang tao.
Bukod pa sa mga physical disabilities, may mga kapansanang hindi nakikita ng mga mata.
Iba-iba ang klasipikasyon ng disability ng tao. Merong learning, mental, visual, hearing, at communication disability.
Bukod sa mga naunang nabanggit, may mga perks sila sa mga sumusunod na products and services: transportation, basic and prime commodities, accommodations, medicines and recreational facilities, mandatory full PhilHealth coverage, at equal employment opportunities..
Grab Philippines is under the transportation privileges umbrella.
Ito sana ang mas unawain at pag-aralan hindi lang ng Grab drivers, kundi pati na ng iba pang drivers to ensure every PWD’s safety.
“Number one, kailangan no judgment. Number two, avoid nating magsabi ng comments that would come up na discriminatory na maaring maka-hurt, noh, doon sa tao,” sabi ni Dr. Joan Rifareal, Fellow Philippine Psychiatric Association sa ulat ng State of the Nation.
Mabuti na lang at may agarang pagresponde ang Grab Philippines sa isyung ito.
Muli, hindi madali ang magkaroon ng kapansanan. The least we can do is to be kind to others, even with the words we say.