PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Andrea Brillantes clarifies she and Kyle Echarri are not a love team

" Years din namin hinintay na magkaroon kami ng project talaga."
by Melba R. Llanera
Published Sep 3, 2023
Andrea Brillantes and Kyle Echarri
Andrea Brillantes says she and 'Senior High' co-star Kyle Echarri are "best friends" in real life.
PHOTO/S: @blythe Instagram

Magkatambal man sina Andrea Brillantes at Kyle Echarri sa series na Senior High, walang balak ang dalawa na ma-identify bilang isang love team.

Sina Andrea at Kyle ay naging bahagi ng Gold Squad, kung saan unang pinareha si Kyle kay Francine Diaz, at si Andrea naman kay Seth Fedelin.

Nabuwag ang SethDrea tandem nang ipareha si Seth kay Francine sa Dirty Linen, at ngayon naman ay nabuo ang KyDrea sa pagsasama nina Kyle at Andrea sa Senior High.

Paunang pahayag ni Kyle sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Sobrang thankful kami sa KyDrea, they've been here for so long. They waited for this project and we're super happy that we're together in this project.

"We're super happy that we have KyDrea supporting us, pero di kami nagbebenta ng love team."

Dagdag ni Andrea, "Wala na kaming magagawa dun, and nakikita namin nagiging source din ng happiness nila yun, and di namin yun puwedeng ipagkait sa kanila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang magagawa lang namin is to clarify sa lahat ng tao na di talaga kami love team and we are really best friends. Wala naman kaming pinapaasa na tao."

Nakapanayam ng PEP.ph sina Kyle at Andrea sa nakaraang special screening at media conference ng Senior High, na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma nung nakaraang August 27, 2023.

Read: Andrea Brillantes, Kyle Echarri FIBA kiss cam moment brings kilig vibes

BEST FRIENDS in real life

Matalik na magkaibigan sina Kyle at Andrea sa totoong buhay, kaya naman kita ang chemistry sa pagitan nilang dalawa.

At kahit na hindi nila binebenta ang KyDrea tandem, kung sakaling tanggapin ng publiko ang tandem nila ay bukas sina Kyle at Andrea na maging magkatambal muli sa iba pang projects.

"I think okay kami as love interest, pero di bilang love team na we're locked," paliwanag ng Kapamilya actress.

"Na-lock together for so many years kasi. More than anything, we're best friends talaga and doing our artistry together," singit naman ni Kyle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Parehong masaya sina Kyle at Andrea na nanumbalik ang kanilang pagkakaibigan dahil sa pagsasama nila sa Senior High.

"Ako, siyempre masaya ako, di lang makasama siya ulit sa show pero makakasama ko siya sa life," nakangiting tugon ni Andrea.

"Masaya, sobrang masaya ako. Years din namin hinintay na magkaroon kami ng project talaga together. I'm sure this is not the last, pero excited for you guys to see," pahayag naman ni Kyle.

Read: Mel Tiangco speaks about Mike Enriquez's devotion to his wife Baby

ANDREA BRILLANTES ON BEING CALLED "NEXT IMPORTANT STAR"

Samantala, pinakilala si Andrea bilang "Next Important Star" ng ABS-CBN.

Panay magaganda at challenging ang mga roles na ginagampanan niya, lalo na dito sa Senior High kung saan gumaganap siya bilang Luna/Sky.

Hindi ba siya na-pe-pressure sa bansag na ito?

"Wala naman, wala namang presure sa akin kasi mas focus lang kasi ako sa work ko. Enjoying and loving my work," pagtitiyak ni Andrea.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag pa ng aktres, "Saka di ko naman tiningnan na ganun ang trabaho ko. Ako na yung next [big star], gusto ko nang ganito. Of course, masarap pangarapin at masarap mangyari yun.

"Pero every time na may gagawin ako, tinitingnan ko na blessing yun sa akin at sa pamilya ko. Bilang breadwinner pa rin hanggang ngayon, mas tinitingnan ko na trabaho at artista ako, lagi ko pa ring gagalingan.

"Kung di ako maging next [big star], okay pa rin sa akin, kung ano ang maging plano sa akin ni Lord.

"Ganun ko siya tiningnan. Never akong nasilaw, na kailangan ako na ang maging next [big star]. Gusto ko lang talagang pagbutihan, na bawat eksena ko mabigyan ko ng puso tsaka justice.

"Tsaka nandito ako para makasama ko ang mga friends ko lagi at mag-work. Yun lang."

Read: Gabby Concepcion spotted with KC Concepcion, boyfriend Mike at daughter Savannah's birthday party

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ANDREA'S CONFIDANT

Ang Senior High ay tumatalakay sa issues na pinagdadaanan ng mga kabataan ngayon, tulad ng bullying, mental health problems, peer pressure, at drugs.

Tinanong si Andrea, sa mga pagkakataong dumaraan siya sa mga pagsubok bilang isang kabataan, sino ang kanyang tinatakbuhan at sinasabihan ng kanyang mga problema?

"My sister. Kaya nakakahugot din ako sa twins na ito [sa show]. Yung sister ko talaga ang best friend ko," pag-amin ng Kapamilya actress.

"After her, sa Diyos. Medyo naging on and off ang relationship with Him kasi kapag sobrang lalim na, sobrang bigat na, napapatanong ako kung bakit ba ganyan?

"Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kinakailangang mangyari ang iba't ibang bagay sa buhay ko, kung bakit kailangang talikuran ako ng iba.

"Kasi, di ko sila kailangan sa buhay ko, di sila makakabuti sa akin. Tiwala na lang kay God, iyak na lang ako, 'Lord bakit naman?'

"Iiyak ko lang sa Kanya tapos okay na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang prime-time series na Senior High ay nasimulan nang ipalabas nung August 28, 9:30 p.m., at mapapanood ito gabi-gabi sa Kapamilya Channel, Kapamilya online live, A2Z, Jeepney TV, at TV5.

Ito ay sa ilalim ng direksyon nila Direk Onat Diaz at Direk Andoy Ranay.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Andrea Brillantes says she and 'Senior High' co-star Kyle Echarri are "best friends" in real life.
PHOTO/S: @blythe Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results