Nagpigil si Robi Domingo na maging emosyunal nang pag-usapan ang kanyang fiancée na si Maiqui Pineda sa isang recent press conference.
Isa si Robi sa mga artistang dumalo sa press conference ng PIE Channel para sa lineup ng kanilang game shows.
Si Robi ang host ng game show na Watchawin sa nabanggit na channel.
Bukod sa Watchawin, regular host din si Robi sa ABS-CBN Sunday musical-variety show na ASAP Natin ‘To.
Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang reporters kay Robi, nabanggit nito ang puspusan niyang pag-iipon. Nakatakda na kasi silang ikasal ni Maiqui ngayong 2023.
“Just thinking about the wedding, thinking about the renovations, and thinking about the house na pinapagawa namin, I have to keep on going para mabayaran na lahat ng mga kailangan,” paliwanag ni Robi.
Napag-usapan din ang kanyang fiancée na tinamaan ng dermatomyositis, isang rare autoimmune disease.
Read: Robi Domingo fiancée diagnosed with rare autoimmune disease
Malaking dagok ito sa couple na planong magpakasal na this year. Subalit iginiit ni Robi na desidido si Maiqui na ituloy ang original date ng kanilang wedding.
“Actually, I told her about delaying. Actually, I told her about delaying the wedding.
“Pero she told me, ‘No, give me something to hope for.’ So, dapat walang delay.
“Kasi gusto niya na may target kami, may target date. Kailangan by that date or before that, um-okay na siya.”
Malaki rin ang pasasalamat nilang bumubuti ang kalagayan ni Maiqui, subalit matagal ang gamutan nito.
“I have to be hands-on because she is focused on the betterment of her condition. So, kailangan habang iniisip niya yung sarili niya, ako muna sa lahat.”
Inamin ni Robi na seryoso ang kondisyon ng babaeng kanyang minamahal at pakakasalan.
“Last week, she went to Singapore and the doctors told her that her condition was life-threatening and lethal.
“So, di ba, how would you feel when she told me about that? Siyempre, bagsak na naman yung mundo ko, ‘Okay, ano lang gagawin namin?’
“But her determination keeps me moving forward, e," sabi ni Robi.
Idinaan na lamang ng TV host sa pagtawa dahil bigla siyang naging emosyonal.
“It's her willpower that keeps me going,” sambit niya.
Read: Airline crew members, umani ng batikos at sermon dahil sa "unprofessional" picture taking
MAIQUI IS GETTING BETTER
Paniniyak ni Robi, “She's getting better. It's a long way to go, but just watching her clips, knowing her progress, nakaka-inspire, e. Nakaka-inspire siya.
"So, I don't have a reason na mag-give up if she has that strong will para gumaling.”
Hindi rin itinanggi ni Robi na may moments na gusto na niyang sumuko. Pero kailangan niyang maging matatag para sa kanila ni Maiqui.
Aniya, “To be honest, there were times na as the song goes, ‘Gusto Ko Nang Bumitaw,’ pero in those moments, you are tested kung ano ba talaga ang kailangan mong panghawakan.
“And panghahawakan ko Siya [God] at yung fiancée ko. So, when you have that will to fight and when you have that faith, kailangan ka lumaban.
“It's mentally draining, it's emotionally draining. Physically, nagma-manifest siya minsan sa akin.
“Pero, wala, there are times na nagwo-workout ako, bigla akong iiyak, ‘Ang bigat naman. Bakit ngayon pa? Bakit siya?’
“So, you have those questions.”
Pero sa tuwing nakikita raw ni Robi si Maiqui ay nakikita niya ang sagot kung bakit kailangan niyang lumaban.
“IN SICKNESS AND IN HEALTH”
Natawa naman si Robi nang biruing kahit hindi pa sila kasal ni Maiqui ay isinasabuhay na nila ang wedding vow na “in sickness and in health.”
“That's why sometimes it occurs to me na wala pa nga yung vows… andito kami sa fiancée part, pero parang nasa marriage na.
“So, when people ask me, ‘Are you ready?’ I am going through it already,” aniya.
Sa kabila raw ng pinagdaanan ng relasyon nila ay hindi raw nabuwag ang kanilang samahan, bagkus ay tumibay pa ito.
May mga maliliit na pagtatalo raw sila, pero hindi umabot sa puntong nais na nilang isuko ang kanilang relasyon.
“Like, you get a bit of yung mga quirks niya, yung mga, ‘Ah, ito pala yung gusto niya, ayaw niya.’
“Pero, because our values and our goals are aligned, kaya wala kami masyadong problema.”
Dagdag ni Robi, "Personally, for me, parang I just wanna stay home lang, ‘Ano ba ito, andaming nangyayari, andaming problema?’
“But after some time, you just have to pick up yourself and then laban lang. Laban lang.”
