PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miss Universe Organization owner Anne Jakrajutatip faces debt problem

Will this affect the Miss Universe 2023 in El Salvador?
by Jojo Gabinete
Published Aug 31, 2023
anne jakrajutatip
Bumagsak umano ang shares ng kumpanya ng Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip matapos ang pahayag niitong hindi mababayaran ng JKN Global Group PLC ang 609 million baht (PHP984.6 million) worth of debentures, ang una sa pitong tranches o bahagi ng kanyang pagkakautang na may kabuuang halaga na 3.36 billion baht (PHP5.4 billion).
PHOTO/S: @annejkn.official on Instagram

Nahaharap sa malaking problemang may kinalaman sa pananalapi ang Thai transgender billionaire at Miss Universe Organization owner na si Anne Jakrajutatip.

Read: Thai billionaire Anne Jakrajutatip bagong may-ari ng Miss Universe

Sa ulat ng Bangkok Post ngayong Huwebes, August 31, 2023, bumagsak umano ang shares ng JKN Global Group PLC matapos ang pahayag ni Anne na hindi mababayaran ng kompanya niya ang 609 million baht (PHP984,631,200) worth of debentures, ang una sa pitong tranches o bahagi ng kanyang pagkakautang na may kabuuang halaga na 3.36 billion baht (PHP5,429,424,000,000).

Si Anne ang chief executive officer ng JKN.

Sinabi ni Anne sa Stock Exchange ng Thailand na magbabayad ang kompanya niya ng 156.6 million baht — 146.62 million sa principal at 9.98 million sa interes — sa Biyernes, September 1, 2023.

Kapag nagbayad si Anne, may malalabi pang balanse na 443.4 million baht na pagkakautang ang kanyang kompanya dahil 26 percent pa lamang ang mababayaran niya sa isyu ng debenture JKN239A.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang debenture ay isang uri ng bond o iba pang debt instrument na hindi naseseguro ng collateral. Walang collateral backing ang debenture na umaasa lamang sa reputasyon ng tagabigay ng suporta.

Ayon sa Investopedia, ang mga korporasyon at ang pamahalaan ang madalas na nagbibigay ng mga debenture para makalikom ng kapital o pondo.

Isiniwalat ni Anne ang plano niyang makipag-usap sa debenture holders sa September 29 para humingi ng pahintulot sa repayment delay.

Kung sakaling pumayag ang debenture holders, hindi maituturing na default ang overdue payment tulad ng naunang kontrata at hindi sila mangungulit na mabayaran agad.

Paliwanag ng Miss Universe Organization owner, “The company firmly believes in its capacity to uphold the repayment plan pertaining to principal and interest obligations with various sources of funding being considered.

“In this regard, the company confirms and reiterates its commitment, to complete repayment of both principal and interest attached to the JKN239A debenture, alongside any other debentures issued by the company.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inilahad naman ng Thai Bond Market Association (ThaiBMA) na may anim pang tranches ng debentures ang JKN kaya dapat itong magbayad ng interes sa September 11, October 20, November 10, 13, 15 at 24, 2023.

Nagkakahalaga ng 300 milllion, 578.6 million, 400 million, 800 million, 525 million, at 156.6 million baht, na may mga petsa ng maturity sa 2024 at 2025, ang anim na tranches na natitira.

Ang pagkakaantala ng pagbabayad ng JKN sa mga pagkakautang nito ay magkakaroon ng epekto sa bond market dahil magiging maingat ang mga investor kaya tinututukang mabuti ng Daol Securities kung paano haharapin ng JKN ang malaking problema na kinakaharap.

Ang Daol Securities ang kinatawan ng limang tranches ng debentures ng JKN.

Pinaniniwalaang magkakaroon ng epekto sa 72nd Miss Universe na magaganap sa El Salvador sa November 18, 2023 ang malaking problema ni Anne sa pananalapi.

Gumawa si Anne ng kasaysayan sa pageant world noong October 2022 nang bilhin niya ang Miss Universe Organization sa halagang US$20 million.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pero mula nang siya ang maging may-ari, hindi na nawalan ng kinasasangkutang problema ang kontrobersyal na Thai transgender billionaire.

Read: Miss Universe owner Anne Jakrajutatip may bagong kontrobersiyang kinasasangkutan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bumagsak umano ang shares ng kumpanya ng Thai billionaire na si Anne Jakrajutatip matapos ang pahayag niitong hindi mababayaran ng JKN Global Group PLC ang 609 million baht (PHP984.6 million) worth of debentures, ang una sa pitong tranches o bahagi ng kanyang pagkakautang na may kabuuang halaga na 3.36 billion baht (PHP5.4 billion).
PHOTO/S: @annejkn.official on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results