Dalawa sa bigating pangalan sa ABS-CBN News, sina Karen Davila at Bernadette Sembrano, ang nakiramay sa unang gabi ng lamay para sa yumaong GMA Integrated News pillar na si Mike Enriquez.
Binawian ng buhay si Mike sa ICU ng St. Luke's Medical Center, sa Quezon City, noong August 29, 2023.
Siya ay 71.
Read: Veteran broadcaster Mike Enriquez dies at 71
Sina Karen at Bernadette ay main anchors ng TV Patrol ng ABS-CBN News na direktang kalaban ng 24 Oras, ang primetime newscast ng GMA-7 kung saan si Mike ang isa sa main anchors.
Bago naging bahagi ng ABS-CBN News, nagsimula sina Karen at Bernadette sa bakuran ng GMA News kung saan nila nakatrabaho si Mike.
Lumipat si Karen sa ABS-CBN noong taong 2000, samantalang si Bernadette ay noong 2004.
Read: 15 TV news reporters with controversial network transfers
“MIKE WAS ALWAYS A FRIEND.”
Sa unang gabi ng lamay kay Mike sa Christ The King Parish, Greenmeadows, Quezon City, nitong Huwebes, August 31, 2023, nagbigay ng kanilang pagpupugay sina Karen at Bernadette para sa yumaong broadcaster.
Ayon kay Karen, hindi lang niya naging co-anchor noon si Mike kundi naging kaibigan pa.
Ramdam na ramdam daw niyang nalagasan ang industriya ng pagbabalita ng isang taong tinitingala at hinahangaan ng sambayanan.
Buong pahayag ni Karen sa panayam ng GMA Integrated News, “I met Mike when I was 24 years old. At siya yung naging una kong co-anchor, limang taon kaming nagkasama sa programang Saksi.
“Pero alam mo, higit sa lahat, hindi lang siya co-anchor sa akin. Si Mike was always a friend.
“Napakadali niyang kasama, wala siyang yabang. I think alam niyo naman to, palagi siyang nagpapatawa, masaya siya.”
Mensahe pa niya sa yumaong kasamahan sa pagbabalita, “Mike, all I can tell you right now is we feel the loss in the industry, you’ve made so many friends who loved you.
"And I know you’re in heaven right now and you’re just so valued. So, Mike, I love you very much and take care.”
“VALOR NA HINDI NIYA IPINAGYAYABANG.”
Sa kanyang panig, maiksi lang ang naging pahayag ni Bernadette.
Binanggit din niya ang tawag kay Mike na “Booma,” na palayaw ng yumaong broadcaster sa loob ng newsroom.
"Booma" ang call sign na ginagamit niya sa kanilang radio communications.
Read: Bakit "Booma" ang tawag kay Mike Enriquez ng mga taga-newsroom?
Mensahe ni Bernadette, "Yes, sometimes ang naaala natin yung ingay, yung pagiging sobrang kuwela ni Booma.
"Quietly, andun yung kanyang courage. Sabi ko nga, valor na hindi niya ipinagyayabang.
"So, para sa akin, yun yung kagandahan ng pagkakaalala ko kay Mike Enriquez.”
