PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel Tanfelix, Ysabel Ortega Grilled on Their Real Score

Miguel: "We’re both growing together."
by Rose Garcia
Published Sep 2, 2023
Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega
Miguel Tanfelix on growing with Ysabel Ortega: "Yung relationship namin, hindi siya magiging hindrance para pigilan ang isa’t isa."
PHOTO/S: @migueltanfelix_ Instagram

Matagal nang napapabalitang higit sa pagiging magka-loveteam ang ugnayan ng Kapuso stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega.

Pareho silang 24 years old.

Sa mediacon ng Voltes V: Legacy, ilang beses na nabanggit ang salitang "relationship" sa paglalarawan ng dalawa tungkol sa kanilang closeness.

Read: Ysabel Ortega on suitor Miguel Tanfelix: "Sinasamahan niya akong mag-aral."

Kaya diretsahang tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Miguel at Ysabel kung may "label" sila sa kung ano ang meron sa pagitan nilang dalawa.

Sinubukang umiwas ni Miguel, na nagkuwento tungkol sa food trip nila ni Ysabel pagkatapos ng isang event kamakailan.

"Nagkukuwentuhan kami ni Ysabel kung ano ang favorite namin na routine sa relationship namin.

"Ito ba yung games or video call? Then, napaisip lang ako, if mawala itong routine na ‘to, sobrang hirap.

"Kapag ang isang tao, naging routine mo na, kapag meron na kayong nakasanayan na ginagawa araw-araw, once na mawala yong taong yon, mahirap na. Ang hirap maka-recover. Parang ganon."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero hindi nagpaligaw ang PEP.ph.

Parehong natatawa sina Miguel at Ysabel nang usisain muli ng awtor na ito kung ano ang label ng kanilang relasyon.

"Ano… routine," natawang hirit ni Miguel.

Sabay sabi rin ng binata, "Hindi… katulad pa rin po siguro ng dati. Malalaman niyo naman yon kung ano...

"I-a-announce rin naman siguro ni Tita yon."

Ang "Tita" na tinutukoy ni Miguel ay ang ina ni Ysabel, ang former actress na si Michelle Ortega.

Sabay hirit ni Ysabel, "Si Mama talaga ang mag-aannounce, e, ano.”

Paliwanag naman ni Ysabel, "We’re taking our time po, and talagang ine-enjoy lang din po namin ang growth ng isa’t isa. So yun po ang priority.”

Sa mas depinidong tanong, "magdyowa" o "magkaibigan" sila?

"Yan ang mas simpleng tanong," sagot ni Miguel. "Definitely, hindi pa po kami magdyowa."

Read: Katas ng 'Voltes V: Legacy': motorcycle, camera, travel, business, friendship

ON GROWING TOGETHER

Sa isang banda, dapat abangan ang pagtatapos ng journey nina Ysabel at Miguel bilang sina Jamie Robinson at Steve Armstrong sa Voltes V: Legacy ng GMA-7.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa mahigit na apat na taon nilang pagsasama serye, aminado sina Miguel at Ysabel na nag-level-up na ang ano mang relasyon na meron sila.

Dito nabuo ang love team nilang YsaGuel.

"Actually, ang masasabi ko lang diyan, we’re both growing together," simulang pahayag ni Miguel.

"Lalo na ngayon, si Ysabel, may tinatayo siyang business. Ako, nag-aaral ako ng film. So, I’m happy na nakikita namin ang isa’t isa na mag-grow.

"Yung relationship namin, hindi siya magiging hindrance para pigilan ang isa’t isa."

Paano nagiging hindrance ang relasyon?

Paliwanag ni Miguel, "May mga relationship kasi na mai-stop ang growth mo as a person.

Dahil kunwari, kung clingy ang isang tao at nagre-require siya ng so much attention, so much time, parang mawawalan ka ng time na mag-build ng career mo and kung ano man ang gusto mong gawin sa buhay," dagdag ni Miguel.

Masaya raw si Miguel na hindi sila katulad ng inilalarawan niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I’m very happy na sa relationship namin ni Ysabel, we’re pushing each other na mas gumanda ang buhay, mas mag-grow ang career.

"Ngayon, hindi lang showbiz ang pinu-push namin, pati personal lives namin."

Katulad ni Miguel, positibo rin daw ang naging epekto kay Ysabel ng relasyon nilang dalawa.

"In a span of four years, sobrang nagbago po ang relationship namin ni Miguel.

"We went from being strangers tapos, naging super close kami sa Voltes V.

"And yun nga, like what Miguel said, sobrang naging support system namin ang isa’t isa personally."

"And yun nga po, meron din pong ibang types of relationship with two people na depende rin siguro sa set-up or sa environment," paliwanag ni Ysabel.

Read: Director Mark Reyes reveals original cast considerations for Voltes V: Legacy

NOT JUST TAPING FRIENDS

Siniguro rin ng aktres na patuloy ang magandang relasyon nila ni Miguel kahit na nalalapit na ang pagtatapos ng Kapuso prime-time series.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero even after Voltes V, alam naman namin ni Miguel na it won’t end there. Kasi, hindi naman naka-depende sa palagi kami dapat na nagkikita sa taping kung bakit kami okay.

"It’s exciting kasi, nasa bagong chapter na kami and we’ll see ourselves grow outside Voltes V. Kung ano ang mangyayari sa careers namin, sa personal lives namin.

"It’s so exciting to see, kasi yun nga po, just like Miguel said, we’re really rooting for each other and yun po ang priority namin ngayon, yung growth ng isa’t isa."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix on growing with Ysabel Ortega: "Yung relationship namin, hindi siya magiging hindrance para pigilan ang isa’t isa."
PHOTO/S: @migueltanfelix_ Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results