PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel, Ysabel recall Voltes V scenes

Miguel: “Actually, ang dami talagang mga eksena pong hindi malilimutan,”
by Rommel Gonzales
Published Sep 3, 2023
Miguel Tanfelix
Ysabel Ortega
Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega recall their unforgettable scenes while working on the set of Voltes V: Legacy. Surprisingly, both of their favorite scenes revolve around their love for their onscreen parents.
PHOTO/S: @migueltanfelix on Instagram

Magtatapos na ang Voltes V: Legacy sa September 8.

Apat na buwang umere sa GMA-7 ang live action sci-fi series na naging consistent top-rater gabi-gabi, Lunes hanggang Biyernes.

Bida rito ang limang bumubuo sa Voltes team — sina Miguel Tanfelix bilang Steve Armstrong, Ysabel Ortega bilang Jamie Robinson, Radson Flores bilang Mark Gordon, Matt Lozano bilang Big Bert Armstrong at Raphael Landicho bilang Little Jon Armstrong.

Samantala, may pagkakapareho ang eksenang hindi makakalimutan na ginawa nina Miguel at Ysabel sa kabuuan ng serye.

May kinalaman ito sa relasyon ng magulang at anak.

“Actually, ang dami talagang mga eksena pong hindi malilimutan,” umpisang sinabi ni Miguel sa Voltes V: Legacy finale Zoom mediacon na ginanap noong nakaraang Miyerkules, August 30.

“Pero para sa akin yung death of Mary Ann ang pinaka hindi ko po malilimutan!”

Si Mary Ann Armstrong, na ginampanan ni Carla Abellana, ay ang ina ng Armstrong brothers na sina Steve, Big Bert at Little Jon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy niya, “Dahil first time ko pong gawin yun na mamamatay yung kaeksena ko pero hindi ko siya kaeksena.

“Na puro green lang yung nakikita ko, ang hirap niyang i-visualize, i-imagine habang nasa eksenang na yun.

“Pero buti na lang, yung ginagawa po kasi namin sa set binabato ng kaeksena mo sa gilid, kahit hindi sila kita sa kamera, yung lines nila.

“So for me yun nga, yung death of Mary Ann dahil unang-una, mahirap siyang gawin hindi lang dahil sa green screen ang nakikita ko, pero for Direk [Mark Reyes] din dahil isang taon ang pagitan ng eksena na yun.

“Shinoot yung sa akin tapos after a year tsaka si Ate Carla su-shoot, so mahirap yung continuity nun for Direk. And favorite ko rin siya dahil isa yun sa pivotal moments ng show.

“Yun yung isa sa mga scenes na magde-define kung sino talaga ang Armstrong brothers.

“Tsaka sobrang sakit nun nung ginagawa namin siya dahil sacrifice, e. Nag-sacrifice yung nanay mo para sa buhay mo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa naturang eksena, tulad ng napanood ng publiko, ay tila matatalo ng beast fighter ng mga Boazanian ang robot na si Voltes V kaya minabuti ni Mary Ann na magpalipad ng jet at ibangga ito sa beast fighter habang sakay siya, sanhi ng pagkamatay niya para lamang mailigtas ang Voltes team, lalo na ang kanyang tatlong anak na sina Steve, Big Bert at Little Jon.

Pag-amin ni Miguel, “Ang bigat, ang bigat nun sa puso habang ginagawa siya.

“Kitang-kita naman nagmu-moist yung visor namin habang ginagawa namin dahil totoong emosyon talaga yung nandun sa eksenang yun.”

YSABEL RECALLS HER UNFORGETTABLE SCENE IN VOLTES V: LEGACY

Nahahawig rin sa ikinuwento ni Miguel ang senaryo ng eksenang hindi raw malilimutan ni Ysabel sa Voltes V: Legacy at ito ay ang pagpanaw naman ng ama ni Jamie, si Commander Oscar Robinson, na ginampanan ni Gabby Eigenmann, sa mga kamay rin ng Boazanian aliens.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tulad ni Mary Ann (Carla), isinakripisyo ni Commander Robinson ang kanyang buhay nang iharang niya ang kanyang sarili upang huwag tamaan si Jamie ng laser mula sa alien spacecraft na minamaneho ng salbaheng Boazanian na si Oslack na ginampanan ni Nico Antonio.

Pagbabalik-tanaw ni Ysabel, “Grabe po yung pinagdaanan nung scene na yun when we were shooting it.

“Ang daming… I’m not sure if I can reveal as much basta ang masasabi ko lang po is super-dami po nang pinagdaanan nung scene na yun.

“And sobrang perfect lang din po, kasi ang dami rin po naming napagsamahan ni Kuya Gab throughout Voltes V.

“So when it came to the time that we had to shoot na the death scene of Commander Robinson, yung feeling na parang mayroon na rin kaming relationship na maituturing na rin namin na puwede naming i-apply sa relationship ni Commander Robinson and Jamie na parang father-daughter na rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So sobrang meaningful sa akin nung scene na yun kasi iyon po, talagang Kuya Gab and I depended on not just our roles but on each other din to portray that scene perfectly or to portray the scene the way it was portrayed.

“And also it wasn’t the same po kasi. Sa anime po kasi yung helicopter ride, sa helicopter po namatay si Commander Robinson.

“Pero dito it was more painful, it was more emotional so sobrang in-appreciate ko, in-enjoy and na-savor ko yung moment ng scene na yun kasi talagang it was also a pivotal moment for Jamie.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix and Ysabel Ortega recall their unforgettable scenes while working on the set of Voltes V: Legacy. Surprisingly, both of their favorite scenes revolve around their love for their onscreen parents.
PHOTO/S: @migueltanfelix on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results