PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Voltes V: Legacy Stars Recall Key Moments

From heart-tugging drama to gut-wrenching action
by Rommel Gonzales
Published Sep 3, 2023
Matt Lozano
Raphae Landicho
Radson Flores
(L-R) Matt Lozano, Raphael Landicho and Radson Flores relive their memorable scenes while working on the set of GMA-7's top-rating sci-fi teleserye, Voltes V: Legacy.
PHOTO/S: Instagram

Ang pagkamatay ni Mary Ann Armstrong ang eksenang hindi makakalimutan ni Matt Lozano sa Voltes V: Legacy sa apat na buwang pag-ere nito sa GMA.

Gumaganap bilang si Big Bert Armstrong na anak ni Mary Ann, ikinuwento ni Matt sa amin ang tungkol sa eksenang ito sa ginanap na mediacon via Zoom para sa finale week ng Voltes V: Legacy na magtatapos na sa ere sa September 8.

“Yung nandun kami sa may dagat, yung tiningnan namin yung sumabog na aircraft ni Mary Ann, parang isa yun sa pinaka-memorable sa akin.

“Kasi ang dami naming sequences that day tapos parang from isang eksena tatawid sa eksena na yun, so lahat kami nagtatakbuhan kailangang maisuot namin yung flight suit namin nang mabilis.

“So, habang sinusuot ko yung flight suit, actually umiiyak na ako nun kasi parang halu-halo na yung emosyon na umaano sa akin.

“Hanggang sa nung pagtakbo namin dun sa scene mismo iyon na, biglang buhos lahat ng emosyon!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And after nung scene na yun, nagyakapan kaming lima na mga pilots kasi isa yun sa parang… basta parang last leg of lock-in namin yun, so medyo emotional din ako kasi ang pakiramdam ko nun parang, ‘Oh my God, ito na ba? Patapos na ba yung taping?’

“Parang may kasama rin siyang ganun so isa sa memorable na eksena sa akin yun.”

Ang apat pang piloto ng Voltes V robot ay sina Miguel Tanfelix (bilang Steve Armstrong), Ysabel Ortega (bilang Jamie Robinson), Radson Flores (bilang Mark Gordon) at Raphael Landicho (bilang Little Jon Armstrong).

RADSON LOOKS BACK ON ‘BEAUTIFUL’ CAMPFIRE SCENE

“Bukod po dun sa horseback scenes na ginawa po namin, yung pinaka memorable po sa akin na eksena is yung campfire scene po namin,” kuwento naman ni Radson.

Sa naturang eksena ay mga trainees pa lamang sila upang maging parte ng grupo na bubuo sa Voltes team.

“Kasi nung napanood ko na po yung pinaka eksena, makikita niyo na po yung highlight ng personalities ng lahat ng characters kasi halos eighty percent po yata ng mga nagwu-work sa Camp Big Falcon nandun po sa circle na po na yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“From the V5 team, sila Elle [Villanueva na gumanap bilang si Eva], nandun po silang lahat. Makikita niyo po yung characters, yung personalities nila.

“Like kunyari ako si Mark makikita ko yung personalities ng iba, kung ano ang personality ni Steve, ni Jamie, ni Little Jon, ni Big Bert, so for me, very beautiful scene.”

RAPHAEL CHERISHES HIS ‘SUPERHERO’ MOMENTS

Ang mga eksena habang nagpapalipad ng aircraft na bahagi ng Voltes V robot naman ang paboritong eksena ni Raphael. Gimbal scenes ang tawag nila rito.

Ang Gimbal ay ang mechanism na ginagamit sa mga cockpit sequences ng Voltes team.

Isa pang tawag rito ng Voltes V: Legacy production ay “suka” machine dahil para raw nasa roller coaster ang feels kapag nakasakay ang limang miyembro doon.

Pagpapatuloy pa ni Raphael, “Challenging po siya lalo na po yung pag nakikipag-away po kami sa mga beast fighters, ang hirap pong mag-imagine, mag-visualize.

“Tapos, kunwari po nasasaktan kami, kunwari nakukuryente po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya yun po, memorable po yun.”

Kapag nakasakay siya sa sasaskyan niya pakiramdam raw ni Raphael ay nagpapalipad siya talaga ng aircraft.

“Opo, superhero,” ang bulalas ng batang aktor.

“At yung pangalawa po yung pagbuo ko po kay Octo-1, the sixth member of Voltes team.”

Si Octo-1 ay isang maliit na robot na pugita na sidekick ni Little Jon. Nakakalipad ito at nakapagsasalita na binosesan ng komedyanteng si Michael V.

Nagkita nga raw sina Raphael at Michael V sa ginanap na GMA Gala noong July 22, 2023 sa Marriott Hotel sa Pasay City.

“Kaya tuwing nagkikita po talaga kami ang tawagan namin, ‘Best friend!’

“Kaya kapag tinawag ko po siyang best friend tumitingin siya agad, alam niya na po na siya si Octo-1.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(L-R) Matt Lozano, Raphael Landicho and Radson Flores relive their memorable scenes while working on the set of GMA-7's top-rating sci-fi teleserye, Voltes V: Legacy.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results