Aminado si Jillian Ward na sa edad niyang 18 years old ay mayroon na siyang crushes, lalo na sa local showbiz.
Iyon nga lang, ayaw niyang banggitin kung sino sa mga ito ang may malaking impact sa kanya.
Pero ang inamin niyang "ultimate crush" niya ang actor-director na si Coco Martin.
Nangingiting panahayag ni Jillian, "Well, lahat naman po tayo ay may mga crush. Pero, hindi ko pa isi-share sa inyo.
"Ay, pero, lagi ko namang sinasabi na si Coco Martin.
"Pero more than crush kasi, nai-inspire ako sa kanya, Kasi, director siya, action star, magaling na artista. So, ayun.
"Pero yun lang po ang talagang isi-share ko sa inyo, at hindi ko isi-share yung talagang crush ko."
Read: Jillian Ward, desididong magkolehiyo; inaming si Coco Martin ang showbiz crush
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng ilang broadsheet editors si Jillian sa CSJDM Sports Complex, sa San Jose del Monte, Bulacan, noong September 1, 2023.
Isa ang Kapuso actress sa mga celebrity guest na naimbitahan para mag-perform sa 8th Tanglawan Festival sa nasabing siyudad na pinamamahalaan nina Mayor Arthur at Congresswoman Rida Robes.
JILLIAN WARD ON SUITORS
Sa patuloy naming kuwentuhan, inamin din ng tinaguriang "The New Teen Queen" na meron na ring gustong manligaw sa kanya pero hindi muna niya ito binibigyan ng pansin.
Aniya, "Sabi ko na nga po, maitatanong yan, e.
"Well, siyempre po hindi ko naman maitatanggi na merong mga nagpapa-cute, pero para sa akin po, nagpu-focus po ako sa work, and sa family ko.
"Kumbaga, darating naman po yun. Mas tatanda pa ako, kaya may time pa para dun.
"Pero sa ngayon po, kasi ako po sa sarili ko, gusto ko munang buuin yung [para sa] sarili ko, yung career ko. Para balang-araw pag in love ako, nagawa ko na po ang lahat ng gusto kong gawin."
Read: Jillian Ward not yet ready to fall in love: "Hindi po ako nagpapaligaw pa."
Tumatanggap na ba siya ng mga suitor?
Saad ni Jillian, "Actually po... ang daming... may nagpaparamdam, pero ako po yung parang, 'We're friends!'"
Mayroon ba siyang sinusunod na standard sa magiging boyfriend niya one of these days?
Sagot ng dalaga, "Ayoko muna po talagang...
"Well, para po sa akin, kung meron akong makakatuluyan balang araw, gusto kong maging kaibigan ko po muna siya. Hindi yung straight up na ligaw.
"Gusto ko muna na makilala ko siya, kaibigan ko siya, close ko talaga siya.
"Sa akin kasi, di importante yung sa pisikal, kung ano yung ginagawa niya. Para sa akin, basta mabait po siya.
"Mas iniisip ko kasi yung ugali ng tao. So dapat, kaibigan ko muna siya."
Hindi kaya pinagbabawalan siya ng kanyang parents kaya ganun?
Bago siya sumagot ay tumingin muna siya sa kanyang ina na kasama niya noong gabing iyon.
Sabi ni Jillian, "Tawa-tawa lang po siya, pero... Si Mama po kasi nakakatawa.
"Simula bata pa ako, sobrang istrikto ni Mama at ni Papa, and yung mga nasa paligid ko po.
"E, ngayon naman po, ako ang istrikto sa sarili ko.
"So, sila na po ang nagsasabi na, 'Okey lang na magka-crush, enjoy-in mo yung pagiging bata mo, pagiging dalaga mo.'
"E, ako na po mismo ang 'Mama, ayoko.' So, ayun, ako na ang mas istrikto sa sarili ko."
Pabirong sumigaw nga ang kanyang nanay na ten years pa raw bago payagan siyang magkaroon ng special someone.
Natatawang reaksiyon ng young actress, "Grabe naman, Mama! Twenty-eight na ako [by that time].
"Twenty-five daw po," pabirong sabi niya sa kanyang ina.
Hindi naman daw talaga nagmamadali si Jillian sa aspetong yun, lalo na't patuloy na gumaganda ang kanyang career, at patuloy pa ring tinatangkilik ang pinagbibidahan niyang afternoon drama series sa GMA-7, ang Abot Kamay Na Pangarap.
