PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jose Manalo, Wally Bayola Prank Show

"Yung natutunan namin sa Henyo Master Joey de Leon ay dala-dala namin..."
by Rose Garcia
Published Sep 4, 2023
Wow Mali: Doble Tama hosted by Jose Manalo and Wally Bayola
Wally Bayola on teamup with Jose Manalo: "Kami ay tinadhana na mananatiling magkasama na magbibigay saya at katatawanan. Eto yung forever hangga’t may sigla ang aming isip at katawan."

Nagsimula na noong Sabado ng gabi, August 26, 2023, ang pagbabalik ng isa sa mga kauna-unahang prank show sa bansa.

Hindi pa man laganap ang mga prank video content ng iba’t ibang online creators, nauna nang namayagpag ang Wow Mali, ang longest-running at multi-awarded prank show sa bansa.

Una itong kinagiliwan ng mga Filipino simula nang umere ito noong 1996.

Ngayon, mas doble ang katatawanan at kalokohan sa Wow Mali: Doble Tama. Mapapanood ito tuwing Sabado, 6:15 p.m. sa TV5 at 7:00 p.m. sa BuKo Channel. Co-produced ito ng APT Entertainment at Cignal TV.

Kung dati ay si Joey de Leon ang nagsilbing host ng programa sa mahabang panahon, ngayon ay ang kilalang comic duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola.

Sinagot naman nina Jose at Wally ang mga pinadala naming mga katanungan sa kanilang dalawa.

Inilarawan niya ang magiging kaibahan na mapapanood sa Wow Mali: Doble Tama.

Ayon kay Jose, "Yung natutunan namin sa Henyo Master Joey de Leon ay dala-dala namin sa programa kasama ng kanyang basbas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kaya ngayon naman na napagkatiwala sa amin para magbigay ng kabaliwan at kasiyahan sa manonood, kaya ito, doble."

Pero may inspirational aspect din ang show.

"May portion dito na may pararangalan kami sa mga taong gumagawa ng kabutihan sa kapwa.

"Sila yung mga tinatawag na unsung heroes na hindi napapansin, pero kahanga-hanga ang dedikasyon sa pamilya at lipunan.”

Dagdag ni Jose, “May katatawanan at kurot ang Wow Mali: Doble Tama.”

Sa totoong buhay, naranasan na nila ang ma-wow mali, pareho ang naging sagot nina Jose at Wally na hindi pa.

Basta ang sabi nila, "Ang alam lang namin, paghahandaan namin yan."

Sina Jose at Wally ay nasa pangangalaga na pareho ng kanilang bagong manager na si Joel Roslin.

Nakikita ba nila na hinding-hindi mabubuwag ang comic tandem nila?

Positibo ang ang naging tugon ni Wally rito.

Sabi ni Wally: "Kami ay tinadhana na mananatiling magkasama na magbibigay saya at katatawanan. Eto yung forever hangga’t may sigla ang aming isip at katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May kanya-kanya kaming style at lakas as an artist. Ginagamit namin yon sa pagkakataon na isa sa amin ay may project, at yung isa naman, mayroon din sa ibang programa.

"At masaya kami for each other kapag nabibigyan kami ng pagkakataon na mag-shine as individual.

"Pero at the end of the day, magkadugtong ang tabas ng aming dila sa pagpapatawa.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wally Bayola on teamup with Jose Manalo: "Kami ay tinadhana na mananatiling magkasama na magbibigay saya at katatawanan. Eto yung forever hangga’t may sigla ang aming isip at katawan."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results