Hindi nakalampas sa mapagmasid na netizens ang pagpu-post ni Mike Wuethrich ng mga larawan niya kasama si KC Concepcion, gayundin ang pagko-comment nito para sa dalaga.
Si Mike, isang Filipino-Swiss bank manager sa Switzerland, ang reported boyfriend ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Masaya ang supporters ni KC na nag-post na raw sa wakas si Mike kasama ang actress-businesswoman.
Una, ang IG post ni Mike ay short video clip ng collated photos at clips mula sa trip nila ni KC sa abroad. Ipinost ito ng Fil-Swiss noong nakaraang linggo.
Naging madalas din ang paramdam ni Mike na makikita sa recent Intagram posts ni KC.
Nang mag-post si KC ng promotion sa kanyang international indie movie na Asian Persuasion, nagkomento si Mike.
“Super proud of you,” sabi nito.

Nito ring weekend, nag-post si KC ng video na nagpapakita ng trip nila sa Switzerland. Nasa video rin si Mike.
“Nakaka-happy,” bahagi ng caption ni KC.
Kinapapalooban din ito ng Bible verse na Philippians 4:8: “Whatever is true, whatever is noble, whatever is right, whatever is pure, whatever is lovely, whatever is admirable - if anything is excellent or praiseworthy - think about such things.”
Nagkomento rin dito si Mike: “Beautiful …And whatever you have learned and received and heard and seen, put it into practise. Imitate Christ”

Nagre-react dito ang supporters ni KC at nagmemensahe rin sila kay Mike. Bukod sa pagpapahayag na boto sila kay Mike, may pakiusap pa silang alagaan sana niya si KC.


Kung ano’t ano man, ang malinaw ay isinasapubliko na nina KC at Mike ang kanilang magandang pagtitinginan.
Nauna nang mag-post ng mga larawan si KC kasama si Mike, bagamat recently lamang din ang mga ito.
Sa isang presscon noong August 25, bakas na maingat si KC sa pagkukuwento ukol sa kanyang buhay pag-ibig.
Nang tanungin ukol dito, sinabi niya, “Okay naman ang love life. It’s not really something na gusto kong ilabas nang todo-todo, kasi ever since yung first relationship ko, parang masyadong open book lahat.”
Nang matanong sa estado nila ni Mike, ang sagot ni KC ay “Getting to know.”
Read: KC Concepcion on love life: “Gusto kong malaman kung ano talaga ang intention sa akin.”
Recently ay lumutang din ang isang video na magkasama sina KC at Mike sa birthday celebration ng half-sister ni KC na si Savannah Concepcion.
Si Savannah ay anak ni Gabby sa kanyang current wife na si Genevieve Yatco Gonzales.
Makikita rin sa video na magkakasama sa isang table sina KC, Mike, at Gabby. Nangangahulugang nagkita na ang dalawang lalaking mahalaga sa buhay ni KC.
Read: Gabby Concepcion spotted with KC Concepcion, boyfriend Mike at daughter Savannah's birthday party
January 2023 nang magkaroon ng sightings kina KC at Mike para maintriga ang netizens ukol sa love life ni KC.
May mga post si KC pagdating ng February at March na nagpapahiwatig ng pagkakamabutihan nila ni Mike.
Read: KC Concepcion’s boyfriend Mike Wuethrich goes public with their relationship
