Anim na buwang buntis sa kanyang second baby si Aicelle Santos-Zambrano, ang isa sa world-class talents na magpapasiklab sa Anywhere We Sing Is Home: The CCP’s 54th Anniversary Gala.
Read: Aicelle Santos and Mark Zambrano welcome baby girl
Aawit din sa concert sina Joanna Ampil, Arman Ferrer, Gerald Santos, Sheila Francisco, Gab Pangilinan, at Reb Atadero, sa musical direction ni National Artist Ryan Cayabyab.
Itatanghal ito sa Setyembre 9, 2023, Sabado ng 8:00 p.m., at Setyembre 10, Linggo ng 3:00 p.m. sa Samsung Performing Arts Center sa Circuit Makati.
Kumusta ngayon si Aicelle?
Natawa ang singer sabay haplos sa sinapupunan, “E di eto, isang malaking bola!”
PERFORMING WHILE PREGNANT
Mahirap bang mag-rehearse at mag-show kung ganyan na kagampan siya?
Napabuntong-hininga si Aicelle, “Actually, we shall find out! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Di ba, you don’t get to sing at home naman na naka-full buga, di ba?
“So interesting din kung papaano ko ima-manage onstage. Kasi it’s different when you rehearse.
“I’ll try it sa technical rehearsal and with the orchestra rin.”
May singing engagements or performances na rin ba siya before habang preggy?
“May events akong napagkantahan, yung aming AOS sa GMA… kaya naman! Ha! Ha! Ha! Ha!” maigting muling halakhak ni Aicelle.
“Kaya naman! Kinakaya pa!”
After CCP’s 54th anniversary gala, hopefully ay kayanin pa rin daw niya pagpe-perform.
“May ilang events. Siyempre alaga. Kailangan, hinay-hinay lang. Ha! Ha! Ha!”
Paano ang routine niya? Paano niya pinaghahandaan on her own ang pagtatanghal ngayong nagdadalantao siya?
“Well, katulad ng gawa mo dati, siguro extra effort lang with the vocalization. That’s very important,” saad ni Aicelle.
“Kasi, pagka ganitong may laman na… yung kuha mo ng hangin, medyo may ihip na. So you have to know how to regulate it.”
Mas mahirap mag-prepare?
“Definitely may difference. Iba yung walang laman ang tiyan sa meron. Pero kaya. Kaya yan!” bulalas ni Aicelle.
“Yabang! Kakayanin, ‘no?! Naka-oo na ako! Ha! Ha! Ha!”
Ikina-excite din niya ang mga makakasama sa concert na ito?
“Also that, also that. And of course, sa tagal mo nang kumakanta sa entablado, nakaka-miss din naman,” pag-amin ni Aicelle.
“Kaya excited ako whenever I get the chance to perform on stage especially with friends.”
WORLD-CLASS TALENTS IN ONE CONCERT
Pawang world-class silang mga kakanta sa concert na ito. Magkakasapawan kaya sila?
Mabilis na tugon ni Aicelle, “Parang wala naman. Wala namang ganun. Kanya-kanya naman.
“Also when you’re assigned this note, and she’s assigned that note, e, di do your part.
“It doesn’t mean na nasa mataas siya, ikaw, e, nandun, hindi ka gumagawa. You’re both doing your parts, so…”
Excited si Aicelle sa pagkakalatag ng mga aawitin nila sa Anywhere We Sing Is Home: The CCP’s 54th Anniversary Gala. Iyong choice of songs…
“Magaganda, actually. Kahit ako, e, gusto kong maupo na lang at manood after ng number ko,” sambit ni Aicelle.
“Ang gaganda! Siyempre, sorpresa na yun!”
Challlenging kantahin? Worth it para sa 54th anniv ng CCP?
Napatango si Aicelle, “Yeah, yes, definitely. At siyempre yung mga tutuntong sa entablado at mag-i-interpret ng bawat song, mahuhusay talaga.”
Read: Aicelle Santos and Mark Zambrano: Right for each other at the right time

ON WORKING WITH JOANNA AMPIL AND NATIONAL ARTISTS
Nakatrabaho ni Aicelle si Joanna Ampil sa MMFF 2017 official entry na Ang Larawan.
“Dun ko unang na-meet si ate.”
Bising-busy raw noon si Joanna nang magkasama sila sa shooting.
“Kapag busy siya, nandito lang ako sa gilid, nakikipagkuwentuhan kay Cris Villonco,” natatawang sabi ni Aicelle.
“But she’s a pro, napakahusay talaga! Dun ko siya unang narinig in person. And in front of my face — nakita ko how good she was, and she is.
“And then I remember, she watched us sa UK, yung Miss Saigon namin. Pati yata sa Switzerland. She watched it, she watched it. Napanood niya, nakakatuwa.
“And then, yun na, we hang after nun.”
Isa si Aicelle sa mga nagbasa ng script ni Ricky Lee sa Cinemalaya 2022 sa CCP. This time, katrabaho naman niya si Maestro Ryan Cayabyab o Mr. C.
Kumusta kapag nakikipag-collab siya sa National Artist?
“Nakakakilig! Every time I see them, may starstruck factor pa rin,” pagsisiwalat ni Aicelle.
“Everytime nagkakaroon ako ng pagkakataon, I feel so honored and blessed. Always, always! Makasama sila at makatrabaho.”
THE MUSIC SCENE AFTER THE PANDEMIC
Malaki ang epekto ng COVID-19 sa mga industriya, pati na siyempre sa sining at kultura.
“Alam mo, coming from pandemic, marami naman talagang unti-unti pa ring bumabangon,” salaysay ni Aicelle.
“Hindi lang sa larangan ng industriya. Ramdam, ramdam namin yun sa events pa lang. Ramdam talaga namin sa events.
“So, yeah, hopefully babalik tayo sa dati. Pero ang nakakatuwa dito, we’re starting. Marami nang live theater shows.
“Unti-unti nang dumadami ang events. Unti-unti ring tataas yung TF [talent fee]. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Na-slash din ang TF niya?
Tumango si Aicelle, “Merong mga ganun. Kasi coming from the pandemic, most of the companies, nagtitipid talaga.
“Hindi sila para gumastos for, you know, their big events. They would you know allocate some dito, allocate… kasi, marami ring empleyado na nawalan ng trabaho.
“So those things, you will understand. Because you’ve been in the pandemic.”
Para sa Anywhere We Sing Is Home: The CCP’s 54th Anniversary Gala, naging question ba ang TF?
“No. CCP is love. Mahal namin ang CCP! Ha! Ha! Ha! Ha!”
Ang direktor ng 54th anniv concert ng Cultural Center of the Philippines ay si Floy Quintos, at tampok din dito ang Philippine Philharmonic Orchestra (PPO).
Guest conductor si Toma Cayabyab, at line producer si Noel Ferrer.
