Ipinakilala ang dating GT member na Krissha Viaje, 30, bilang bida ng Safe Skies, Archer, at katambal niya sa Viva One Original series si Jerome Ponce, 28.
Ang Safe Skies, Archer ay second installment pagkatapos ng The Rain in Espana, na bahagi ng "University" series at Wattpad original novel sa panulat ni Gwy Saludes.
Ginawan ito ng digital series version ng Viva One, na streaming site ng Viva Entertainment.
Read: Writer Gwy Saludes chronicles how campus life inspired her Wattpad series with 143M reads
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment reporters si Krissha pagkatapos ng mediacon sa Viva Cafe sa Quezon City noong September 4, 2023.
Bilang contract star ng Viva, tinanong din ng PEP.ph si Krissha kung payag siya sakaling bigyan siya ng offer na gumawa ng sexy o bold movies.
"Well, for Vivamax po kasi, it depends on the script," sagot ni Krissha.
"I have to look at the script first. Ayoko pong gumanap ng character na hindi ko po kayang gampanan.
"For Yana, I think, noong binasa ko po ang book, it’s such a beautiful story, not just about landi, meron po talagang story siya, meron pong development."
Siniguro ni Krissha na hindi basta sex scenes ang mapapanood sa kanila ni Jerome sa digital series.
"At mapapansin niyo po, at first, parang ang daming sex scenes ni Hiro.
"Pero mapapansin niyo po, habang tumatagal sila, yung relationship nila, mas nagkakaroon ng hiyaan. Hindi na masyadong nagse-sex kasi, nagkaka-feeling na sila.
"It’s a beautiful story. Grabe yung emotional, roller-coaster na na-feel ko noong binabasa ko ang movie. So, yun din po sana ang mapakita natin sa screen."
Sa isang banda, game naman daw si Krissha sa love scenes.
"Game po ako sa love scenes as long as I feel safe and nire-respect po yung restriction ko. Yun lang po.'"
Naging tapat naman daw siya sa Viva tungkol sa mga limitasyon niya.
Ayon pa kay Krissha, "Sa The Rain in España pa lang po, they we’re talking to me about my restrictions and game naman sila."
Natawa naman si Krissha nang tanungin namin siya kung bakit na-label siya na "hubadera" sa ibang articles tungkol sa kanya.
"Kasi po, hubadera fashion," paglilinaw ni Krissha.
Dagdag niya, "Parang may tawag po siya, like, mga crop tops, yung sexy, revealing outfit.
"Pero nang mag-GirlTrends po ako, don lang po ako natuto na mag-'hubadera' fashion.
"Mga suotan na sexy lang po."
Yung ma-label siya na sexy star, okay lang sa kanya?
Nakangiting sagot ni Krissha: "I don’t mind being labeled as sexy. Kasi, being sexy is being confident naman, not just how you style yourself naman.
"So, being sexy is being confident. You can be in any shape, but if you feel sexy, you can be confident."
Read: Heaven Peralejo, nagpautang ng halos PHP1 million sa ex-boyfriend
ON HEADLINING GWY SALUDES' SAFE SKIES, ARCHER
Inamin ni Krissha na nagduda siya sa sariling kakayanan nang malaman niyang siya ang napiling bumida sa Safe Skies, Archer.
"Mag-start pa lang po kami ng shoot. That’s why I asked for workshop po," lahad ng 30-year-old newbie star.
"Noong nag-start pa lang po kami sa The Rain in España, and noong binigay po sa akin ang description at nalaman ko na malaking-malaking project po talaga to, I accepted po.
"But then, noong nabasa ko po ang libro, nagulat talaga ko kasi, sobrang talagang, 'Totoo ba, youth-oriented siya?' Kasi, sobrang visual po. Kahit in words, maiisip mo ang mga nangyayari."
Ito ang unang big break ni Krissha kaya gusto raw niya na handa siya.
"Kasi, first of all, hindi ko alam kung kaya kong i-handle ang mga ganitong acting.
"Noong una nga po, hindi naman nag-back-out, pero sabi ko sa RM [Road Manager] ko, 'Ate, kaya ko ba to? Bakit ako? Kasi, I don’t see myself as Yana.'
"Katulad ng mga tao before na nagda-doubt sa akin.
"And then, mineeting po nila ko. They said, 'Sige, we will give you anything that you need to make you feel safe. Lahat, yung mga restrictions mo, ire-respect namin.'"
Ang suporta ng Viva management ang nagkumbinse raw kay Krissha na tanggapin ang proyekto.
"So, naisip ko, I’m getting old. I’m turning 31 this October. So I said, I think, I need something talaga na magkakaroon ng new chapter in my life.
"Kasi, yung personality ko, ganon talaga, I’m afraid to take risks. But now, kinuha ko na yung role."
Aware raw si Krissha sa mga namba-bash sa kanya at nagsasabing dapat hindi siya ang napiling gumanap sa karakter niya bilang si Yana.
"Sobrang dami po talagang bashers, hindi lang sa akin, sa buong cast po talaga.
"So, yun din ang naging unang bond namin. We’re in this together. May time rin na, 'Papatok ba to?' sa rami ng negative comments.
"Pero, ginawa namin yung parts namin. And yung pinaka-essence po ng character namin, naging loyal kami ron.
"Hands-on din po kasi ang writer, si Gwy, paano ba ang character namin? Yun lang din po siguro ang difference, may role rito si Gwy."
Ayon kay Krisha, alam daw niya na ang physical looks niya ang dahilan ng mga natatanggap na bashing.
"Sa akin po naman kasi, in the book, yung visuals ni Yana, she’s actually half-American. Maputi siya. May brown eyes siya. Tapos ano siya, mestiza.
"Parang nakita nila na, 'Ha? Yan yung Yana?!'
"Kaya nga sabi ko sa RM ko, 'Ate, hindi ako to.' Kasi, ang description sa book [malayo sa akin].
"Pero grabe yung pag-push nila sa akin, yung pag-motivate na, 'Kaya mo yan! Ikaw si Yana.' Kaya binago ko na ang mindset ko na, 'Ako si Yana.'
"And I’m very thankful din na marami ang nagmahal sa akin as Yana. I’m very grateful and honored ako. Nakikita na nila now na kaya kong maging Yana."
Kaya hindi naman daw siya nasaktan sa mga natanggap na pamba-bash sa kanya.
Natatawang sabi ni Krissha, "Actually, hindi naman po ako na-hurt noong sinabi nila sa akin na hindi bagay sa akin. Kasi, in the first place, gano’n din po ang sabi ko sa sarili ko.
"Kaya hindi po ako totally na-hurt. I understand where they coming from. Kasi, fan din ako halimbawa ng mga animé na ginagawang live adaptation, same rin sa akin.
"Kapag may nakita ko na hindi ko gusto, sasabihin ko rin. So, I understand where they coming [from]. Hindi po ako na-hurt.”
Read: Heaven Peralejo, nagpautang ng halos PHP1 million sa ex-boyfriend
ON BEING PAIRED WITH JEROME PONCE
Ang love team nina Marco Gallo at Heaven Peralejo ang nag-pioneer ng "University" series, at sinasabing mainit itong tinanggap ng mga manonood.
Sa Safe Skies, Archer, sina Krissha at Jerome ang magdadala ng show.
Kulang isang buwan pa lang daw ang lumipas nang unang malaman ni Krissha na si Jerome ang makakatambal niya sa programa.
Excited si Krissha sa kung paano ipapakita ang meet cute nila ni Jerome na gaganap bilang Hiro.
"Kasi sa The Rain in España, hindi pa siya pinapakita. Sobrang teaser lang, hindi ko pa nasabi ang name.
"Pero ngayon, may face na. Makikita na natin siya. Meron ng visual kung sino si Hiro and I’m very, very excited."
WHO IS KRISSHA VIAJE?
Hindi raw inaasahan ni Krissha na mapapasabak siya sa pag-arte dahil mas nalilinya raw siya sa pagkanta.
Naging contestant siya ng Little Big Star, ang defunct reality kiddie talent show sa ABS-CBN, noong 2006.
Taong 2015 nang mag-record at mag-release siya ng album sa Japan, matapos niyang maging contestant sa I Can Sing in Japanese! ng Nippon TV.
Hanggang sa magkaroon ng sariling album sa Japan, sa singing daw talaga siya higit sa acting.
"Nae-enjoy ko ang acting, but I didn’t see it as a passion before.
"But sometimes kasi, merong binibigay na hindi mo ginagamit because hindi ka don nakatingin.
"Si Boss Vic ang nagpa-realize sa akin non na, 'Mag-artista ka.'"
Ang tinukoy niyang "Boss Vic" ay si Vic del Rosario, ang big boss ng Viva Entertainment.
Patuloy ni Krissha: "And sa ngayon, tinanggap ko po yung challenge na yon, and ginagawa ko po ang best ko at mabigyan ko po ng justice ang lahat ng character na ibibigay sa akin."
Read: Rica Peralejo, ayaw maging "pakialamera"; Heaven Peralejo, nag-react sa pahayag ng tiyahin
ON HER FIRST TALENT FEE
Labing-dalawang taon gulang si Krissha nang magsimulang pasukin ang showbiz sa pamamagitan ng pagsali sa Little Big Star.
Tinanong ng PEP.ph kung naaalala pa niya kuno ano ang binili niya sa unang talent fee na natanggap niya matapos ang show.
"Alam ko po, meron akong binili, pero I think, it’s for my family. Pero, hindi ko na po maalala kung ano," sabi ng dalaga.
Magkano ang talent fee niya noon?
"Iba-iba po kasi, depende kapag nananalo. Parang pag nanalo ka, may PHP5,000, may PHP10,000.
"Pero lahat po kasi na yon, binibigay ko sa mommy ko. Siya po ang bahalang gumastos.
"Siyempre, bumibili po siya ng mga stuff na pwede kong gawin sa pag-perform."
At kung meron man daw na memorable na gamit siyang naalala na binili niya galing sa naging income niya, ito raw ang kanyang cellphone.
"Kasi lahat ng phone ko dati, mga touch screen na bigay lang ng Tatay ko before. iPhone, yun po ang binili ko,” nakangiting sabi ni Krissha.
Ngayong bida na siya sa serye, may mga iniisip na ba siyang gusto niyang mabili sa magiging talent fee niya bilang reward na rin niya sa sarili?
"Meron na po kasi akong hinuhulugan na house. Yun lang po ang dream ko, matapos ko na siyang bayaran.
"And hopefully, makahanap po ako ng property rito sa Quezon City or Pasig. Gusto ko yung mas malapit po talaga. Hopefully dumating tayo sa gano’ng talent fee."
