Ngayon lang nalaman ni Barbie Forteza na habang umeere ang Maria Clara At Ibarra noon ay naghahanap na ang GMA bosses ng next project na pagtatambalan nila ni David Licauco.
Kaya naman di nakapagtataka na pagbibidahan agad nina Barbie at David ang TV adaptation ng Maging Sino Ka Man.
Read:
Barbie Forteza, David Licauco explain viral hugging while sleeping photo
Barbie Forteza nag-react sa sinabi ni Sharon Cuneta tungkol sa BarDa
Ano ang naging reaksiyon nina Barbie at David tungkol sa suportang natanggap ng kanilang BarDa tandem mula sa GMA bosses?
"Ano ang reaksiyon namin? Siyempre, Diyos ko, tuwang-tuwa kami ni David kasi... ako personally, ngayon ko lang po nalaman na umeere pa lang ang Maria Clara At Ibarra, napansin kami ng mga bosses and they're already thinking of a new project.
“Na para sa amin bilang artista, sobrang fulfilling yun siyempre. And kami naman po, in return, gagawin naman po ang best namin para mapaganda rin ang seryeng ito," ang masayang bulalas ni Barbie sa face-to-face mediacon ng Maging Sino Ka Man, na ginanap sa Luxent Hotel noong August 31, 2023.
CHEMISTRY WITH DAVID IN maging sino ka man
Sa Maging Sino Ka Man, gaganap si Barbie bilang si Monique/Dino at si David bilang si Carding.
Base sa trailer na ipinalabas sa mismong mediacon, ang mala-aso't pusa na dynamics nila ni David sa Maria Clara At Ibarra ay nandoon pa rin.
Kumusta naman ang dynamics nila this time?
"I think ngayon nag-level-up na kami sa aso't pusa, medyo leon at tigre na kami! Papunta na kami dun, we're getting physical, yung action, I love it,” at tumawa ang Kapuso actress.
“In terms of chemistry, ever since lagi ko naman pong sinasabi na kahit naman po sa Maria Clara At Ibarra, hindi namin tinrabaho yung chemistry. Parang thankfully, fortunately, it naturally came out from the both of us.
“So dito sa Maging Sino Ka Man, it's more of like helping each other improve in terms of characterization. And siguro yung maiba talaga yung tingin sa amin, total transition of the characters from our previous project.
“Pero yung chemistry kasi, I feel like nagta-transcend lang onscreen, kung papaano talaga yung comfortability namin working together, feeling ko iyon lang din talaga yun."
Masasabing spontaneous na nag-click sa mga manonood ang tandem nila sa Maria Clara at Ibarra. Paano hinaharap ni Barbie ang expectations ng mga tao sa kanilang love team ngayon?
Sagot ng Kapuso actress, "Expectations... hindi naman po siguro mawawala yan, so I think we just take it as a good challenge para ma-meet yung expectations nila.
“And siguro mas challenging din kasi sa Maria Clara at Ibarra hindi kami masyadong... wala masyadong close contact, kasi nga di ba lumang panahon?
“Ngayon nakita niyo naman talagang nose-to-nose na kami, ganun ang level. So medyo mas physical na yung pagiging close namin.
“So I think even the romance, mas ma-i-intensify, mas maikukuwento namin nang maayos yung istorya namin. And also, hindi lang naman ito tungkol sa amin ni David, kita niyo naman powerhouse cast talaga, best of the best."
Read:
David Licauco, tumaas ang talent fee pagkatapos ng Maria Clara at Ibarra
Barbie Forteza, sawa nang sagutin kung nagseselos si Jak Roberto sa love team nila ni David Licauco
tv adaptation is deeper than the film
Samantala, inamin ni Barbie na sinadya niyang panoorin ang 1991 film na Maging Sino Ka Man, na pinagbidahan nina Sharon Cuneta at Robin Padilla. Ito ang pinaghanguan ng kanilang teleserye.
"Yes po, ako I intentionally watched the movie po, buti na lang meron sa YouTube nung full movie talaga.
“So napanood ko po and sobrang nakakatawa po ni Sir Robin and Sir Dennis [Padilla]. And siyempre ang presence ng ating Megastar, it was just a cherry on top in the film, ang ganda!
“Pati yung mga bata, kaya nung napanood ko po yung original film, lalo po akong na-excite na gawin ito. Kasi napanood ko yung original and now I understand why it's very iconic up till today."
Kahit na iconic ang naturang pelikula, para kay Barbie ay mas marami pang mai-o-offer ang TV adaptation at "napakalalim ng istorya."
Aniya, “Para sa akin, isa yun sa parang iniba ng teleserye version dun sa original film version. Talagang nilaliman namin, nilagyan namin ng layers, nilagyan namin ng character backgrounds lahat, para mas lumalim, para mas kapitan ng audience.
“So I'm very excited for everyone to see it."
Sa direksyon ni Enzo Williams, kasama rin sa Maging Sino Ka Man sina Juancho Triviño as Gilbert Arnaiz, Faith Da Silva as Cleo Ramirez, Mikoy Morales as Gordon a.k.a. Libag, at Rain Matienzo as Tetay.
Kasama rin sa cast sina E.R. Ejercito as Boss Frank, Jeric Raval as Alex, Jean Saburit as Shonda, Juan Rodrigo as Miguel, Antonio Aquitania as Jonas, at Jean Garcia as Belinda Salazar.
May special participation sa serye sina Al Tantay as Osmundo at Tonton Gutierrez as George.
Ang Maging Sino Ka Man ay eere Lunes hanggang Biyernes simula sa September 11, 2023, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad at 9:40 p.m. sa GTV.
Mapapanood rin ito ng mga Global Pinoys sa GMA Pinoy TV.
