PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yeng Constantino Clarifies No War with Star Music

Yeng Constantino: "Ayoko po mag-come off as ungrateful."
by Rachelle Siazon
Published Sep 8, 2023
Yeng Constantino
Yeng Constantino on her decision to take control over copyright of her music catalogue: "Itong trabaho namin is not forever. And what do I have to do in the present para ma-secure po ang aking retirement pagtanda? So, one of the ways, isa lang to sa mga steps na ginagawa ko at ginawa ko para ma-secure po ang future ko."
PHOTO/S: Rachelle Siazon

Nilinaw ni Yeng Constantino na walang halong kontrobersiya nang magpaalam siya sa Star Music na hingin ang copyright para sa kanyang music catalogue o collection of original compositions.

Ang Star Music, na record label arm ng ABS-CBN, ay record label ni Yeng mula nang manalo siya sa reality talent competition na Pinoy Dream Academy noong 2006.

"Sa case ko, I don't feel like... Wala akong parang point person na talagang subject talaga na nang-abuse sakin.

"Wala naman yun. Wala siyang ganun. It's just a matter of securing your future," salaysay ni Yeng sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Siniguro raw ni Yeng na tapos na ang kontrata niya sa Star Music bago siya nagpaalam maging independent artist at magkaroon ng sariling kontrol sa kanyang mga nilikhang kanta.

"And I'm just so blessed kasi yung family na nakasama ko sa music journey ko, Star Music, naintindihan nila.

"They understand kung saan ako nanggagaling, and we were able to find the middle ground bago ako ma-release, bago namin ma-finalize yung end ng contract, kung ano yung puwede namin gawin para sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"To, alam mo yun, matapos siya nang maganda, na walang hidwaan, walang bad blood.

"I'm just lucky, hindi lang lucky, so blessed na hindi siya naging war. Walang ganon, walang ganong nangyari."

Ibinahagi ni Yeng kung ano ang nag-udyok sa kanya sa career move na ito.

Saad niya, "Honestly, siyempre, 17 years na ako sa industry. And hindi naman tayo na bumabata.

"So, parang, as I'm getting older, and I think I have been like this simula pa man, I always think about the future.

"Itong trabaho namin is not forever.

"And what do I have to do in the present para ma-secure po ang aking retirement pagtanda?

"So, one of the ways, isa lang to sa mga steps na ginagawa ko at ginawa ko para ma-secure po ang future ko."

Bilang artist, naniniwala si Yeng na naging fair ang deal niya sa Star Music lalo pa't matigal ding naging bahay ito ng kanyang mga kanta.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ng 34-year-old singer: "I think, yung songs are investment as well.

"So parang, siyempre, since you belong to a recording label, talagang siyempre part of the contract, under their publishing.

"So, nung nakita ko na medyo na-serve niya na yung purpose niya, yung mga songs ko na-serve na nila yung terms nila sa contract.

"That's the time talaga, nakita ko yung mga songs ko could be, parang [may] possibility na parang siyang passive income for me."

Aminado si Yeng na hindi madali ang mag-initiate ng usapan pagdating sa usaping may kinalaman sa pera.

"Pilipino tayo, e. We're very shy when it comes to talking about money," ani Yeng.

Sabay diin niya, "It's not personal. It's not anything. It's just me being strategic, you know? I have to secure my future."

Ipinaliwanag din ni Yeng na sumusunod siya sa legal na proseso bilang respeto sa Star Music.

"Kasi yun yung pinakagusto namin i-avoid. Ayaw namin na mag-burn ng bridge.
Kasi part ako ng family, parang pangit naman kung may ganun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Gusto namin talaga na malinis, mapayapa. Tapos nakita namin na parang everything is clear.

"Yan, that's the time na ako mismo, personally, pumunta pa ako ng Star Music."

Naging emosyonal pa raw si Yeng sa meeting na iyon.

Diin niya, "Parang ayoko po mag-come off as ungrateful. It's more of a personal reason.

"Gusto ko lang po talaga na ano, na maging passive income ko yung mga songs ko.

"Katulad ng mga lodi kong sina Rey Valera."

Read: Yeng Constantino opens up about how she fixed marital issues with Yan Asuncion

ON RELEASING HER SONGS AGAIN

Ibinalita rin ni Yeng na plano niyang i-record uli ang mga pinasikat na sariling kanta sa ilalim ng album na may titulong Reimagined.

"Ito yung project ko ngayon. Finally, umuwi na yung mga songs ko sa akin.

"Ito yung unang limang kanta pa lang na ginawan ko ng bagong version. Pero, first volume pa lang to.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kasi nga, since medyo marami yung mga kanta. Gusto namin na gawin parang lima-lima or maybe sa next volume, six songs.

"Depende kung ano yung color ng bawat kanta.

"Like, for this first five, makikita niyo na medyo pareho yung tema niya. Very mellow.
Very solemn.

"Sa next one, ang pinaplano ko sana medyo yung mga lively songs ko naman."

Ilan sa mga isinulat na kanta ni Yeng ay ang "Hawak Kamay," "Salamat," at "Ikaw."

Read: Yeng Constantino on cancel culture: "I know how it feels to be scared and to be bashed."

SONGS YENG CONSTANTINO WROTE FOR OTHER ARTISTS

Marami rin siyang ginawang kanta para sa ibang artists, tulad ng "Kaibigan Mo" na pinasikat ni Sarah Geronimo at "At Ang Hirap" para kay Angeline Quinto.

Nang tanungin kung may panghihinayang ba siyang sana ay siya na lang ang kumanta ng hit songs na ginawa niya para sa ibang artist, agad sinabi ni Yeng na may mga kantang sadyang para sa iba.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Not to be too spiritual about it, like kayo writers kayo, portals lang tayo. Minsan may nasusulat tayo na, 'Ang ganda nun, ah!' Parang di galing sa akin yun, ah!

"Kasi, ano lang tayo... Alam niyo yung Big Magic na book? You feel it when the spirit of creativity, or 'spirit of genius' ang tawag nila kasi genius," tukoy ni Yeng sa librong Big Magic: Creative Living Beyond Fear na isinulat ni Elizabeth Gilbert.

Patuloy ni Yeng patungkol sa creativity ng isang artist: "You will feel it when it's coming from outside.

"So, minsan di rin tayo makayabang. 'Eto para sa album ko, binigay to me.'

"Minsan, may mga dumadaan sa brain natin, sa mouth natin, sa pag-write natin, pero alam mo para sa iba."

Ayon pa kay Yeng, mas marami pa siyang nasusulat na kanta ngayon sa baguhang P-pop group ng Cornerstone kaysa para sa sarili niyang album.

May composition din daw siyang ginawa para sa new album ng malapit na kaibigan niyang si Erik Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mas matapang lang ako ngayon na matanda na ako na magpakanta na kasi may edad na ako.

"Nung mas bata ako, hindi ako matapang na lumapit kasi introvert ako, e. Ngayon nga nacha-char-char ko na si Ms. Regine Velasquez. Dati di ko kaya."

Kung may lakas lang daw siya ng loob noong mas bata siya ay mas marami pa sana siyang na-offer na kanta para sa ibang kapwa musicians.

Read: Yeng Constantino reminisces about mom's death amid COVID struggle

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yeng Constantino on her decision to take control over copyright of her music catalogue: "Itong trabaho namin is not forever. And what do I have to do in the present para ma-secure po ang aking retirement pagtanda? So, one of the ways, isa lang to sa mga steps na ginagawa ko at ginawa ko para ma-secure po ang future ko."
PHOTO/S: Rachelle Siazon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results