Limang bayani ng sikat na Japanese animé noong '70s, ang binigyang buhay sa telebisyon nina Ysabel Ortega, Matt Lozano, Radson Flores, Raphael Landicho, at Miguel Tanfelix sa Pinoy adaptation ng Voltes V: Legacy.
Halos apat na taon nilang ginawa ang serye.
At ngayong magtatapos na ito, tinanong namin ang limang bida kung anong katangian ng mga karakter nila ang bibitbitin nila hanggang tunay na buhay.
Si Raphael ang pinakabata sa lima at gumanap bilang si Little John.
"Gusto ko na lang maging bata lagi… pagiging bata,” natawang sagot ni Raphael.
"O kaya po ano, siguro yung pagkatalino ni Little John. Na kahit bata pa siya, ang laki na ng naitulong niya sa Voltes team.”
Si Radson naman ang gumanap sa karakter ni Mark Gordon.
"Kung meron po kay Mark Gordon, pagiging masungit," biro ni Radson.
Sabi rin niya, “Kung meron man sigurong trait si Mark Gordon na magandang dalhin sa totoong buhay, yung very goal-oriented niya na tao.
"Kung ano man ang sinet niya na goal, yun ang gagawin niya talagang lahat para ma-achieve yon.”
Para kay Matt, ang pagiging family-oriented ni Big Bert ang tumatak sa kanya.
"Siguro para sa akin, dadalhin ko na habambuhay yung bigness ni Big Bert. Feeling ko, forever na siyang embedded sa puso ko at sa isipan ko.
"Very caring siya sa family, sa friends. And nakaka-proud na alam ko sa sarili na dadalhin ko siya sa sarili ko buong buhay ko because of this character."
Inamin naman ni Ysabel na likas siyang mahiyain, pero nag-level up siya dahil sa Voltes V.
"Sa akin po siguro, yung tapang ni Jamie at yung confidence niya,” lahad ni Ysabel.
"Kasi, kahit na—of course, yung work ko, kailangan maging people person ako. Kailangan confident ako.
"Pero, very mahiyain pa rin ako as a person and before I started Voltes V. So, kahit nasa set ako, hindi ako masyadong nagsasalita.
"Nahihiya pa rin akong lumapit sa mga taong hindi ko kilala. Pero, when I started playing Jamie, parang feeling ko, na-embody ko siya. Na-embody ko yung confidence niya, yung posture niya, yung tapang niya.
"Sana, patuloy ko siyang ma-carry kasi, sobrang nag-grow po talaga ko as a person, especially when you play a role for four years, magra-rub off talaga sa yo yung persona na yon. Sana tuloy-tuloy po."
Tulad ni Ysabel, kumpiyansa sa sarili rin ang natutunan ni Miguel.
"Kasi dati, nasa isang gilid lang ako. Nagsasalita lang ako kung tatanungin lang ako.
"Parang kumbaga, feeling ko hindi ko deserve na ipasa sa akin ang mikropono, parang ganon.
"Pero ngayong I played Steve Armstrong, parang nagkaroon ako ng kumpiyansa sa sarili ko."
Paliwanag pa ni Miguel: "Naniniwala naman ako na nandon naman siya, ever since. Kapag nagpi-play ka ng character, pinapalabas mo naman yong side of you na nakatago.
"Hindi ka naman nagpo-portray lang basta. So, sa pag-play ko ng Steve Armstrong ng apat na taon, feeling ko, na-adapt ko yung kumpiyansa sa sarili.
"And I wish na in the future, mas pagkatiwalaan ko ang sarili ko kapag may ibibigay sa akin na role, kapag may duties.
"Kailangan kong magkaroon ng tiwala sa sarili ko na kaya kong gawin ang mga bagay-bagay instead of dina-doubt ko yung sarili ko."
Read: Raphael Landicho, pinigilang umiyak sa last taping day ng 'Voltes V: Legacy'
ON FRIENDSHIP BEYOND VOLTES V: LEGACY
Hindi maikakaila na iba ang nabuong pagkakaibigan sa cast at production ng Voltes V: Legacy.
Nang mag-last taping day sila, lumabas ang larawan kung gaano kahigpit ang naging yakapan at iyakan nila sa set.
Nang tanungin sila kung gugustuhin pa rin ba nila magkasama pa rin sila sa mga susunod nilang proyekto, halos lahat sila ay positibo ang sagot.
"Definitely, I would like to work with these team again," sabi rin ng direktor na si Mark Reyes.
"It’s more than three years, I think, four years. I think, when we first saw each other. Especially si Little John, si Raphael, ganyan kaliit pa lang yan noon. Lumaki na sa amin si Raphael.
"Siyempre, yung bonding namin, it’s more than other shows that I’ve had. Siguro ang closest is Encantadia, which ran for two, three years. The original one.
“Who knows? Down the line, we’re not closing the doors of Voltes V. There might be a special project that we’ll all be together again."
At lahat sa limang cast, iisa rin ang wish, ang magkasama-sama pa rin silang lahat.
Para kay Miguel, "Siyempre, definitely gusto ko po silang makatrabaho ulit. Iba na ang relationship. Iba na ang rapport na nabuo naming lahat. So, hindi na mahirap magkapaan sa set.
"And yung relationship namin behind the camera, yun ang pinakatini-treasure ko. Yun ang masarap kasama sa taping, yung alam mong walang halong plastikan.
"So, kung ako ang tatanungin niyo, yes, dahil masaya ko kapag kasama ko sila.”
Gayundin ang pahayag ni Ysabel na open makatrabaho ang co-stars kahit sa panibagong project na iba naman ang kanilang roles.
Read: Ysabel Ortega ranks San Diego Comic-Con visit most memorable part of Voltes V: Legacy stint
SMOOTH-SAILING WORKING RELATIONSHIP
Ikinuwento pa ni Ysabel kung gaano kagaan katrabaho ang sina Miguel, Radson, Matt, at Raphael.
"Alam niyo po ba, in a span of four years, never po kaming nag-away-away, never po kaming nagpikunan.
"As in, palagi lang po kaming lahat na okay sa set. Suportahan po kami, good vibes, nagbibiruan. Never kaming nagkaroon ng tampuhan.
"Very professional po kaming lahat and very supportive of each other, that’s definitely someone that I want to work again and it’s all of them for me.
"So, excited din ako na someday, when the rest of Voltes V—hindi po natin alam kung magkakaroon, pero even if it’s a different role, excited po ako to see kung ano man po yung magiging project na yon na darating.”
Para kay Radson, sa kahit anong oras o panahon daw, piliin niya na makasamang muli ang mga ito.
"I share the same sentiments sa mga sinabi nila," sabi ni Radson.
"I’m very comfortable working with them and kumbaga, mas napapadali po ang trabaho ko kapag sila ang kasama. Kasi, very natural po ang friendship namin.
"Kasi, nag-click lang po talaga kami kasi, bukod sa halos magkaka-same age po kami, maliban kay Raphael... Pero si Raphael po kasi, ang saya rin po niyang kasama.
"Napapadali po ang work and basta sila po ang kaeksena ko, very comfortable po ako sa kanila."
Nagpatunay naman si Matt na nagtutulungan sila sa set.
Sabi ni Matt: "Sobrang grabe yung comfort na binibigay nila sa akin. Parang for me, walang kapantay yon. Kung paano ko mag-work sa set, yung mga shortcomings ko, nandiyan sila palagi to support me.
"Ako, kung puwede ko nga lang i-wish na wag na sanang matapos ‘tong Voltes V, sana every day may taping pa rin kami. Kung today may taping pa rin kami, gagawin ko po just to be with them.
"And with Direk Mark, napakasarap po sa pakiramdam na si Direk Mark ang first director na naramdaman ko na minahal ako at inalagaan ako."
Read: Matt Lozano, Radson Flores, Raphael Landicho relive memorable Voltes V: Legacy scenes
LIKE A FAMILY
At sa bunsong si Raphael, nakahanap daw siya ng bagong mga kapamilya sa kanyang co-stars.
"Ako po siyempre gusto ko. Kasi, ang laki na po ng friendship na nabuo nnamin at saka, kumportable na po ako kapag ka-eksena ko sila. Parang magaan na po. Sa production, sila Direk Mark, comfortable na po ako.
"At yung Voltes V team po, parang nadagdagan ang mga kapatid ko, yung mga kuya ko.
"At saka, si Ate Ysabel, parang nagkaroon po ako ng ate. Kaya gustung-gusto ko po na magkaroon ng reunion with them, comfortable na po ako.
"Binibigyan pa po nila ako ng mga advice. Kung ano ang mga dapat kong gawin. Kaya, yes."
