PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Facebook Romance Ends in Tragic Crime

Malagim ang ending sa love story nina Rhea Mae Tocmo at Simeon Gabutero Jr.
by Mavell Macaranas-Dojillo
Published Sep 10, 2023
mobile phone
A love story that started on Facebook led to the two people's first meeting, and ended in a crime of passion.
PHOTO/S: Priscilla Du Prez via Unsplash

Isang malagim na krimen ang gumimbal sa Cebu, at sinubaybayan ng mga Cebuano mula July hanggang August.

Tinawag itong “crime of passion” ng mga pulis.

Ang biktima ay pinatay ng kanyang kasintahan dahil sa selos at galit.

Noong July 17, 2023, natagpuan ang katawan ni Rhea Mae Tocmo, 19, sa gilid ng kalsada ng Sitio Mohon sa Barangay Tisa, Cebu City. Isinilid ito sa kahon saka inabandona sa kalye.

Nitong August 10, nagdeklara ang kapulisan ng “case solved” matapos maghain ng Affidavit of Confession ang boyfriend ni Tocmo na si Simeon Gabutero Jr., 22, sa harap ng Cebu City Prosecutor’s Office.

Nagkakilala ang dalawa sa pamamagitan ng Facebook, at naging magkasintahan noong December 5, 2022.

Nagkasundo silang magkita noong July 16, at ito ang naging una at huli nilang pagkikita.

Noong gabing iyon, sa boarding house ng lalaki sa Brgy. Guadalupe, naganap ang malagim na pangyayari.

Read: Killing of Mister CDO 2023 candidate "a crime of passion," says police; pastor denies involvement

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

DECLARED AS CRIME OF PASSION BY LABANGON POLICE

Base sa statement ni Labangon Police Station Chief Police Major Angelito Valleser, nalaman ni Gabutero na nakikipag-chat ang girlfriend sa iba pang mga lalaki gamit ang ibang accounts.

Si Tocmo ay taga-Davao Del Norte at napadpad lamang sa Cebu noong June 14.

Namasukan umano ang dalaga sa isang bar and restaurant sa Mandaue City, sa tulong ng kaibigan na pinangalanang Jewel Smith.

Nanuluyan sa isang boarding house sa Barangay Looc si Tocmo kasama si Smith.

Ang kuwento ni Gabutero, isang construction worker, kumikita lamang siya ng PHP400 kada araw at halos lahat ng ito ay ipinapadala niya sa girlfriend sa pag-aakalang nag-aaral ito sa Davao City.

Yun pala, isang buwan nang nasa Cebu ang dalaga, na inamin lamang ito sa boyfriend nito lang July 16.

Nagkausap ang magkasintahan at niyaya ni Gabutero si Tocmo na magkita sila sa boarding house ng una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag salaysay ng suspek, napansin niyang nakainom ang biktima. Mayroon din umano siyang nadiskubreng drug paraphernalia sa bag nito.

Inamin ng suspek sa kanyang affidavit na nagkaroon sila ng kumprontasyon ng biktima dahil sa selos.

Dagdag pa rito ang pagwaldas umano sa kanyang ipinapadalang pera sa biktima.

Sa sobrang galit ng suspek, nasakal niya ang dalaga, at napatay.

Bukod sa pag-amin ng suspek ay hawak din ng mga pulis ang DNA samples na nakuha mula sa mga kuko ng biktima na tugma sa nakuhang samples mula kay Gabutero.

Teorya ng mga pulis ay nanlaban at kinalmot ng biktima ang suspek nang sakalin siya.

Si Gabutero ay itinuring nang person of interest sa kaso ni Tocmo nung nadiskubre ang katawan ng huli sa loob ng kahon.

Siya kasi ang itinurong nagbenta ng smartphone ng biktima sa Carbon Public Market.

Nasakote ang suspek noong July 29 ng Guadalupe Police Station dahil sa pagdadala nito ng hindi lisensiyadong baril.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ngunit dahil person of interest si Gabutero, namukhaan at nakilala siya ng mga pulis.

Dito nagsimulang gumulong ang imbestigasyon sa kaso ni Tocmo.

Read: Spanish chef Daniel Sancho Bronchalo confesses to partner's murder

RHEA MAE’S FAMILY CRIES FOUL

Hindi masaya ang pamilya ng biktima sa salaysay ni Gabutero.

Ayon sa report ng cebudailynews.inquirer.net, humling sila na magkaroon ng parallel investigation sa naganap na krimen.

Sa isang Facebook post ng nakatatandang kapatid ng dalaga na si Grace Alad-ad, sinabi nitong, “The police investigation is adding insult to injury.”

Ang kabuuang post ni Grace na nasa wikang Bisaya, published as is: “Dili kami makadawat sa ilang investigation kay imbis nga tabangan kami sa pagkab-ot sa hustisya, daw sama pa man hinoon og dungagan pa ang among gibating kasubo. The police investigation is adding insult to our injury.”

(We cannot accept their investigation because instead of helping us reach justice, it seems that they added more to our sadness. The police investigation is adding insult to our injury.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi binanggit sa ulat kung bakit hindi kuntento ang pamilya sa imbestigasyon ng mga pulis.

Noong August 15, bumisita ang ama at mga kapatid ng biktima sa selda ni Gabutero.

Ang isang kapatid na babae ni Tocmo ay hinimatay, habang ang isa pang kapatid ay sumigaw ng: “Wa kay katungod! Dili ka ang Ginoo para mo patay sa among manghud.” (Wala kang karapatan! Hindi ka Diyos para wakasan ang buhay ng kapatid namin.)

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A love story that started on Facebook led to the two people's first meeting, and ended in a crime of passion.
PHOTO/S: Priscilla Du Prez via Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results