More good news, Filo Hallyu fans!
Magbabalik Pilipinas ang K-drama star na si Kim Seon Ho, kasama sina Moon Ga Young, Ahn Hyo Seop, at Kim Se Jeong para dumalo sa 2023 Asia Artist Awards (AAA) dito sa Pilipinas.
Read: Kim Seon Ho talks about his acting process; admits he goes undercover for some me-time
Sa ulat ng South Korean entertainment portal na Soompi nitong Lunes, September 11, 2023, kinumpirma nila ang partiaipasyon ng apat na K-drama stars sa awarding ceremony.
Sina Hyo Seop at Se Jeong ay nagkatambal sa Netflix series na Business Proposal (2022), habang sina Seon Ho at Ga Young naman ay nagkasama sa comedy-drama na Welcome to Waikiki 2 (2019).
Sa kauna-unahang pagkakataon ay sa Philippine Arena sa Bulacan gaganapin ang taunang Asia Artist Awards sa December 14.
Ang AAA ay ang Asian version ng Oscars at Grammy Awards kung saan kinikilala ang mga pinakamahuhusay sa larangan ng TV, film, at music.
Noong 2022, ginanap ang awards night sa Nippon Gaishi Hall sa Nagoya, Japan.
Samantala, bukod kina Kim Seon Ho, Moon Ga Young, Ahn Hyo Seop, at Kim Se Jeong, kumpirmado na ring dadalo sa awards night ang rookie groups na LE SSERAFIM, NMIXX, NewJeans, BOYNEXTDOOR, at ZEROBASEONE.
Sina Kang Daniel, Sung Han Bin ng ZEROBASEONE, at Jang Wonyoung ng IVE naman ang magsisilbing hosts ng 2023 Asia Artist Awards.
Read: Hwang In Youp returns to the Philippines; Kang Daniel to hold Manila concert
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang inilalabas na ibang detalye kung paano makakakuha o makakabili ng tickets para sa 2023 Asia Artist Awards, maliban sa anunsiyong sa November 12, 2023, magsisimula ang ticket selling.
