Hindi lubusang tanggap ng SexBomb Girls member na si Izzy Trazona-Aragon ang pagpasok sa mundo ng drag ng kanyang binatang anak na si Andrei Trazona.
Read: SexBomb Izzy Aragon's son Andrei Trazona joins drag as Sofia
Nalaman ng publiko na tutol si Izzy sa naging pasya ng anak matapos ibahagi ng dancer sa Facebook ang open letter niya para kay Andrei nitong nakaraang September 11, 2023.
Dito ay sinabi ni Izzy na mahal na mahal niya ang anak at hindi raw ito magbabago.
Minsan daw ay nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan ang mga magulang at kanilang mga anak, at normal lamang daw ito.
Alam daw ni Izzy na may nararamdamang sakit ang magkabilang panig. May kanya-kanyang dahilan din daw ang mga ito sa kanilang ipinaglalaban.
Inamin ni Izzy na, bilang anak, siya man ay nagkaroon din ng pakikipagtalo at hindi pagkakaunawaan sa kanyang mga magulang.
Mensahe ni Izzy sa kanyang post (published as is), “I miss you Drei, you’re always in my prayer.. everyday. I love you so much. And that will never be changed.
“Sometimes, parents & their children have disagreements and its normal. But I know both sides have that pain in their [heart emoji] and wishes that they will just simply agree w/ each other. Both have their own reason of what they are fighting for.
“I myself, experience being a daughter to my parents, I have a lot of things in mind to do, but my mom will keep on saying 'no'.
"Of course sadness & hatred is what I felt, and later did I know, that she is just protecting me. Back then all I see is her angry face, but now I realized that it is LOVE.
"I thought that mom doesn’t want me to be happy, but she is just concern that in the end of it all. I won’t get hurt w/ my decisions.
“Once you told me, ‘you’ll never know what I feel kasi you we’re never in my shoes’"
Kasunod nito ay inamin ni Izzy na hindi siya sang-ayon sa gender preference ng anak dahil labag daw ito sa kanilang paniniwala.
Ang nais lamang daw niya ay para sa kapakanan ng anak na naaayon sa nasusulat sa Bibliya.
Ito lamang daw ang maipapamana niya sa kanyang mga anak at wala nang iba, higit pa sa kayamanan at kasikatan.
Saad ni Izzy, “Yes, I agree, same with me, hindi mo parin naman nararanasan maging magulang. All I want is for your best.
"Im holding on with the TRUTH that is written in the bible, the word of God. The One who created us.
“Nandon kasi ako sa ending ng lahat ng ito, Heaven & earth will pass but my words will not pass away (Matt 24:35)
“So if my children, the 4 of them, will do something that is against the faith that I have in Christ, that will I disagree.
“I point them to Jesus because with that I will be secured with their future. The best I know I can give to my children, more than richness, fame and all.”
Sa huling bahagi ng kanyang post, iginiit ni Izzy, “Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you.
“Putting my hope on what Jesus did on the cross for me, paid the consequence of my sin. Instead of me paying it.
"Sin will bring me to eternal death, hell. But He saved me. By believing and surrendering my life to that truth.
“Sino ba naman magulang ang gustong mapahamak ang anak? When all your motive is to save them sa mas masakit na pwede nilang maranasan. Ang buhay na wala si Kristo.
“Andrei anak, I love you so much to not support you on things that will harm you. I am always here for you…your mama, mahal na mahal kita.”
Sa comments section ng post ni Izzy ay hati ang opinyon ng netizens.
Marami ang hindi makapaniwala na hindi tanggap ni Izzy ang sarili nitong anak:




May ilan ding mga sumang-ayon kay Izzy:

“I LIED IN AN INTERVIEW”
Makalipas ang ilang oras matapos i-post ni Izzy ang kanyang open letter, binasag na rin ni Andrei ang kanyang katahimikan sa pamamagitan ng isang “I LIED IN AN INTERVIEW” post.
Dito ay binawi ni Andrei ang kanyang nasabi sa isang introductory video na na-upload noong July 6, 2023, kung saan sinabi ng 21-year-old drag performer na suportado siya ng kanyang ina.
Pumasok si Andrei sa drag world sa pamamagitan ng "Bunganga Battle Royale" gamit ang pangalang Sofia.
Bahagi ng kanyang pahayag sa video, "Actually, surprisingly, super supportive niya when it comes to my craft.
"Kasi nga nakita niya na din na super nag-e-enjoy ako lalo na yung bumibili ako ng mga gamit, ganon."
Naalala pa raw niya na tinanong siya ng ina kung maaaring isang wig lamang ang gamitin niya matapos makitang meron siyang sangkatutak na wigs na iba’t ibang kulay.
Saad ni Andrei, "'Hindi puwede kasi fantasy ko ito, ganon. Kailangan iba-ibang kulay.' So, okay naman sa kanya. Lahat ng ginagawa ko as in, open siya.
"Wala siyang judgment kahit anumang pagpapa-sexy ko at ano, pagpapa-show off ko ng skin. Super support siya."
Sa Facebook post ni Andrei kagabi, September 12, 2023, inamin niyang kasinungalingan ang kanyang mga naging pahayag dahil mismong ang ina na niya ang nagsabing hindi nito suportado ang tinahak niyang landas.
Pahayag niya, “I LIED IN AN INTERVIEW… that she supports for what I am and for what I do just to protect her from any backlash but there's no point in protecting her because the truth came out straight from her...”
Bagamat mahal daw niya ang kanyang ina, hindi siya maaaring mabuhay sa kasinungalingan.
Siya lamang din daw ang sumusuporta sa sarili ng ilang taon na ngayon.
Napapagod na umano si Adrei sa ganitong mga usapan, lalo na ang tungkol sa pagiging bakla at ang pagda-drag.
Nais daw niyang tapusin na ang usapin at mamuhay sa kanyang katotohanan, at sana raw ay maging proud sa kanya ang ina balang araw.
Aniya, “As much as I love you, you know that I don't wanna live in a lie. I'm sustaining myself for years now and I am living responsibly honest.
“I'm tired of this conversation about me being gay and doing drag. I wanna end this argument by saying that "| wanna live my own truth and someday you will be proud of what I will become.
“I love you so much mom but this isn't healthy for me anymore. I hope someday you will understand how it feels to be in my shoes. I miss you but you're not bringing me any comfort and compassion I deserve.”
Sa comments section ay bumuhos ang suporta kay Andrei mula sa netizens:


