PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sharon Cuneta furious after basher called her "toxic"

Sharon: "WALA KAYONG ALAM SA PINAGDADAANAN NAMIN"
by Bernie V. Franco
Published Sep 14, 2023
sharon cuneta and kc concepcion
“Dunungdunungan kayo wala naman kayo nung pinalaki ko yan." Sharon Cuneta slams basher who criticized her. Based on Megastar's reply, Sharon seems to have reacted to a comment about her and daughter KC Concepcion.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram

Hindi nakapagtimpi si Megastar Sharon Cuneta sa mga nanghihimasok sa pinagdadaanan ng kanilang pamilya.

Partikular na sinagot ni Sharon ang isang basher na nag-iwan ng komento sa Instagram post ng actress-singer.

Halatang hindi nagustuhan ni Sharon ang komento dahil tinawag siyang “toxic” ng basher.

Deleted na ang komento ng basher, pero mababakas sa komento ni Sharon at supporters niyang hindi maganda ang komento.

Batay sa sagot ni Sharon, nagkomento ang basher tungkol sa relasyon ng Megastar sa kanyang mga anak, partikular kay KC Concepcion.

Read: Sharon Cuneta to daughter KC Concepcion: "Only those who truly love you will tell you what is true."

Ngayong Huwebes, September 14, 2023, ipinromote ni Sharon ang pelikula ni KC, ang Asian Persuasion.

Nagkaroon pa ng palitan ng mensahe ang mag-inang Sharon at KC sa comment section.

Pero sumingit ng komento ang basher na ikinainit ng ulo ni Sharon.

Reply ni Sharon (published as is): “kung ako ang kausap mo gamitin mo ang utak mo kung may konti pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"WALA KAYONG ALAM SA PINAGDADAANAN NAMIN ISA ISA.

“At sa tanang buhay ko WALA PANG TUMAWAG SA AKIN NA TOXIC KAHIT PA ANAK KO!”

Patuloy ni Sharon, “Dunungdunungan kayo wala naman kayo nung pinalaki ko yan.

“Ang KAPAL NG MUKHA NYO.”

Buwelta pa ng Megastar sa basher, “Magpasalamat kayo tahimik ako at mahal ko ang mga anak ko. Kundi baka iflush mo sarili mo dahil IKAW ang dapat sa imburnal. Bastos!”

sharon comment

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read:

May iba ring supporters ni Sharon na tinawag na “bastos” ang basher.

Samantala, bakas sa sagot ni Sharon na reaksiyon niya ito sa netizens na nagkokomento sa on-and-off relationship nila ni KC.

Bago ang komento ng basher, maraming netizens ang laging nagbibigay ng opinyon ukol sa relasyon nina Sharon at KC lalo na kapag may di pagkakaunawaan ang mag-ina.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Dunungdunungan kayo wala naman kayo nung pinalaki ko yan." Sharon Cuneta slams basher who criticized her. Based on Megastar's reply, Sharon seems to have reacted to a comment about her and daughter KC Concepcion.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results