Sa isang pambihirang pagkakataon, muling nagkrus ang landas ng ex-couple na sina Sharon Cuneta, 57, at Gabby Concepcion, 58.
Read: Sharon Cuneta tells all about marriage and breakup with Gabby Concepcion
Nagpang-abot ang dalawa sa mediacon na ginanap sa Glass Ballroom sa Okada Manila sa Parañaque City, nitong Biyernes ng hapon, September 15, 2023.
Ang mediacon ay para sa kanilang upcoming concert, ang Dear Heart, na gaganapin sa MOA Arena sa October 27.
Solong humarap sa mediacon si Gabby mula 1:05 p.m. hanggang 2:02 p.m.
Magpapaalam na sa media si Gabby nang inanunsiyo ang pagdating naman ni Sharon.
"Sinasabi ko na nga ba, e!" napangiting reaksiyon ni Gabby.
"Hello everybody!" masayang pagbati ni Sharon nang umakyat ito ng stage.
Mabilis na inalalayan ni Gabby si Sharon.
Ganadong bulalas pa ni Gabby: "Uy! First time ko mahahawakan kamay niya, o! First time! First time!"
Sabay kinuha rin ni Gabby ang inabot na bulaklak para kay Sharon.
Pabirong hirit ni Gabby, "Bago ang lahat, alam mo binili ko sa Quiapo ito kanina."
Natatawang sabi naman ni Sharon, "Thank you so much. Thank you sa ating producers."
Pinakilig ni Gabby ang members of the press na nasa event sa sumunod na gesture ng aktor.
Sabi ni Gabby kay Sharon: "Sabi ko sa kanila, pagkatapos ko dito, alis ako, para di tayo magkita. Puwede ba mag-hug bago tayo umalis?"
Nagpaunlak si Sharon at saka nag-hug ang dalawa.
Nang magpapaalam na si Gabby, humirit pa siya ng introduction spiel kay Sharon.
"Ladies and gentlemen, on stage, I give to you, Sharon...," sabi ni Gabby na nag-pause at sadyang binitin ang pagbanggit sa apelyido ng Megastar.
"Concepcion nung araw ito, e," maya-maya ay dugtong ni Gabby, na ang tinutukoy ay ang paggamit ni Sharon ng kanyang apelyido noong mag-asawa pa sila.
Natawa si Sharon at kunwa'y hahampasin ng bulaklak si Gabby.
Sabi ni Gabby, "Sharon na lang!"
Dito ay nagpaalam uli si Gabby sa press, "Maraming salamat po."
Sabay lumingon si Gabby kay Sharon at nagsabing, "I'll see you in the concert."
"I'll see you in the concert," nakangiting sang-ayon ni Sharon.
Hirit uli ni Gabby sa ex-wife: "Pa-kiss ulit!"
Tilian ang ilang press ng "more" habang pinanonood ang ex-couple.
Sagot ni Gabby, "One more... Sa lips naman."
Pero kambiyo uli ni Gabby, "Biro lang, biro lang po!"
Nagpaunlak pa ng photo-ops sina Sharon at Gabby bago tuluyang bumaba ng stage ang aktor.
Sinasabing wala raw sa planong magkasabay sila sa stage para sa mediacon, pero ginawa raw iyon out of love sa press na matagal nang kilala ng ex-couple.
Huling nagkrus ang landas nina Sharon at Gabby nang kantahin nila ang "Come What May" sa 12th Gabay Guro grand gathering na ginanap sa MOA Arena noong September 12, 2019.
Read: Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, natuloy ang reunion sa wakas
Sina Sharon at Gabby ay tatlong beses ikinasal, base sa special report ng YES! Magazine June 2008 issue.
Read: Gabby Concepcion posts hashtag "forgiveness" in photo with Sharon Cuneta
SHARON CUNETA AND GABBY CONCEPCION WERE MARRIED THRICE
Ang una nilang civil wedding ay ginanap noong June 23, 1984.
Ang ikalawang civil wedding nila ay noong September 10, 1984.
At ang ikatlong beses nilang pagpapakasal, via church wedding sa Manila Cathedral, ay noong September 23, 1984.
Mayroon silang isang anak, si KC Concepcion, na ngayon ay 38 taong gulang.
Watch the still-ongoing livestream of Gabby Concepcion and Sharon Cuneta's mediacon for Dear Heart here:
