Muling nagkrus ang landas ng dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion nitong September 15, 2023.
Nasorpresa ang press nang magpang-abot sila sa presscon para sa kanilang upcoming concert, ang Dear Heart The Concert, sa Okada Manila.
Ito ang unang pagkikita muli ng ex-couple pagkatapos nilang mag-perform sa 12th Gabay Guro Gathering noong September 2019.
Read: Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, nag-heart-to-heart talk bago mag-duet
Ikinagalak ito ng Sharon-Gabby fans na nananatiling loyal sa kanilang love team sa loob ng maraming taon.
“First time I saw him [Gabby] since Gabay Guro,” nakangiting sabi ni Sharon tungkol sa kanilang pagkikita sa presscon ng kanilang concert nitong Biyernes.
Sinabi rin ni Sharon na hindi na nasundan ang pagkikita nila ni Gabby sa Gabay Guro event noong 2019.
Pagbubunyag ng Megastar, “Kasi parang ano, okay na kami nung Gabay Guro, e.
“After that, parang, ‘Ano kayang nangyari? Bakit cold na naman siya?’
“’Ano nga bang nangyari? Ano na naman ang ginawa ko?’ Yung ganun.”
Inusisa si Sharon kung ano ang naramdaman niya sa muling pagkukrus ng landas nila ngayon ni Gabby.
“Wala lang, kasi we’re gonna do a show, e,” pakli ng Megastar.
“Matagal na akong prepared. Okay naman.
“I was very glad to see him.
“He’s still good-looking. He doesn’t look his age. Neither do I,” biro ni Sharon.
Sina Sharon at Gabby ay tatlong beses ikinasal, base sa special report ng YES! Magazine June 2008 issue.
Ang una nilang civil wedding ay ginanap noong June 23, 1984.
Ang ikalawang civil wedding nila ay noong September 10, 1984.
At ang ikatlong beses nilang pagpapakasal, via church wedding sa Manila Cathedral, ay noong September 23, 1984.
Mayroon silang isang anak, si KC Concepcion, na ngayon ay 38 taong gulang.
Pero noong 1987 ay nauwi sa hiwalayan ang kanilang pagsasama.
ON REUNITING WITH GABBY
Walang dudang isa sa mga pinakamatagumpay na love teams noong ‘80s ang tambalan nina Sharon at Gabby.
Simula nang maghiwalay sila, ang kanilang pagtatrabaho na magkasama ay mabibilang lang sa daliri.
Nakagawa sila ng commercial para sa isang fast-food chain brand noong 2018, nagkita sa Gabay Guro noong 2019.
At ngayon ay muli silang magsasama sa Dear Heart The Concert SM MOA Arena sa October 27, 2023.
Sa katunayan ay napaulat pa ang pagbabalik-tambalan nila sa pelikula, pero naudlot ito.
Pagbubunyag ni Sharon, ang pagkaudlot ng pagsasama nila sa trabaho ay mula sa kampo ni Gabby.
“Never on my part. It was always Gabby’s call," sabi ni Sharon.
“In fact, we had several meetings before with Star Cinema and then things didn’t work out. I was always ready.
“And if you’re going to ask kung magkakaroon kami ng movie after the concerts, I think it will all depend on the dynamic that we will experience while doing the concerts.
“Kung magiging okay lahat ang flow; kung magkakasundo kami…
“Kung walang problema, walang issues, walang hassle, walang stress, then there’s no reason for us not to.
“But at this point in our lives, parang mas imporante yung may peace na lang for the sake of our daughter [KC].”
Bagamat may kanya-kanya na silang buhay, nausisa si Sharon kung ano ang tingin niya kay Gabby na minsang naging parte ng kanyang buhay.
Sabi ng Megastar, “I will always be thankful that he is the father of my eldest daughter.
“I will always respect the good times that we shared, and I will always remember him fondly.”
Nang nasa planning stage pa raw ang kanilang concert, pinanood ni Sharon ang pelikula nila noon ni Gabby na Dear Heart (1981)
Doon kasi ang nagsimula ng kanilang espesyal na pagtitinginan.
Sabi ni Sharon, “The purity, the innocence… where we started…
“And in the end, I said, ‘Oh, my God. That is the boy I fell in love with. That version, that moment in time, who Gabby was, where he was during that time…”
