PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Drama Unfolds at Birthday Bash

“I can easily destroy you and anyone in days!”—Maimpluwensiyang Personality
by PEP team
Published Sep 16, 2023
blind item
Parang eksena sa pelikula ang paninigaw at pagbabanta ni Maimpluwensiyang Personality sa isang Fashion Personality at sa partner niyang Guwapong Lalaki sa isang bar sa BGC. Involved sa kuwento ang isang Sikat na Star.
PHOTO/S: PEP.ph

Parang eksena sa pelikula ang insidenteng nangyari sa birthday celebration ng Businesswoman na maraming celebrity guests.

Dalawa hanggang apat na bisita ng Businesswoman ang nadawit sa iskandalo sa mismong venue ng kanyang party na isang bar sa BGC.

Ang isang bisita ay si Maimpluwensiyang Personality at ang isa ay si Fashion Personality.

Kasama ni Maimpluwensiyang Personality ang Sikat na Star na ginagawa siyang sumbungan ng mga hinaing nito tungkol kay Fashion Personality.

Kasama naman ni Fashion Personality ang kanyang partner na si Guwapong Lalaki.

Um-attend silang lahat sa birthday party ng Businesswoman.

Nang magkatagpo sila roon, doon na nangyari ang talakan, away, at pagbabanta, ayon sa pinagtagning kuwento ng Three Guests sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph).

Pero ano nga ba ang mga kaganapan?

Dakong ika-9 ng gabi, nakita raw si Sikat na Star na lumapit at yumakap kay Guwapong Lalaki.

Alam ng ibang naroon ang history ng Sikat na Star at ng Guwapong Lalaki: dati silang magkaibigan na nagka-falling-out.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tila sa party pa lang sila nagkita-kitang muli mula nang nagkafalling-out. Nagpa-picture naman sila, pero kitang-kita raw na hindi masaya ang mukha ni Sikat na Star habang mahihinuhang awkward ang kilos ni Guwapong Lalaki.

Maya-maya, dala-dala si Guwapong Lalaki, nilapitan ni Sikat na Star ang confidante niyang si Maimpluwensiyang Personality na nasa kabilang dulo ng bar.

Di nagtagal ay dumating na rin sa umpukan si Fashion Personality, na partner naman ni Guwapong Lalaki.

Ito na ang hudyat ng komosyon.

Read: Award-winning actress, nakilala na ang tunay na ama after 60 years

Sabi ng First Guest sa PEP.ph, may narinig siyang nababasag na mga plato at baso. Nga lang, hindi na raw niya nakuhang alamin ang pangyayari dahil past midnight na't pauwi na siya.

May Second Guest namang nagsabi sa PEP.ph na wala siyang nakitang basagan ng plato o baso, pero nakatitiyak siya sa kanyang na-witness na sigawan.

At ang palitan nga raw ay mala-dialogue sa pelikula o teleserye. Ito raw ang exchange:

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Stop it, whatever you two are doing!

“I can easily destroy you and anyone in days!”

Nanggagalaiti raw na isinisigaw ito ni Maimpluwensiyang Personality kina Fashion Personality at Guwapong Lalaki.

Dagdag na linya pa raw ni Maimpluwensiyang Personality kay Fashion Personality: “Stop meaning any animosity against [Sikat na Star].”

Si Fashion Personality naman ay naringgan ng: “You cannot destroy me! You have nothing on me!”

Ayon pa rin sa Second Guest, mahaba-haba ang “talakan” na umabot ng halos isang oras.

Shocked na shocked daw ang Guwapong Lalaki.

Si Sikat na Star naman daw ay bigla na lang nakitang lumuhod sa harapan nina Fashion Personality at Guwapong Lalaki at mukhang nagso-sorry sa dalawa. Lungkot na lungkot daw ang mukha ni Sikat na Star.

Read: Sikat na star, na-confirm na naging fling ng ex-BF niyang dakilang aktor ang dalawang veteran actresses

Sa kabuuan daw ng halos isang oras, talak pa nang talak si Maimpluwensiyang Personality, na ayon pa rin sa Second Guest ay “50 percent lasing,” habang hindi rin daw tumitigil nang pagsagot si Fashion Personality kahit inaawat siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Marami raw ang nakasaksi, sabi ng Second Guest. “May mga nag-video pa,” sabi nito.

In-attempt daw pagbatiin ang mga lalaki. Pero sa tingin ng Second Guest, dahil labis-labis ang pagpapahiya at pagbabanta ni Maimpluwensiyang Personality sa Fashion Personality, at sa harap pa ng iba, ayaw na talagang makipag-ayos ng ininsultong Fashion Personality.

May Third Guest pang nagkuwento sa PEP.ph na, sa simula pa lang ng party, tila “high-strung” na si Maimpluwensiyang Personality, na usually ay quiet at pa-escort-escort lang sa Sikat na Star.

Katabi raw ni Maimpluwensiyang Personality ang Isang Assistant na nasa “frantic mood” habang may tinatawagan.

Narinig ng Third Guest si Maimpluwensiyang Personality na nagsabi ritong, “Magagalit na naman sa akin si [Sikat na Star].”

Bandang huli, namataan ng Third Guest sina Fashion Personality at Guwapong Lalaki na umiiwas na kina Maimpluwensiyang Personality at Sikat na Star.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Parang eksena sa pelikula ang paninigaw at pagbabanta ni Maimpluwensiyang Personality sa isang Fashion Personality at sa partner niyang Guwapong Lalaki sa isang bar sa BGC. Involved sa kuwento ang isang Sikat na Star.
PHOTO/S: PEP.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results