Sa wakas ay muling naimbitahan si Baron Geisler sa nalalapit na ABS-CBN Ball, a.k.a. Star Magic Ball.
Ipinost ni Baron sa Instagram ang kanyang electronic invitation at ang kanyang pag-confirm na dadalo siya. Ginawa niya ang post ngayong Sabado, September 16, 2023.
Ang ABS-CBN Ball ay ang annual formal gathering event na dinadaluhan ng ABS-CBN stars.
Sa caption, binanggit ni Baron ang dahilan kung bakit na-ban siya sa Kapamilya annual event nang higit sa isang dekada.
Bakas ang excitement ni Baron na sa wakas ay makakadalo siya sa pagtitipon ng Kapamilya stars.
Hindi lingid sa showbiz ang pagkakaroon noon ng drinking problem ni Baron.
Bungad ng aktor, “It has been more than a decade since I was invited to the #ABSCBNBALL due to my bad behaviour during the previous ones.
“Now, I am humbled and grateful that they welcome me back with open arms.
“Can't wait to thank the bosses personally and to have a wonderful time with my colleagues celebrating each ones achievements. #grateful #bestfootforward
“Thank you, Sir @deo_endrinal and Tita Cory Vidanes. @dreamscapeph @kapamilyakingdom #ABSCBN #Joy #GodIsGood”
Sa kanyang account sa Twitter (a.k.a. X), may tweets si Baron na nagpapahayag kung gaano ka-importante sa kanya ang imbitasyon.
Nangako pa siyang magpapakabait sa party.
Ani Baron, “Sobrang salamat! For His glory. Sober party for me so I may relish the moment at hindi ko talaga ito malilimutan. 14 years ban. Now okay na po. Thank you Lord!!!!”
Isa pang tweet niya: “This means so much to me. This invitation. I won’t mess it up.”


May nagpaalala ring netizen kay Baron na siguradong mamatyagan siya sa party, kaya sana raw ay mag-behave siya.
Paniniyak ni Baron (published as is), “I’m ready for this. Sober party for me bro and still will have a blast for sure.
“Sa taping nga saya namin sober kaya naman sa party pa and full support sila sa akin at napagusapan na bamin at uupakan daw ako ni drk andoy [Ranay] n Ms. Sylvia [Sanchez] lol”

Gaganapin ang Star Magic Ball sa darating sa September 30.
