PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

JM de Guzman on courting Donnalyn Bartolome

"Siyempre, pag may gusto kailangang ipaglaban."
by Melba R. Llanera
Published Sep 20, 2023
JM de Guzman still courting Donnalyn Bartolome
JM de Guzman on how Donnalyn Bartolome handles controversies: "Yun nga ang nakaka-proud sa kanya. Hindi siya nagpapaapekto, pinapalabas niya sa isang tenga. She learns from kung anuman ang ilatag sa kanya, ibangga sa kanya. Di rin ako masyadong nag-o-open up ng mga ganung bagay kasi sa kanya yun, pero nandun ako to lend an ear."

Kinumpirma ni JM de Guzman, 35, na patuloy ang panliligaw niya sa vlogger-actress na si Donnalyn Bartolome, 29.

"Okay naman. Nanliligaw pa rin. Siyempre, pag may gusto kailangang ipaglaban," nakangiting sagot ni JM tungkol sa pagtatangi niya kay Donnalyn.

Nagsimulang maugnay ang dalawa dahil sa video collabs nila noong September 2022 hanggang June 2023.

Read: Are JM de Guzman and Donnalyn Bartolome an item? Donnalyn speaks up

Nang magdiwang ng ika-34 kaarawan si JM noong September 2022 ay nag-organisa pa si Donnalyn ng surprise birthday party para sa aktor.

Mula noon ay naging bukas na ang Kapamilya actor sa paghanga niya para kay Donnalyn.

Read: JM de Guzman on Donnalyn Bartolome: "May gusto ako sa kanya."

Isang taon na rin ang lumipas mula nang maging magkaibigan sila. Hindi ba siya naiinip na hindi pa siya sinasagot ni Donnalyn?

Sagot ni JM, "Hindi, napapawi ang inip ko kapag nakikita ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

May pag-asa kaya siya sa puso ng dalaga?

"Sana may pag-asa," sambit niya.

Inilarawan ni JM ang mga katangiang nagustuhan niya kay Donnalyn.

"She's a very caring person, very sincere. Di ko alam, e, nai-inspire ako sa kanya," banggit ng aktor.

Maraming pagkakataong nakaranas ng pambabatikos si Donnalyn dahil sa ilang video content nito na hindi nagustuhan ng netizens.

Read: Donnalyn Bartolome defends herself after viral "back to work" statement; apologizes for wrong choice of words

Tinanong si JM kung paano niya pinapayapa ang loob ni Donnalyn sa mga pagkakataong iyon.

"Hindi niya masyado... Yun nga ang nakaka-proud sa kanya. Hindi siya nagpapaapekto, pinapalabas niya sa isang tenga.

"She learns from kung anuman ang ilatag sa kanya, ibangga sa kanya.

"Hindi rin ako masyadong nag-o-open up ng mga ganung bagay kasi sa kanya yun, pero nandun ako to lend an ear."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JM sa Urban Smile Dental Clinic 10th year anniversary at 36th birthday celebration ng owner ng clinic na si Dr. Ralph Figaroa delas Alas aka Dr. RFD.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ginanap ang event sa Seda Hotel sa Quezon City noong Lunes, September 18.

Nakasama si JM sa cast ng Kapamilya prime-time series na The Iron Heart.

Kasama rin siya sa upcoming serye ng ABS-CBN, ang Linlang, kung saan co-stars niya sina Maricel Soriano, Kim Chiu, at Paulo Avelino.

Nagbigay ng patikim si JM kung ano ang dapat abangan sa kanyang role sa Linlang.

"Shady ang character ko dun, medyo dark. Nae-enjoy ko in a way na medyo mas nagiging creative ako, mas nagiging free ako, kasi yung boundaries ko parang lumalalawak," ani JM.

Sabay pag-amin din niya, "Pero nakakapagod."

Sulit naman ang determinasyon ni JM na rumatsada sa pag-arte.

Kasama sa Top 10 movies ng Netflix Philippines ang pelikulang What If na pinagbibidahan nina JM at Alessandra de Rossi.

"Sobrang thankful and grateful ako dun na ako yung kinuha ni Alessandra for the role. Sobrang proud din ako sa movie," aniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ng aktor, "Si Alessandra, sobrang light, sobrang galing niya."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
JM de Guzman on how Donnalyn Bartolome handles controversies: "Yun nga ang nakaka-proud sa kanya. Hindi siya nagpapaapekto, pinapalabas niya sa isang tenga. She learns from kung anuman ang ilatag sa kanya, ibangga sa kanya. Di rin ako masyadong nag-o-open up ng mga ganung bagay kasi sa kanya yun, pero nandun ako to lend an ear."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results