Spotted na muling magkasama sa isang event ang basketbolistang si Ricci Rivero at ang rumored girlfriend nitong si Los Baños, Laguna councilor at Bb. Pilipinas Globe 2019 na si Leren Mae Bautista.
Parang nasa isang event ang dalawa sa Laguna.
@memememe.meow Photos of Leren Mae Bautista and Ricci Rivero, September 23,2023 at Los Baños Laguna. #ricci #riccirivero #leren #lerenmaebautista #lerenbautista #laguna #losbañoslaguna #bañamos #fyp #bagonglosbaños #fy ? original sound - ?????????2000s&2010s throwbacks?
Makikita ring tila namamasyal sina Ricci at Leren sa isang peryahan at game na game na nagpa-picture sa mga taong nais magkaroon ng larawan kasama sila.
Mapapansin ding magka-holding hands sina Ricci at Leren.
@memememe.meow Who are we to judge? credits to the rightful owner of this video. #ricci #riccirivero #leren #lerenmaebautista #lerenmae #losbaños #bagonglosbaños #losbañoslaguna #fyp ? original sound - Andrei King
Hindi ito ang unang beses na spotted na magkasama ang dalawa.
Noong August 2023, nakunan ng litrato ang dalawa na "palakad-lakad" sa UPLB Freedom Park sa Los Baños.
Namataan din silang naglalakad bandang UPCO doon pa rin sa Los Baños.
Bagamat naka-mask ang lalaki sa picture, natukoy ng informant ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na si Ricci ito nang magtanggal daw ito ng face mask.
Nakilala rin si Leren dahil pamilyar ang mga tao sa kanya sa hometown niya.
Tila nag-jogging ang dalawa base sa kanilang matching black sporty outfits.
Read: Ricci Rivero, Leren Mae Bautista spotted together at park in Laguna
May isa pang okasyon na namataang magkasama ang dalawa sa isang variety store base sa kumalat na larawan nila sa Twitter.
Nagsimulang maugnay sina Ricci at Leren nang dumalo sila sa isang outreach program sa Los Baños noong May 26, 2023.
Si Ricci ay kahihiwalay sa girlfriend of one year na si Andrea Brillantes noong first week of May.
Read: Ricci Rivero confirms breakup with Andrea Brillantes amid cheating allegations
Nadawit si Leren sa breakup ng couple, pero mariing itinanggi ng kampo ni Leren ang isyu.
Read: Former beauty queen Leren Mae Bautista, idinadawit sa Ricci Rivero-Andrea Brillantes breakup
Wala pang tuwirang pag-amin sina Ricci at Leren ukol sa totoong estado ng kanilang relasyon.
