PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Donny Pangilinan weighs in on pros and cons of online games

Johannes, Gold, Kaleb, and Igi Boy also share their thoughts on online games.
by Rose Garcia
Published Oct 18, 2023
Donny Pangilinan on GG
The cast of 'GG' or 'Good Game': Igi Boy Flores, Gold Aceron, Donny Pangilinan, Kaleb Ong, and Johannes Rissler.
PHOTO/S: Rose Garcia

Kasado na ang pelikulang GG na pagbibidahan ni Donny Pangilinan kunsaan ang tema ay esports o electronic sports.

Gamer si Donny sa pelikula, pero tutol dito ang ina niya na hindi nakikitaan ng magandang patutunguhan ang paglaan niya ng oras sa online games.

"Misunderstood" nga lang ba ang mga gamers lalo na sa kulturang Pinoy?

Ayon kay Donny, sa kanyang karanasan ay may pros and cons ang online games.

"Well, gano’n din actually sagot ko, good and bad. Dapat in moderation lang po.

"I also had that phase na medyo na-addict din ako sa ML [Mobile Legend] kaya kailangan hindi masyado,” natawang pag-amin ni Donny.

Dagdag niya: "Everything naman in life—tama sina Daddy at Mommy—you must have your limits.

"Pero, there are lots of good and bad side in esports in general. And we will showcase a lot of that in this movie."

GG cast: Igi Boy Flores, Gold Aceron, Maricel Laxa, Donny Pangilinan, Baron Geisler, Kaleb Ong, and Johannes Rissler

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ginanap na mediacon ng pelikula, kumpleto ang barkada ni Donny sa GG na sina Johannes Rissler, Gold Aceron, Kaleb Ong, at Igi Boy Flores.

Sinagot din ng mga ito ang tanong kung ano ang pros and cons ng paglalaro ng online games.

Ayon kay Johannes, "Kailangan lang pumasok ang education at limitation.

"Lahat naman ng bagay, masama naman kapag sumosobra. Balance lang, as long as may time ka pa sa family mo.

"Yung time sa game is other way to have fun, yun lang. Sa iba, ginagawang profession. So, depende lang sa inyo. Pero, limitation ang kailangan."

Si Johannes ay actor-model na naging kalahok sa Mister Supranational 2023.

Si Igi Boy, dating child star na nakilala sa Goin' Bulilit, ay aminadong naglalaro talaga siya ng online games.

"Para po sa akin, good," sagot niya tungkol sa online games.

"Video game as a whole can be used in a lot of different ways. Puwedeng maging educational, puwede rin formational.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayon, may video game na ginagamit siya as educational tool. Marami siyang naidudulot na maganda.

"Pero at the same time, gaya nga ng sabi ni Ms. Maricel [Laxa], kapag sumobra, walang moderation na nangyayari, do’n lang magiging masama.

"So, lahat naman ng sobra, masama, e. So, lahat gawin sa tamang paraan.

Nagbigay ng tips si Igi kung paano makontrol ang paglalaro ng online fans,

"And siyempre, ako, bilang gamer, alam ko naman talaga at nama-manage ko rin naman ang profession ko, yung paglalaro, and yung family time, and quality time with my friends.

"So, time management lang din talaga ang kailangan.

" At alam ko naman na maraming relationship ang nabubuo sa isang video game community. Nagkakaroon ng parang social relationship.

"Pero, always remember na importante pa rin ang mga tao sa paligid mo.

"Puwede mong kitain ang mga taong nami-meet mo sa gaming community, pero, importante pa rin ang mga taong sumusuporta sa paligid mo na physical."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naniniwala naman ang Cinema One Originals Best Actor na si Gold na sa tamang paggamit, positibo ang puwedeng maging epekto ng online games.

"Simple lang, kung good, pwede mo siyang magamit sa profession mo. Pwede mo siyang magamit sa school.

"Kapag bad naman po, depende yan. Puwede ka kasing ma-addict. Addict ka na sa computer, so, hindi na siya balanse.

"And, tulad nga ng sinabi nila, masama po ang hindi balanse. Time management lang po talaga.”

Si Kaleb, na actor-Tiktoker, ito naman ang opinyon: "Ang paglalaro, outlet sa stress. Pero yun nga lang, kapag nasosobrahan ka, nagiging cause rin ng stress. Lalo na kapag natatalo, di ba?

"As a gamer, minsan, nasisigawan ko ang kalaro ko kapag natatalo ko. So, [kailangan ng] balance talaga."

Base sa pag-aaral ng Newzoo Global Games Market Report, ngayong 2023 lamang ay may humigit-kumulang 3.09 billion active video gamers worldwide.

Sa hiwalay na datos ng YCPS Marketing & Communication Group, sa Pilipinas ay mayroong 43 million gamers o nasa 43% ng populasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang GG ay mula sa Mediaworks Inc., Cignal Entertainment, at Create Cinema.

Read Next
Read More Stories About
donny pangilinan
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The cast of 'GG' or 'Good Game': Igi Boy Flores, Gold Aceron, Donny Pangilinan, Kaleb Ong, and Johannes Rissler.
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results