Inilabas na ng Office for Transportation Security (OTS) ang resulta ng imbestigasyon ukol sa female security screening officer na nakunan sa CCTV na kinain ang diumano'y nawawalang pera ng isang pasahero.
"Guilty" ang resulta.
September 8, 2023 nang magreklamo ang isang Chinese passenger sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Nakita raw niyang bukas ang kanyang pitaka at nawawala ang kanyang $300 o PHP17,000.
Sapul naman ang nag-inspect na female screening officer sa CCTV, na tumalikod at pagkatapos ay may isinubo at nilunok.
Nagsumite pa ng affidavit ang screening officer at sinabing chocolate daw ang kanyang isinubo.
Read:
- NAIA screening officer denies she swallowed $300; says it was chocolate
- NAIA screening officer caught stuffing $300 inside mouth
“Ang sinasabi doon sa imbestigasyon ay guilty na pera,” ani Department of Transportation Secretary Jaime Bautista sa ulat ng GMA Integrated News.
“Although ang sinasabi nga nung babae, chocolate daw. Meron siyang affidavit, e.
“Pero yung nakita ng mga imbestigador ay guilty siya talaga.”
Bukod sa babaeng screening officer ay may tatlo pang personnel ang itinuturong kasabwat sa insidente.
Anang DoTR secretary, “Apat kasi yung nakita natin dito. Yung nakita talaga na may mga ginagawa doon sa CCTV.
“But siguro pag nagkaroon ng criminal investigation ay lalabas pa kung mayroon pang other people involved.”
Ang apat na OTS personnel na ito ay suspendido na. Hindi naman isiniwalat ang kanilang mga identity.
Read: "Most Handsome Police Officer" sa venue ng 19th Asian Games, pinagpipiyestahan
WHAT’S NEXT AFTER THE INVESTIGATION
Bukod sa suspensiyon sa apat na tauhan ng OTS, posible ring matanggal sila sa serbisyo matapos ang due process.
Sinabi rin ni Bautista na hihigpitan ng OTS ang ang pagsala sa mga applicants.
Magkakaroon din ng retraining ang mga current OTS employees.
Kinumpirma rin ni Bautista ang pagbibitiw ni OTS Administrator Ma.O Aplasca sa kanyang tungkulin.
Ito ay matapos mag-isyu ng ultimatum si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagbibitiw ni Aplasca kaugnay ng mga sunud-sunod na reklamo ng pagnanakaw sa NAIA.
Nagbabala si Romualdez na haharangin niya ang proposed budget sa OTS kapag hindi nagbitiw si Aplasca.
Nakausap ni Bautista si Aplasca, na malungkot sa kanyang pagbibitaw subalit may pagkukulang talaga ang kanilang ahensiya.
Sinabi rin daw ni Aplasca na ang karamihan sa mga problema ay minana nila mula sa mga nakalipas na tagapamuno ng OTS.
Sa interview naman ni Aplasca s sa DZBB, aniya, “Hindi naman po kasi maganda na iho-hostage yung budget ng buong dapartamento dahil sa akin.
“Sino ba naman si Usec. Aplasca? Maliit na tao lang po ako na nagtatrabaho sa gobyerno.”
Hindi pa raw tinatanggap ni President Bongbong Marcos ang resignation ni Aplasca.
Magsisilbi raw munang officer in charge ng OTS si Deputy Administrator at Assistant Secretary Jose Briones Jr.
