Naglabas si Toni Fowler ng kanyang official statement kaugnay ng kasong kriminal na isinampa sa kanya ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI).
Ang pahayag ay ini-upload ng social media influencer sa kanyang mga social media accounts nitong September 30, 2023.
Ayon kay Toni, isinampa ng KSMBPI ang kaso laban sa kanya noong September 27 dahil sa diumano ay paglabag niya sa Cybercrime Prevention Act of 2012 dahil sa tema ng kanyang kantang "MPL."
Read: Hits and misses in Toni Fowler's viral music videos

Pinaratangan umano siya ng kapisanan sa isang media interview na kabastusan ang kanyang kanta.
Sa kanyang pahayag ay pinabulaanan ni Toni ang paratang ng kapisanan.

Naririto ang kabuuang nilalaman ng kanyang pahayag, published as is:
“Noong Miyerkules, opisyal na isinampa ng KSMBPI ang kaso laban sa akin dahil daw sa paglabag ko sa Cybercrime Prevention Act of 2012. Ayon sa kanila, nilabag ko ang batas dahil sa tema ng aking kantang MPL, kasama ang mga napanood nila sa music video nito. Ayon din sa kanilang media interview, kab*stusan ang kanta pati na rin ang mga “s3x organs” na ipinakita ko daw sa music video.
“Para sa KSMBPI, nais kong punahin at sagutin ang kasinungalingan ninyo sa media.
“Una, Hindi ako nagpakita ng s3x organs kung hindi s3x toys, linawin po ninyo iyan. Hindi ko kayo masisisi kung epekto na ng inyong katandaan ang pagkakaroon ng malabong mata, pero huwag po tayong magsisinungaling lalo na’t krimiinal ang ikinakaso ninyo laban sa akin. Hindi din ho magandang halimbawa sa mga bata ang pagsisinungaling.”
Read: Toni Fowler buys her first Louis Vuitton bag
TONI, MALAYA UMANONG ARIIN ANG KANYANG SARILI
Pagpapatuloy ni Toni, “Ikalawa, gaya ng kalayaan ninyong tawagin akong b@stos, m@laswa, at hindi magandang halimbawa tulad ng aking kanta, may kalayaan din akong ariin ang aking sarili.
“Kasama dito ang pag-aari ko sa aking katawan, sa aking pagkababae, at higit sa lahat ang pag-aari ko sa nais kong gawin, sabihin, kantahin, o sayawin dahil hindi nito binabawasan o inaapakan ang karapatan ng ibang tao.
“Hindi ninyo pag-aari ang mga ito. Katawan ko, kwento ko, lib*g ko, opinyon ko, at pagkakababae ko - akin ito at hindi sa inyo.”
Read: Toni Fowler highlights natural beauty in latest Facebook profile picture
HINDI SIYA DAPAT PAGBAWALAN
Paliwanag pa ni Toni, “Ikatlo, wala kayong puwang para sabihan at pagbawalan ako. Hindi ninyo lugar ang pagbawalan ang mga babaeng gaya ko —gaya ng pagbabawal ninyo sa aming kilos, pananamit, pati na rin sa pakikipag-usap.
“Hindi kayo ang karapat-dapat na manguna sa pagpuna lalo na sa mga usaping s3xual naming kababaihan dahil unang-una, hindi ito bawal at hindi kayo babae.
Read: Karen Davila gamely answers dirty questions of vlogger Toni Fowler

“Bahagi ng bawat tao ang lib*g, at bahagi ng ating karanasan ang pakikipag-talik at pag-gamit ng s3x toys.
“Hindi ko na kasalanan kung hindi ninyo ito naranasan o nararanasan dahil hindi ko pipigilan ang aking sarili para lamang sa mga gaya ninyo.
“At kung sakali man dumating ang araw na ipakita ko ang ari ko o kahit ano mang sensitibong bahagi ng katawan ko sa pelikula man o music video, wala kayong pakielam dahil tulad ng MPL, hindi ko pinilit ipanood sa inyo ang mga ito.”
Read: Marco Gumabao reacts to American singer David DiMuzio’s post about Cristine Reyes
MGA NAGKAKASO, DAPAT MAG-RESEARCH
Pagbibigay-diin ni Toni, “Ikaapat, kung nagawa natin magsampa ng kaso, sana ay nagawa din natin mag research nang maigi dahil may BTS Vlog ang MV ng MPL at doon namin pinakita na pinalitan ng juice ang tequila at wala akong pinainom na alak sa kahit sino pa man sa aking mga nakasama.
“’Daya’” ho ang tawag dito ng mga filmmakers. For artistic purposes ang eksena hindi dahil sa gusto naming i-promote ang pag-inom ng tequila kung hindi reyalidad ito.
“Hindi naman bawal ipakita sa pelikula o TV ang mga bawal sa batas dahil kung ganon, bakit maraming eksena ng p@tayan ang naeere sa prime time, hindi ba?
“Nakakatawang isipin na tila ba hindi nag-e-exist ang salitang ‘props’ o ‘daya’ na ang isang eksena ng inuman ay kailangan alak talaga ang ipainom para ipaliwanag ko pa ito ngayon.
“Hindi naman ako ang kauna-unahang gumawa ng ganitong eksena sa balat ng pelikula o telebisyon, pero bakit parang kasalanan ko?”
Read: How tall are Pinay beauty queens and top-5 placers at Miss Universe pageants?
HANDANG HARAPIN ANG KASO
Katwiran pa ni Toni, “Panglima, walang minor na gumawa ng s3xual na eksena.
“Kung tutuuisin eh ano bang pinagkaiba nun sa mga teenage actors and actresses na gumagawa ng mga s3xual na eksena sa TV tulad ng mga panghahal@y sa mga drama?
“Ano ho ba ang pinagkaiba nito sa mga child actors na parte ng isang R-18 na pelikula?
“Isa pa, hindi na dapat natin sine-censor ang usaping sekswal sa mga kabataan dahil bahagi ito ng ating katawan at karanasan.

Read: Lotto winner noong 2014, makukuha na sa wakas ang premyong PHP12M
“Hindi dapat nakakaramdam ng pandidirii at pagkahiya ang kahit na sino pa pag pinag-uusapan, napapanood, o naririnig ang sekswal na parte ng ating katawan o ang mismong ideya ng pakikipagt@lik dahil mas itinutulak nito ang karamihan para maging bukas at matapang sa iba pang usaping konektado dito tulad ng panghahal@y, hindi planadong pagbubuntis, at iba pang bagay na kadalasang kaming mga kababaihan ang nakakaranas.
“Sa huli, gusto kong sabihin sa inyo na matapang kong haharapin ang mga kasong inihain ninyo laban sa akin dahil kahit na ano pa ang itawag ninyo sa akin, taas noo ko itong haharapin at sasabihing ako’y tahimik lang sa umpisa, pero marunong akong lumaban kahit di ninyo ako pilitin.”
Read: Miss Universe Zimbabwe 2023 pageant draws flak for crowning white woman
