“Main launch” na nga ba ng relasyon nina Coco Martin at Julia Montes ang pagdalo nila sa ABS-CBN Ball 2023?
Sabay kasing lumakad sa red carpet ang dalawa at magka-holding hands pa.
Tila hindi mapaghihiwalay ang dalawa habang lumakad sa red carpet ng ball na kasalukuyang ginaganap sa Makati Shangri-La ngayong gabi, September 30, 2023.

Watch: Coco Martin and Julia Montes addressing their relationship status through the years
Sa interview ng TV Patrol Star Patroller na si Gretchen Fullido, kinumusta niya ang dalawa.
Saad ni Julia, “We’re good and very happy kasi ito, nagsama-sama po ulit tayo ngayon. Kasi after a long time, di ba, parang bibihira na mangyayari to. And tamang-tama talaga yung tagline natin ngayong gabi na #ForeverGrateful."
Read: Coco Martin and Julia Montes reel-to-real romance: A timeline
Pabiro namang tinanong ni Gretchen si Coco kung main launch na ba ng relasyon nila ni Julia ang pagdalo sa ABS-CBN Ball 2023.
Ani Gretchen, “So ito na ba ang main launch, dati kasi may soft launch? Ito na ba ang main launch natin sa red carpet ng ABS-CBN Ball?"
Halakhak lamang ang sagot ni Coco pati ni Julia sa tanong ni Gretchen.
Read: Coco Martin accidentally confirms 12-year relationship with Julia Montes
Kahit hayag na sa publiko ang relasyon ng dalawa, tila nais pa ring panatilihin nina Coco at Julia na pribado ang mga detalye ng kanilang relasyon, na umusbong noong 2011.
Read: Julia Montes continues to keep relationship with Coco Martin private
