PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Will Dingdong Dantes allow daughter Zia to play on Family Feud?

Dingdong Dantes kilig over good feedback from Mr. M.
Published Oct 2, 2023
Dingdong Dantes on Family Feud
Dingdong Dantes on making time for his two kids amid his hectic schedule: "Siyempre meron, may mga time talaga na nagkukulang sa oras. Kaya naman, especially kapag Linggo, nakatutok talaga sa kanila. Minsan nga, kahit na late umuwi from a shoot, kinaumagahan, maghahatid pa rin sa school. Yun talaga ang time ko with them."
PHOTO/S: Rose Garcia

Ngayong Lunes, October 2, 2023 ang pagbabalik ng itinuturing na isa sa pinakamasaya at matagumpay na game show sa bansa, ang Family Feud sa GMA-7.

Humarap si Dingdong Dantes sa entertainment press, at hindi nito itinago ang excitement na muling eere ang programa matapos ang sandaling season break.

"Sa akin, itong Family Feud, ito talaga ang nagbigay ng—ayoko namang sabihing tuldok—pero, para sa akin, sense of fulfilment as a host.

"It’s one of the longest running show na nagawa ko. Usually kasi, ang isang programa will last for a season, tapos papalitan ng iba.

"Pero, ito kasi yung nagtuluy-tuloy ng ganito kahaba," bungad ni Dingdong.

Isa sa mga bagong aabangan sa Family Feud ay maaari nang sumali ang mga batang contestants na.

Dahil base sa survey ang mga tamang sagot sa show, mga bata rin ang respondents para sa kiddie episodes.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung papayagan ni Dingdong na umali ang anak nila ni Marian Rivera na si Zia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Dapat manood muna siya. For sure, manonood siya," nakangiting sagot ni Dingdong.

Hindi kaya siya ang mas kabado kapag ang anak na ang lumaban?

Natawang saad niya, "Sigurado yan, sigurado yan.

"Nando’n na rin siya sa stage na alam na rin niya ang gusto niya at saka ayaw niya. Pero siyempre, nando’n kami to guide her always.

"Halimbawa, tatanungin namin siya, 'Gusto mo bang gawin?' 'No.' 'Gusto mo ba?' 'Yes.'"

Bilang host, trabaho ni Dingdong na i-facilitate ang game mula simula hanggang dulo ng kada episode.

Dito ay naipapamalas niya ang galing sa pakikipaghuntahan niya sa contestants.

Aminado siya na may pagkakataong talagang gusto niyang manalo ang mga contestants.

"Oo nga, medyo obvious minsan ‘yon, e. Minsan nga, kulang na lang, ibigay ko na ang sagot, e.

"Actually, binibigay ko, hindi niyo lang nakikita," natatawang biro niya.

Hangad din daw niya na ma-enjoy nang contestants ang laro.

"Lalo na minsan, may mga guest na, hindi ko alam, baka bad day lang sila or sadyang hindi lang sila excited or kinabahan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Gustung-gusto nilang manalo. Kung gusto nila, gusto ko rin na manalo sila.

"Pero siyempre, ito yung laro na kahit hanggang sa dulo, biglang may magsusurpresa sa ‘yo. Kahit sino ka, puwede ka pa rin manalo. Minsan, nangyayari ‘yon."

Read: Dingdong Dantes dances with Marian Rivera in TikTok dance number

ON JUGGLING three tv shows & two movies

Isa si Dingdong sa busiest actors sa showbiz ngayon.

Kakatapos lang ng Kapuso prime-time series na Royal Blood, pero host si Dingdong sa dalawa pang shows bukod sa Family Feud, ang The Voice Generations at Amazing Earth.

Ongoing din ang shoot niya para sa GMA Films na Firefly, at Metro Manila Film Fest entry nila ni Marian Rivera na Rewind.

Paano niya ito napagsasabay-sabay?

"Ang secret, Lola Remedios,” natatawang biro ni Dingdong kahit hindi endorser ng naturang herbal supplement.

Dagdag niya, "Honestly, noong malaman ko na ito ang magiging 2023 ko, siyempre, in a way muna, nakaka-shock siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Sabi ko nga, I’ll take it a day at a time. At magtatapos na ang taon in three months."

Nailahad din ni Dingdong na kamakailan ay nagkasakit siya, at humingi siya ng paumanhin sa konting aberya sa taping days niya sa ibang shows.

"Nagkataon lang na medyo naabutan tayo ng sakit two weeks ago. Akala ko nga, matatapos ko ang year na ‘to, magagawa ko ang lahat without getting sick.

"Pero, nangyari and I think, aabot at aabot. Fortunately, okay naman. Nagkaroon lang ng konting delays," ani Dingdong.

Sabay dagdag niya, "Right now, very much well-rested at marami na akong baong energy hanggang sa matapos na ang taon."

Read: 8 cake-related incidents that made news

ON GOOD FEEDBACK FROM MR. M

Halatang natuwa naman si Dingdong nang ipaalam sa kanya ang good feedback ni Johnny Manahan, aka Mr. M.

Si Mr. M ang director ng The Voice Generations, ang ongoing reality show kunsaan coaches sina Billy Crawford, Chito Miranda, Julie Anne San Jose, at SB19 Stell.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nabanggit ni Mr. M sa hiwalay na presscon na alam daw niyang mahusay na aktor si Dingdong, pero nasorpresa raw ang star builder na mahusay ding host si Dingdong.

"Hay naku! Nakakakilig naman malaman ‘yon," masayang reaksiyon ng 43-year-old actor-host.

"Sa totoo lang, kinabahan ako no’ng una kong maka-trabaho si Mr. M. Kasi siyempre, alam ko na siya talaga ang nag-direk ng The Voice [for four seasons in ABS-CBN].

"So, alam ko may certain level of expectation siya para sa isang host.

"And ako, bilang new host of the franchise, siyempre, I want it also na kahit papaano, meet the expectation na sana, magawa ko ng maayos.

"And happy ako na pumasa naman ako sa kanya."

Read: Marian Rivera proud of Zia Dantes's medals; amused that daughter is "more kikay" than her

ON FAMILY TIME

Sinisiguro rin daw ni Dingdong na nababalanse niya ang trabaho sa oras niya para kay Marian at sa dalawang anak nila na sina Zia at Sixto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siyempre meron, may mga time talaga na nagkukulang sa oras. Kaya naman, especially kapag Linggo, nakatutok talaga sa kanila.

"At kapag may mga bagay na puwedeng hindi naman gawin, yung oras na ‘yon, dine-dedicate ko sa kanila.

"Minsan nga, kahit na late umuwi from a shoot, kinaumagahan, maghahatid pa rin sa school. Yun talaga ang time ko with them.

"Dahil mahalaga talaga ang stage na ‘to. Whether pagod ako or hindi, gusto ko silang makasama dahil minsan lang sila mananatili sa ganitong stage. Later on, may kanya-kanya na silang trip."

Hands on din daw si Marian, na daw naghahatid-sundo rin sa mga anak sa school.

Hindi rin daw puwedeng mawala ang couple time nila ni Marian.

Sabi ni Dingdong: "Dapat, kaya nga ang mga December trips, pina-plano na namin," saad ni Dingdong.

"At saka, nang mag-Japan kami. Nakapag-bonding kami kahit papaano. Sinamahan niya ko do’n.

"Tapos, sa set, itong Rewind movie, sabi namin, kahit trabaho ‘to, parang bonding nating dalawa ‘to. So, nag-eenjoy kaming dalawa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Siblings Zia and Sixto Dantes dedicate karaoke performance to dad Dingdong Dantes

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes on making time for his two kids amid his hectic schedule: "Siyempre meron, may mga time talaga na nagkukulang sa oras. Kaya naman, especially kapag Linggo, nakatutok talaga sa kanila. Minsan nga, kahit na late umuwi from a shoot, kinaumagahan, maghahatid pa rin sa school. Yun talaga ang time ko with them."
PHOTO/S: Rose Garcia
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results