Masayang ibinalita ni Kris Aquino sa Instagram ngayong araw, October 2, 2023, na gumaganda ang mga resulta ng ilang tests niya sa kanyang iba't ibang karamdaman.
Kaya masasabi raw niyang epektibo ang lahat ng dasal para sa kanyang paggaling.
Hindi raw mawari ni Kris kung ano ang nagawa niyang maganda, pero na-survive niya ang side effects ng mga gamot na kanyang tini-take.
Mensahe ni Kris (published as is): “THANK YOU for your continued PRAYERS, i don’t have my complete blood panel results yet BUT GUMANDA my inflammatory numbers in particular my C-reactive protein and my E-sedimentation rate.
“Hopefully in the next few days i’ll have my IgE, IgG, IgM and ANA results. (As usual, please google?) Wag na natin discuss my CBC, as always i’m still very anemic (it’s been a problem even before my autoimmune conditions were diagnosed)…
“i don’t know what good i did but i know i’m surviving all the side effects of methotrexate and my biological injectable because God is listening to all your prayers for my healing. #faith”
Umaasa rin daw si Kris na sa loob ng ilang buwan ay gumaling na siya at mabigyan ng clearance ng kanyang mga doktor upang makauwi na sa Pilipinas dahil nami-miss na niya ang kanyang mga kamag-anak.
Lagpas isang taon nang namamalagi si Kris sa Amerika.
Read: Kris Aquino bids goodbye to her followers; flies to U.S. for medical treatment
“Praying more that in 18 to 20 months i’ll reach remission and after 6 months i’ll have my doctors’ clearances and we can go home.
"i miss my sisters, my cousins, my doctors, my close friends, and of course all of you… It’s already been 16 months.”
Ibinahagi rin ni Kris na nakalipat na sila sa bago nilang rental home sa California kung saan nagustuhan niya ang vibe dahil ang pool daw nito ay may view sa dagat.
Aniya, “We’re already settled in our rental home - location wise, this is my long wished for vibe - we have a pool in the back with an unobstructed view of the blue sea and with this super fresh, cool sea breeze… plus we’re only 10 minutes away from 1 of my doctors.”
Sa bandang dulo ng post, sinabi ni Kris na hinikayat siya ng kanyang mga kapatid na linawin ang kanyang relationship status.
Wala mang binanggit na pangalan, pero nitong nakaraang buwan ay pinag-usapan ng netizens ang tila on-off nilang relasyon ni Batangas Vice Governor Mark Leviste.
Saad niya, “P.S. my sisters urged me to make my current status very CLEAR. I AM NOT IN A RELATIONSHIP, we no longer communicate, and my sons and i feel more PEACEFUL.
"No details because i value my privacy and respect his, and i chose to only give the FACTS that should be addressed.
“Again, THANK YOU for your compassion to keep me & my family in your thoughts and prayers.”
View this post on Instagram
September 1, 2023, diretsahang sinabihan ni Kris ang ex-boyfriend na si Mark na itigil na nito ang pagpapadala ng mensahe sa kanya.
Nawalan na raw ng gana si Kris na magtanong kung ano ang mga kaganapan sa buhay ni Mark, gayundin ang ibalita rito ang mga kaganapan sa kanyang buhay.
In-unfollow naman niya sa Instagram si Mark noong September 3.
June 2023 unang inamin ni Mark ang relasyon nila ni Kris.
Read: Mark Leviste confirms relationship with Kris Aquino: "Hindi lang happy, full of love, love, love."
July 10, 2023 nang isinapubliko ni Kris ang hiwalayan nila ni Mark.
