PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rizal Student Dies After Alleged Teacher Attack

"Mama, wala po akong kasalanan."
by Bernie V. Franco
Published Oct 3, 2023
student
Bago isinugod sa ospital ang anak ni Elena Minggoy na si Francis, isang Grade 5 student, may insidenteng nangyari raw sa paaralan nito. Ayon sa mga nakasaksi, sinabunutan, at sinampal daw ito ng isang guro.
PHOTO/S: Taylor Flowe via Unsplash

Bakas ang hinanakit at pighati ng inang si Elena Minggoy nang magkuwento siya tungkol sa pumanaw niyang anak, si Francis Jay Gumikib, 14.

Ang menor de edad ay Grade 5 student sa isang elementary school sa Brgy. Cupang, Antipolo, Rizal.

Sumbong ni Francis sa kanyang Nanay Elena noong September 20, 2023, sinampal umano siya ng kanyang Filipino teacher.

“Sabi daw po ng anak ko, ‘Teacher, Teacher, ang iingay po nila,’ sabi nung anak ko. Sabi ni Teacher, ‘Gusto mo pati ikaw makisali ka rin?,'" kuwento ni Elena sa GMA Integrated News.

Umupo na raw ang estudyante, subalit binalikan siya ng kanyang male teacher. Hinila ang uniform, sinabunutan, at saka sinampal.

Sabi ng ina sa interview niya sa Radyo360, sabi raw ng kanyang anak: “Mama, wala po akong kasalanan nagsumbong lang ako sa teacher."

Simula noon ay hindi na raw nawala ang sakit ng ulo ng bata, madalas itong ma-out of balance, at nagsusuka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

September 26, isinugod sa ospital si Francis, at kalaunan ay na-comatose at dinala sa intensive care unit.

Nitong October 2, pumanaw si Francis.

Ayon sa doktor, nagkaroon ito ng hemorrhage o pagdurugo sa utak ng bata.

Read:

TEACHER DENIES SLAPPING THE STUDENT

Sinabi naman ng Antipolo police na nakausap na nila ang suspek. Itinanggi raw ng guro na sinampal niya nang malakas ang kanyang estudyante.

Pero kinontra raw ito ng iba pang witness—mga kaklase ng bata.

Ani Police Executive Master Sergeant Divina Rafael ng Antipolo Police, “According po don sa mga bata is hinawakan daw po sa damit [ang biktima], then nahawakan sa buhok, saka po natampal.”

Kinabukasan, nagpunta sa school ang ina ng biktima para harapin ang guro. Subalit, ang humarap daw sa ina ay ang adviser ng bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Inakala raw ng adviser na babalik pa sa school ang ina, subalit na-ospital na pala ang anak nito.

Ulat ng GMA, hindi na maaaring ipatupad ang warrantless arrest sa guro dahil lumipas na ang maraming araw.

Kelangang sumailalim sa regular filing ng kaso, ayon sa pulisya.

Paliwanag ni Police Lt. Col Ryan Man, Antipolo Police chief, “Hindi na siya papasok sa ating time frame na puwede kasi marami nang interventions na nangyari after September 20, as compared to October 2.

“But, definitely, we will be filing a case o compliant of homicide in relation to Republic Act 7610 [Anti-Child Abuse]. We are just waiting for the medico legal and autopsy report from hospital.”

Sinabi rin na Department of Education Central Office na magsasagawa rin ito ng imbestigasyon sa insidente.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bago isinugod sa ospital ang anak ni Elena Minggoy na si Francis, isang Grade 5 student, may insidenteng nangyari raw sa paaralan nito. Ayon sa mga nakasaksi, sinabunutan, at sinampal daw ito ng isang guro.
PHOTO/S: Taylor Flowe via Unsplash
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results